Chapter 9

175 42 0
                                    

[9]

Dianhell

Present time

Tahimik lang kaming nakamasid sa isang condominium sa gitna ng shopping district dito sa Maynila. Maraming dumadaang sasakyan sa harapan nito kaya walang magtataka kung bakit may nakahintong Ranger sa tapat na kalsada. Tinted ang sasakyan kaya walang makakahalata sa ginagawa namin sa loob.

Ni-set ni Khian ang hand brake at pinatay ang makina. In-assess ko naman ang kabuuan ng Rex condominium habang tinatanggal ang belt dito sa shotgun seat.

"That's where he was last seen after fleeing from the police operation four nights ago." saad ni Khian. "Sa surveillance naman ay nakita siyang pumasok pero walang naitalang paglabas."

"No other possible exits except the windows. Which means he could still be hiding in there."

"Ang problema lang ay hindi na siya basta-bastang kakausap ng kung sino. Iisipin niya na madali na lang siyang ma-entrap ng mga pulis."

"Nahuli na rin ang iba pa niyang kasamahan kaya mas lalo na siyang magiging balisa." Huminga ako nang malalim at hinanda ang mga kakailanganing armas. "But I don't have time to waste so, let's take that shit out of him."

"Copy that."

Nahawakan ko na ang door handle nang pigilan ako ni Khian sa braso. Lumingon ako para magtanong pero napapikit na lang dahil sa pagsuot niya sa akin ng sumbrero.

Sinamaan ko siya nang tingin. "You know that doesn't help."

"Worth your fashion." kibit-balikat niyang sabi. Naka-army shirt kasi ako at khaki shorts. Ang disguise ko ngayon ay isang rocker chick. Makapal na eyeliner, black lipstick, fake ear piercings, at demonic accessories. Gosh, so not like me. Napaka-opposite ng itsura ko ngayon para sa isang dyosa. "Let's go."

Pagtawid pa lang namin sa kalsada ay nagpakita na ng nakakabahalang tingin ang security guard ng condo. It's not everyday that two strange people with big guns came walking towards you. Well, you get the picture.

Pinaputukan ko nang isang beses ang sekyu sa hita bago pa niya kunin ang radyo para humingi ng tulong. Bumagsak siya at napahawak sa post. Napasigaw naman ang ibang staff na nakatambay sa entrance at tumakbo palayo. Wala silang panahon para tandaan ang mukha namin kaya hinayaan ko na lang sila.

Muli akong nagpaputok sa lobby para ma-disable ang mga surveillance cameras. Kasunod ko si Khian na dumiretso sa emergency circuit at sinara ang main entrance at parking ng condo. Naglagay siya ng time bombs sa mga metal gate para kung sakaling pasukin iyon ng mga pulis ay maalerto kami.

"Lahat kayo. Sa storage room." utos ko sa mga taong nakayuko lang at nanginginig sa takot. "Dali!"

Parang mga daga silang nagmadali ng pagpasok sa isang pinto sa dulo ng lobby. Pasikreto akong nagpagulong ng sleeping gas sa pinasukan nilang kwarto. That should keep them unable to call for help. Binarahan ko naman ng nahanap kong bakal na tubo ang pinto sa staircase para walang makakalabas na kahit sino galing sa itaas.

Pinuntahan ko naman si Khian na naghihintay sa elevator. Sumara ito at umakyat na sa floor na sadya namin. Nag-reload na ako ng bala sa dalawang handgun habang ang lalaking ito ay nag-aayos ng itim na face mask mula baba hanggang tuktok ng ilong.

"It suits you." biro ko. "Magsuot ka ng ganyan palagi."

"Nah. It's difficult to breathe." Sunod niyang hinigpitan ang suot sa sumbrero niya.

"Nakayanan mo ngang mag-stay sa ilalim ng tubig ng 15 minutes."

"Isang beses lang iyon."

I scoffed. "Naniniwala ako sa kasabihan na kapag nagawa mo ng isang beses, magagawa mo ulit iyon kahit ilang beses pa."

War GoddessWhere stories live. Discover now