Chapter 12

159 41 0
                                    

[12]

Khian

"Can you leave us for a few minutes?"

Nawala ako sa pagkatitig kay boss. Sigurado akong naalala niya ang naging usapan namin sa tapat ng LeReal building kahapon. Mula sa kanya ay nilipat ko ang tingin kay Lady Maxhein nang sa amin na siya nagsabi.

Ayoko sanang umalis sa pwesto ko dahil nararapat lang na lagi akong nasa likod ng pinagsisilbihan ko. Mas mataas ang ranggo ng Empress pero hindi ibig sabihin nito ay siya ang susundin ko at hindi ko na papakinggan ang utos ng sariling boss.

Isa pa, nakakabahala ang itsura ni boss ngayon. Hindi siya makapagsalita at parang nabato na siya sa kinauupuan. Humihinga pa ba siya?

Magsasalita na sana ako para kuhanin ang atensyon niya pero humarang si Vlad. Muntikan ko pang pilipitin ang kamay niya dahil sa instinct ko na 'wag hahayaang may gumitna sa amin ni boss.

Damn it. I'm getting paranoid.

"Garden." tipid niyang sabi bago maglakad palayo. Tinapunan ko ng saglit na tingin si boss bago sumunod sa kanya.

Maganda ang pagkakagawa ng bahay ni Lola Mercy—na nagpumilit na itawag ko siya nang gano'n—at kung oobserbahan ang subdivision ay imposible talaga itong mahanap ng kung sino mang anti-Zion at nakakaalam ng totoong katauhan niya.

This community is full of family-oriented people. Halos kilala nila ang isa't-isa. Nalalaman kung sino ang bagong lipat at kung sino ang magpapahanda kapag may birthday. It's too peaceful and orderly.

What would it be like if I get to experience that kind of mundane life?

Tulad ng inaakto nitong si Vlad, o mas kilala ng lahat bilang Voxen. Nakaupo siya sa maiksing bench at mistulang matandang uugod-ugod na nagbabantay sa halamanan niya.

Umupo ako sa tabi niya. "Never took you for a nature-lover."

"I'm not changing sides." he joked. Kahit kailan talaga ay hindi siya magaling magbiro. "I'm a city person."

"May iba ka pa kayang masasabi bukod sa nakaka-boring mong lifestyle?" Napailing ako. "Two years of knowing you and yet, I know nothing else besides your name and your job."

He just shrugged, patunay na hindi rin siya conversational. Sa katunayan, baka maubos na ang laway ng kausap bago pa makarinig ng kahit anong sasabihin niya. At kung may sasabihin nga, ang tipid naman. Ang seryoso pa.

Napatingin ako sa malaking aso na kanina pa titig na titig sa aming dalawa na animo'y nakabantay sa kilos namin. Tinuunan ko ang tuhod ko at nilahad ang parehong kamay sa kanya. Nakuha naman niya agad ang ibig sabihin kaya lumapit siya at nagpahawak sa akin.

"Cookie." basa ko sa dog tag niya. Mukha nga siyang cookie dahil sa malalaking black spots niya. "You're Italian, aren't you?"

Tumahol siya nang dalawang beses. Is that a yes or no? Hinayaan niya lang ako na guluhin ang ayos ng balahibo at laruin ang tainga niya.

"I met someone." panimula ni Vlad. Nakatingin din siya kay Cookie. "Who seems to have a superhuman ability too."

Napataas ako ng kilay nang maisip na siya mismo ang nagbigay ng mapag-uusapan. At nasa kanya na ang buong atensyon ko dahil ang lahat ng sinasabi ng lalaking ito ay importante at hindi dapat makalimutan.

"Yeah? What does he do?"

"She can teleport." Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan dahil sa sinabi niya. "And other things."

"You know each other? Ikaw lang ba ang nakakaalam na may ganoon siyang ability?"

Umiling siya. "I'm not sure. Dati, may ginawa siya para makalimutan ko ang lahat tungkol sa kanya."

War GoddessOn viuen les histories. Descobreix ara