Chapter 1

806 54 4
                                    

[1]

Dianhell

Once upon a time, there lived a beautiful maiden who goes by the name Lyra. She grew up in an orphanage and she always tells the other children that the place they call home... is magical.

"May fairies po ba doon sa orphanage?" tanong ko at tumingala sa mukha ng mommy ko. Nakasandal siya sa dulo ng kama at nakaupo naman ako patalikod sa kaniya.

"Hm..." Ngumiti siya. "Siguro? Ah. Baka may mga duwende rin, ano?"

Binalik ko ang tingin sa storybook na binabasa namin ni mommy. Ito ang unang beses na nakita ko ang libro at kahit sira-sira na, nababasa pa rin naman ang mga nakasulat.

The children doesn't believe what Lyra is saying. But she was too excited to introduce her magical friends so she told the children to wait until midnight. Because only then will the magical people come and play.

When midnight came, Lyra sneaked outside her bedroom and walked quietly towards the door at the end of the hallway. That door was always closed and when she turned the knob, it made a little creaking sound as it opened.

Then there came a light from the other side of the door. Lyra's face brightened when she saw her three magical friends appear after the blinding light.

"Three?" nakasimangot kong tanong. "Akala ko po marami sila."

Natawa si mommy. "Marami na rin naman ang tatlo, anak. Heto. Tignan natin kung sino-sino sila ah?"

The first magical person to greet Lyra is the fairy queen. She is the ruler of the magical kingdom and she has the power to unite all fairies. The second one is the fairy empress. She is the strongest warrior of the land and holds the power to banish all enemies of the kingdom. The third and last magical fairy is the fairy goddess. She is the kingdom's most valuable treasure because she holds the power to—

Napakurap ako nang huminto sa pagbabasa si mommy. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa story book at mabilis ang paglipat ng mga mata sa mga salitang nakalagay doon.

Naramdaman kong nanigas siya sa pwesto at mahigpit akong niyakap. "M-Mommy? Bakit ka huminto?"

"Hindi maaari ito..."

Gusto ko sanang basahin ang nakasulat pero malabo na ang mata ko sa sobrang antok. "Mommy, sino ang pangatlong fairy?"

Malakas niyang isinara ang libro at tinapon sa kama. Aabutin ko na sana ito gamit ang parehong kamay pero hinatak ako ni mommy.

"Huwag mong hahawakan iyan!"

"Mommy!"

Bumagsak ang lahat ng nakikita ko hanggang sa lumiwanag ang paligid at napabangon ako mula sa pagkakahiga. Habol ang hininga na iginala ko ang paningin sa buong kwarto.

Napahinga ako nang maluwag. "Fucking nightmare."

Dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa mga bintana, nakapikit kong kinuha sa side table ang tumbler ng tubig at uminom nang marami. Mahaba pa siguro ang tulog ko kung hindi lang ako binangungot. Leche naman.

Sa linya ng trabaho kung nasaan ako, dapat lang na makakuha ako ng sapat na tulog sa tanghali dahil sa gabi ko inuubos lahat ng energy ko. Hindi pwede ang papetiks-petiks.

Lalo na kung naka-heightened alert na kami dahil sa pesteng drug war sa Pilipinas. Hindi makakilos nang maayos ang mga kliyente ko kaya minsan ay ako na mismo ang gumagawa ng transaksyon.

Binalik ko na ang inumin at muling humiga sa malambot na kama. Kailangan ko pa ng isang oras. Kahit isang oras lang!

Hinila ko ang kumot para matakpan ang buong katawan ko hanggang ulo pero hindi ito umabot. Kunot-noo kong hinatak ang kumot pero hindi pa rin ito nagalaw. Dito ko na inangat ang ulo at nilingon ang dahilan ng napakaliit pero nakaka-stress kong problema sa umaga.

War GoddessWhere stories live. Discover now