Chapter 19: Game Knights

64 4 2
                                    

Saturdays are for celebrations, everybody.

Isa lang ang subject namin tuwing saturday. And dismissed na kami by 10 am dahil morning class kami pag saturday. Since napagkasunduan na to we have set our schedules already.

Sina ate Bettina, Sherlyn and Mariel lang ang nakasama sa seniors namin since busy ang mga 3rd year at 4'th of course. Sa amin medyo maluwag pa yung schedule.

Since sawa na daw sila sa 24'th dumayo kami ng 25'th. We celebrated it sa bahay nila Tiana. Sobrang laki ng bahay pero wala dito ang mga magulang ni Tiana at yung kuya niya. Nasa district 11 dahil sa business ng pamilya nila. They manage the shipping line and the ports at isa ang district 11 sa mga malapit sa dagat. They are living with their grandpa here. Naka base sa 25'th ang headquarters ng The Voyager shipping industries. Their grandpa being one of the members of the board dahil nag  stepped down na ito sa pagiging CEO. Today, Uncle daw nina Tiana ang CEO. Ang pinaka panganay na anak ni Mr. Hugo Liudion Valente, Tiana's granpi. Thats how sweet she is on her family.

Pero dito din daw nakatira yung pinsan niyang kambal, which is yun ngang taga Lanercost. Magkakaedad pala sila at sa kanilang magpipinsan silang tatlo daw ang talagang malapit dahil nga sa edad. Katulad ng parents ni Tiana, nasa ibang district daw ang mommy at daddy nung kambal pati yung nakatatanda nilang ate at kuya dahil sa ibang port naman yung operation nila. Halos lahat ng port ay mayroong operation ang voyager shipping lines. But the family originally resides at 25'th. Kaya narito sina Tiana sa lolo nila.

So nandito nga kami ngayon sa mansyon ng mga Valente. Just like Jared's house, may sarili ring open basketball court ang mansyon na ito. It's for Alvior daw which is of course Jared's teammate. I already saw how the twins look like pero si Alvior pa lang ang nakita ko sa personal. Nung opening ng MCSL. Katabi kasi siya ni Jared at magtotropa sila.

Pero wala daw ang kambal ngayon dito dahil nasa training, sabi ni Tiana. Kaya nga inimbita niya kami dito dahil wala daw ang asungot na kambal.

" mga kunsumisyon sa buhay yung mga yun. "

We were relaxing at their swimming pool and enjoying afternoon's heat. They got three maids in the house because basically, si Tiana at yung kambal at yung lolo lang nila ang nakatira rito. Sometimes dumadalaw yung mga uncle at auntie nila. Mr. Hugo Valente's wife has passed away three years ago, kaya ang kasiyahan na lang daw nito ay ang mga apo niya. And according to Tiana, paborito daw ng lolo nila ang kambal. Kaya sipsip naman daw yung kambal sa lolo nila at magaling magpaawa.

Alvien is older by 2 minutes. Nasa football team siya ng Lanercost at si Zach and Lawrence ang tropa niya. While Alvior is on the basketball team at tropa naman ni Jared. 

Small world isnt it ?

Then Tiana is our friend. Valentes are into sports, no doubt. Nagmula talaga sa competitive na pamilya.

Nagpadala si Tiana ng ilang pagkain dito then drinks na rin. Super comfortable and relaxing time with the girls. Napagkwentuhan lang namin nina ate Mariel yung rookie year nila. Kami pala ang pinakamarami na nakuha for a single try out. 9 kasi kaming nakuha while last year tatlo lang sila.

" Be ready for Fontana, magagaling talaga yung mga nandun. "

Kinwento nila yung experience nila last year kung saan natalo daw DSU sa semi finals. Hoping we can bounce back this year.

Nag swimming lang kami at relax lang dahil back to normal naman sa monday. I checked my phone for a minute.

I congratulated Anthony and the whole men's basketball sa comment section sa story ni Anthony. Panalo din DSU sa first game ng men's basketball last wednesday.

L1-TS01BWhere stories live. Discover now