Chapter 23

125 37 2
                                    

[23]

Xyriel

"They did not just do that." napapailing kong sabi nang magkwento si Hyatt tungkol sa not-so-wrong-timing proposal na ginawa ni Devine kay Dian. Iyon namang pinsan ko eh mistulang nag-power up at nagpagapang ng mga halaman at puno sa siyudad kaya naging gubat na ito sa loob lang ng isang oras.

Talk about being a goddess who can switch life and death in a snap.

"Walang makakapigil sa kanila." sabi ni Hyatt na nakikipag-usap sa akin gamit ang telepathy. Kinonekta ang isip niya sa akin kaya hindi na kailangan ng radyo. "Oh, look. They even kissed. Ew."

"Having romance can boost up your superhuman energy, I guess." sabi ko na lang. Bumaba ako sa itaas ng sira-sirang kalabaw na robot na umuusok pa ang mga parteng binutas ko sa katawan nito. "Tulad ni Devon. Gustong-gusto nang kumawala nang makita si Voxen."

"Ugh. Hindi ba magsasawa sa kakaiwas ang dalawang iyon sa isa't-isa? Like, a thousand years passed and they're still not permanently together."

"They're working on it." Rinig ko ang dalawa pang mabigat na makinarya sa magkabilang daan kung nasaan ako. "Meanwhile, para sa atin na hindi pa kayang gumamit ng romantic motivation, we can only rely on ourselves."

"Damn right, boss."

Naalala ko naman ang sariling romantic motivation at kung gaano kaimposible ang magamit iyon sa sitwasyon ngayon.

Zandre, the love of my life, is currently holding the Resistance fort in Taiwan and helping out the civilians over there. Ang Giovan Maxima sa iba't-ibang parte ng mundo ay naka-defense posisyon lamang dahil sa utos ko. Ayokong mawala ulit siya o sila sa pangalawang pagkakataon.

Though deep inside, ayoko rin na wala sa tabi ko si tanda.

Mabilis akong lumingon nang makalapit ang isang robot. Pinigilan ko ang nguso nito at bago pa ako sabugan ng lava eh dinukot ko ang kaliwang mata nito at tinanggal ang energy core. Ito ang nagbibigay-buhay sa kanila para makagalaw sila kahit walang nakasakay sa loob.

Nawalan ng power ang kalabaw kaya hinawakan ko ang isang sungay nito at kinaladkad para ihagis sa isa pang paparating na kalabaw sa kabila ko. Dumausdos sila sa kalapit na gusali at umusok nang gumuho ang semento sa mga ito.

"Talk to me later, Hyatt."

"Sure."

Undefined strength flowed within me and through my hands and feet. Unti-unti ko itong hinasa sa mansyon nang ilang araw. Hindi ako nagpapasok ng kahit na sino pati ang mga chicken.

Si Zandre naman ay hindi ko mapigilang pumunta kaya maya't-maya siya dumadalaw. He even learned how to dodge my accidental overpowering attacks.

"I realized something, love." sabi niya noong isang beses siyang dumalaw sa mansyon na kaming dalawa lang ang tao. "Every now and then, I thought of this."

"Ano na naman iyan?" bored kong tanong at sinubo ang slice ng apple na tinapat niya sa bibig ko. Nandito kami nakaupo sa gilid ng fountain sa lobby at breaktime ko sa pagbubuhat ng mga sako ng bigas at iikot sa mansyon buhat ito.

"When we first met, I saved you from a couple of bad guys at the riverbank." Natigilan ako sa pagnguya nang salubungin ko ang tingin niya. "You practically begged me to save you."

"Ah… Huh…"

"But you actually can beat them all up, right?"

"Look," umayos ako ng upo paharap sa kanya na nakataas na ang magkabilang kilay. "I wasn't that strong enough like this back then. Totally!"

War GoddessWhere stories live. Discover now