Chapter 5

200 46 0
                                    

[5]

Khian

A year ago

Tinutukan ko ng baril ang magkabilang daan sa dulo ng hallway para maghanda sa paparating pang mga kalaban. Madilim ang loob ng museo at tanging mga lumang candelabra lang ang nagsisilbing ilaw.

Naramdaman ko ang dibdib ni boss na pumapatong sa likod ko. Huminto ako sa pagkilos. "Please move away a little, boss. Your chest makes me uncomfortable."

Hinampas niya ako sa balikat at bumulong pero galit ang boses. "This isn't the time to be perverted! If I move any further without a gun, I'd be dead."

"That's why I told you to go with the Queen's head guards. You don't have to stay here any longer."

"Are you crazy? I can't just leave you here!"

"No boss should worry about her guard that much."

"Well, aren't you glad that I'm that kind of boss?"

Nilingon ko siya nang sabihin niya iyon pero sa paligid siya nakatingin. My lips curved into a smile. Damn, woman. You're making me feel too relaxed.

"Ano ba 'tong dress na 'to?" Inis niyang itinaas ang laylayan ng suot niya at doon ko lang nakita na wala siyang sapin sa paa. "Hindi ako makagalaw nang maayos."

"Punitin mo." Nag-reload ako ng bala at tinignang maigi ang hallway na balak naming daanan. Doon pumunta ang tina-track naming babaeng robot na sinasabing dumukot kay McLuth. Hindi sila aalis sa museum na 'to dahil nadiskubre naming my underground laboratory ang Hoax dito.

"I can't. The fabric's too thick. Kakailanganin ko ng blade."

Humarap ako sa kaniya at kinuha ang telang hawak niya. Sinimulan kong punitin ang laylayan mula sa dulo ng sequins na nakatahi sa tela. Malakas kong hinila ang punit paikot para umikli ang dress.

"Hindi ba kita ang underwear ko rito?" Umikot siya habang tinitignan ang ginawa ko sa mamahalin niyang dress.

"Nah. There's nothing to see anyway." Natatawa kong iniwasan ang kamay niya na ibibigwas sana sa akin. "Let's go." Sinanggi ko ang kamay niya at hinawakan nang maayos saka kami tumakbo.

"I'm gonna kill you after this!"

Pfft. "You're free to do so."

"KnD." Pinindot ko ang call button nang marinig ang boses ng squad leader. "Elevator on the right side. We're losing her."

"Not yet." sagot ko. "Boss, five o' clock."

Tumango siya saka naunang tumakbo sa akin. Nang makarating kami sa lokasyon, tinanggal niya ang isa sa malalaking hair clips sa buhok at ibinato sa key pass ng elevator. Nasira ito at bumukas muli ang magkabilang pinto.

Napalingon ang mga nakasakay na Hoax guards pero pinaputukan ko na ang mga ulo nila habang umaabante. Si boss naman ay nakapasok na sa malaking elevator at nasa defense position dahil sa agresibong babae na target namin.

Sanay na ako sa strategy ni boss na gumigitna sa target point ko. Madali ko lang naiiwasan na matamaan ang katawan niya dahil bukod sa mabilis siyang gumalaw ay nakakabighani sa paningin ang buhok niya.

That striking green color lets me focus on specific targets that seemed so dull. Hindi pwedeng dumikit ang kahit anong plain color sa buhok na iyon.

I have no idea how I came up with that, but it helps a lot.

Nagawang ma-headlock ni boss ang babae at malakas niya itong inuntog sa steel wall. Dumausdos pababa ang katawan nito. "Fuck. We're supposed to keep her awake."

War GoddessWhere stories live. Discover now