Chapter 21

132 38 0
                                    

[21]

Khian

I admit, seeing your girlfriend slash boss throwing people around without even touching them is kind of a marvelous sight to behold. Not that I got used to it so easily. May parte sa akin na hindi pa kayang matanggap na ganito siya kalakas.

Being an actual war goddess is a huge advantage on our side. Pero naisip ko na nakakabahala ang sitwasyon namin ngayon. It's like we're using the energies beyond the laws of nature to stop a human war. Kung sosobra kami ay baka hindi lang mga tao ang madamay kundi ang lupang kinatatayuan namin.

That's why Dian has to control her powers as soon as possible. Sa aming lahat ay siya lang ang makagagawa ng malawakang pagbabago sa mundo.

I shot a sniper who locked his gun to where she's standing. Tumingin naman sa akin si Dian at napakurap pa ako nang magbigay siya ng flying kiss sa akin. Patunay na alam niya ang ginawa ko kahit hindi siya nakatingin.

Napailing ako pero napangiti rin. Really, woman? You're making me bleed hearts for you.

Pero sa seryosong usapan, ano nga kayang pwede kong gawin para tuluyan niya itong magamit sa mga kalaban?

Habang nakikipagbuno sa ilang kalaban na na-disarm ko, binalikan ko ang isang pagkakataon kung saan binuhos ni Dian ang lakas niya para mapatumba ang mga kalaban.

Kaka-graduate lang niya sa kolehiyo noon nang bisitahin namin ang Head Master sa kastilyo.

"My hermit," tawag ng Head Master sa apo niya. "Congratulations, you're school-free now."

"Thanks, lolo. Siguro naman babalik na ang Goddess ko?" tanong agad nitong isa. Tinutukoy ang yate na kinumpiska ng Head Master dahil ginamit ito sa pagpuslit ng droga na hindi niya akalaing magagawa ng apo niya.

Itinaas ng matanda ang hintuturo at umiling. "You'll get it in one week."

"What? That's ridiculous. Magse-celebrate ako sa Macau kasama si Devine."

"Still getting it in one week."

Pumadyak-padyak ang boss ko sa inis. Lagi niya itong ginagawa kapag hindi nasusunod ang gusto niya. Ang cute pa niya tignan kapag tumutulis ang nguso niya. Pero syempre, hindi ko iyon ipapakita sa kanya.

Ang Head Master naman ay obvious na natutuwa sa inaasta ng panganay na apo. He chuckled while reaching for his pocket. "My hermit, I have a bigger gift for you than giving back that yacht. Here."

Una naming narinig ang kalansing at nang ihagis ito pataas ay nasalo agad ni boss. Parehas kaming napatingin dito at inangat ni boss ang ulo niya sa Head Master. "I don't need a car."

"Mukha bang susi ng kotse iyan, apo?"

"What—" Tinignan niya ulit ang kinang ng dalawang susi na kulay ginto. "A house. You're giving me a house?"

"Yes, my hermit."

"But I'm fine staying here in the castle. Are you… Are you throwing me out?"

Pfft. Tumingin ang Head Master sa kanya nang masama. "Are you reenacting some TV series? Binigay ko iyan sa 'yo dahil palaging sinasabi sa akin ni Devine na nagpaparinig ka tungkol sa pagkuha ng sariling bahay."

Mabilis akong nilingon ni Dian at automatic naman akong nagkibit-balikat. Bumuga siya ng hangin saka binitin ang susi sa ere para ipakita sa kanyang lolo. "Where is it?"

"I took you there a year ago. It's one of the grandest manors in the Philippines and an old friend, who passed away recently, gave it to me. Hindi na ito natirhan dahil namatay na ang kanyang anak bago pa ito matapos itayo."

War GoddessWhere stories live. Discover now