Chapter 13

147 41 0
                                    

[13]

Khian

Parang wala sa sarili na nagmamaneho ako sa gitna ng highway. Nakatuon ang siko ko sa pinto ng sasakyan at nilalaro-laro ng daliri ang ibabang labi. Hindi ko alintana ang mga sasakyang binubusinahan na ako dahil sa bagal kong magpatakbo.

Diretso lang ang tingin ko sa harapan habang ang kamay ko sa steering wheel ay unti-unting lumuluwag. Laging bumabalik ang pag-iisip ko sa narinig mula sa Empress at mistulang umuulit ang mga katagang iyon sa aking pandinig.

"Xiella Renesmee is your first… and original boss."

Hindi naman marunong mag-joke time si Lady Maxhein, pero bakit gusto kong matawa nang sabihin niya iyon? Naguguluhan ako. Na naiinis. At may kasamang pagsisisi. Sumabog lahat ng nararamdaman ko kaya umalis ako sa bahay nang walang pasabi. Ginamit pala ni boss ang sasakyan namin kaya napilitan akong manghiram ng masasakyan sa Omega.

Kailangan ko siyang puntahan at kausapin. Hindi pwede ang ganito na maglalayasan na lang kami kapag may naibunyag na malaking sikreto.

Sana pwedeng sabihin ang mga katagang, "I need an explanation. I need an acceptable reason!" Pero baka barilin lang niya ako kapag ganoon ang tono ng boses na ginamit ko.

Hindi pa ako makapag-isip ng mga konkretong sasabihin kay boss. Kaya ito, sinasadya kong bagalan ang mga takbo ng sasakyan. Baka sakaling ma-delay ang nagbabadyang inis at tuluyang maglaho kapag nagkita na kami.

Pero hindi eh. Nagsisinungaling si Dianhell sa akin pero hindi ko inakala na may ganito siya kalaking sikreto at tungkol pa ito sa pagtatrabaho ko sa kanya.

Bakit hindi niya sinabi na may nauna pala akong naging boss? Bakit siya ang pinagsisilbihan ko ngayon at hindi si Xiella?

Natigilan ako sa sariling tinatakbo ng isip at napaupo nang maayos. Ano bang klaseng tao ako para magtanong nang ganoon? Sa labing-isang taon na pagiging tauhan ni boss, bakit ngayon pa ako magagalit? Edi sana, noon pa man ay sumuko na lang ako kung ganito naman pala kababaw ang tiwala ko sa kanya.

Kung ano man ang magiging sagot ni boss sa mga tanong na iyon, maiintindihan ko. Hindi ako tatagal sa tabi niya kung gusto lang niya akong ipahamak.

Babalik at babalik ako kahit ano pa ang malaman ko tungkol sa kanya.

Pinindot ko ang call button na naka-built in sa kotse. "KnD. Goddess location."

"Slingky Bar. Five kilometers."

I revved up the engine and placed my speed to 90 since there's only a few cars up at the front. Hayaan ko nang masira ang lahat, 'wag lang itong relasyon namin na hindi ko alam kung saan mapupunta.

Pagdating ko doon ay kaunti lang ang mga tao. Ito ang typical na lugar na gusto ni boss: wala masyadong bintana, madilim, at hindi dinudumog. Okay lang sa kanya na manatili rito nang walang inaalala kung may makakita na kalaban.

Tinanguan ko naman ang tatlong Omega agents na nakabantay sa isang babae na nakatalikod sa akin at nakaharap sa bar counter. Tumigil sila sa kunwaring pag-inom at nakihalo na sa mga grupo na sumasayaw sa gitna.

Hindi na ako nag-abalang tawagin siya. Sa halip, umupo ako sa katabing stool at humarap sa kanya.

Halata namang ramdam na ang presensya ko pero hindi niya ako nilingon. Mapungay na ang mga mata niya at diretsong nakatingin sa wine cellar sa loob ng counter. Tinignan ko ang mga walang lamang bote sa tapat niya. Dalawa.

"Ba't ka pa nandito?" tahimik niyang tanong. "Dapat umalis ka na at hanapin ang babaeng iyon. Damn little brat. Matutuwa na siya ngayong alam mo na kung sino siya. Mas matutuwa pa siya kung ikaw mismo ang babalik sa kanya."

War Goddessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن