Chapter 8

177 43 2
                                    

[8]

Dianhell

11 years ago

"She's not taking her meals seriously. Lalabas lang siya ng kwarto kapag kukuha ng chocolates at sugar. At madali niya lang iyon nakikita dahil naka-display lang ang mga ito sa mesa. You know it's not healthy."

"Yes, I know, doctor. But it's not healthy for her to throw tantrums either. Sa ngayon, kapag binibigay ang gusto niya, saka lang niya kami kinakausap."

"I understand. Just give her a lot of water and the vitamins. I'll be coming back after a week."

"Thank you."

More health advises. Hindi naisip ni lolo at ng kung sino mang doctor na naririnig ko ang usapan nila sa kabilang side ng pinto. Nakaupo lang ako sa gilid, sinasandalan ang pader na animo'y sobrang nipis dahil malinaw sa pandinig ko ang pinag-uusapan nila.

Niyakap ko ang sarili at muling natulala sa kawalan. Patay ang mga ilaw sa loob ng kwarto at tanging liwanag ng buwan na tumatama sa bintana ang gabay ng paningin ko. The air was cold, so cold I could've freeze to death. Pero alam kong imagination ko lang iyon. Exaggeration, perhaps, to forget something that scared my whole being.

Lolo was wrong. Hindi ko sila kinakausap dahil hindi ko gusto. It's because my mouth can't utter any words I want them to hear. Ganito na mula noong sumigaw ako nang pagkalakas-lakas dahil sa pagkakakita kung paano nila pinatay ang daddy ko. Sa harapan ko. Nang walang pag-aalinlangan.

I was trembling every time the memory resurfaces. Bumabalik ako sa pagkakatayo sa kalsadang iyon, nakaharap sa grupo ng mga armadong lalaki at isang nakaputing babae. Ang baril nila ay nakatutok kay daddy na kahit hirap nang huminga ay nanatili ang masamang tingin sa babae.

"Die."

Hinigpitan ko ang takip sa aking mga tainga. Tuluyan akong nilamon ng takot sa mga malalakas na tunog sa paligid. May sumigaw. May mga sunod-sunod na pagputok. May mga kumalansing na metal sa kalsada.

I don't want this. Please, make it stop. I don't want to die.

"Save me." I whispered, gritting my teeth as my whole body shivered.

Pero nang buksan ko ang aking mga mata, nasa loob pa rin ako ng madilim na kwarto. Malamig. Tahimik. Ako lang mag-isa.

If this is what they mean by saving me, I would've died either way. Lolo got me out of there, but he's not here anymore. Marami siyang inaasikaso. At kapag bumibisita siya, umaalis din agad kapag hindi ako nagsasalita.

Why would they need me to talk? I don't want to. Gusto ko lang ng kasama. Gusto ko lang maramdaman na hindi ako mag-isa.

Someone, please save me.

But no one came.

Days turned into weeks. Everyone in this house lost hope that I would recover. Or at least, that's what I wanted them to think. Walang nagtatagal na katulong, o tauhan, sa kwarto ko. I even heard the doctor telling my grandfather to stay away.

Dahil noong isang araw, nangyari ang hindi inaasahan ng lahat. Walang sinuman ang nakalapit nang biglang magbukas-patay ang ilaw at mabasag isa-isa ang mga picture frames. All of them saw how my hands moved in the air as if trying to grab on something big. Then when I released them outwards, everything in my room fell upside down.

You might think that I should be enrolling to Xavier's special school because of what happened. But none of this is fiction. This is the truth.

Eventually, without saying anything, Lolo and his people stayed away for good. Food only comes when I knock on the door and besides that, wala nang nagtangkang makipag-usap. Xy and Max came to visit, but they only stood by the door and watched me sleep. Lolo has the most visits. Kahit pinagbawalan ay pumapasok pa rin siya sa kwarto kasama si Sebastian. Natuto na silang hindi magsalita. Minsan tinatapik lang ni lolo ang ulo at balikat ko, o kaya niyayakap ako nang mahigpit.

War GoddessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora