Chapter 6

179 44 0
                                    

[6]

Khian

A year ago

Nakatanggap ako ng report tungkol sa ilang grupo na anti-Zion na nakapasok sa mansyon ng Gangster Queen. Isa si Lenoxx sa mga guard na nagawang patumbahin ang humigit-kumulang na tatlong-daang kalaban. Hindi alam ni boss ang nangyayari dahil nagpapakasubsob siya sa trabaho at bihirang lumabas sa underground base ng manor.

Mula noong mag-away kami ay napagdesisyon kong bantayan ang kilos ni Lenoxx at dinagdag siya sa listahan ng mga kailangan ko ng updates. Para kung sakaling hanapin siya ni boss at ayusin ang hindi nila pagkakaunawaan, alam ko kung saan siya mahahanap.

Sinundan ko ang mga kilos ni Lenoxx palabas ng Francia Mansion. Nakakapagtaka na hindi niya kasama ang kapwa head guards at parang wala silang kaalam-alam na umalis siya.

Nalaman ko lang ang sagot nang makita siyang pinagtutulungan ng mga natitirang miyembro ng Hoax sa isang lumang warehouse. Unang tingin pa lang ay sigurado akong nalinlang siya ng mga ito.

"I can't believe you're saving me for the second time." napapailing niyang sabi nang magkatalikod na kami at nakapaligid sa amin ang mga kalabang may hawak na mga pamalo. "Are we brothers from our past lives or what?"

"You could say that." Tinignan ko ang stance ng bawat isa sa mga lalaki at nagkalkula ng kilos sa isip. "There's someone who'd want you alive. I'm just doing my job."

"The Goddess? I told her that I'm sorry."

Nauna kaming sumugod kaysa sa kanila. Pinangsanggi ko ang braso sa unang tira ng pamalo nila at isa-isa kong hinampas ang vital points sa katawan nila gamit ang gilid ng kamay. Hindi ako marunong gumamit ng pamalo kaya dini-disable ko muna ito sa kanila bago sila patumbahin.

"Sorry for what?" Nilingon ko si Lenoxx na binabali ang kamay ng isang kalaban. "You'd never set up a date if you didn't like her."

"We both made a mistake." Sinuntok niya sa ilong ang binalian niya ng buto. "So I pushed her away. Sabi ko, hindi na dapat maulit ang nangyari."

Only then I realized that it was actually my fault. Kung hindi lang ako sumingit sa kanilang dalawa, hindi iyon gagawin ni boss. What the hell did I just do? Hindi ito ang dapat na gawin ng isang tauhan sa personal na buhay ng kaniyang boss.

"Give her a chance. She was drunk."

"Yeah, I know. But don't you think people only speak the truth when they're drunk? That's the truth they always kept deep down and afraid to say it out loud. I think... the Goddess likes someone. And that someone isn't me."

Kumunot ang noo ko at hinarap ang mga nakatayo pang kalaban. "No. She really does."

"I've seen so many good girls out there, Devine. The Goddess is one hell of a great example. Pero dahil mabuti siyang tao, nakikita lang niya ang kabutihan ng iba. At ito ang unang beses na nakakilala siya ng katulad ko. She likes me because I'm the first likeable person who treated her nicely when she stepped out of her comfort zone. Iniisip niya na gusto niya ako kasi akala niya gusto ko rin siya."

Napailing ako. "I don't understand a thing."

Narinig ko siyang tumawa sa likuran ko. "Iyan ang problema sa mga taong walang exposure sa outside world. Both of you don't know what like or love is. You think that the first person who meets the standards is the one you should set your attention to. The one you should try to give your heart to. Simply put, you're naive. Give it a month or two, her feelings for me will surely die down."

Nang kaming dalawa na lang ang natitirang nakatayo at hingal na hingal, hinarap niya ako. Ngumisi siya sa akin. "And I told you, she likes someone else. You should know who it is. You're her head guard, after all."

War GoddessWhere stories live. Discover now