Chapter 16

133 39 0
                                    

[16]

Dianhell

"What… How did… Since when…"

Natawa siya sa hindi makumple-kumpleto kong tanong nang tawagin niya ako bilang Zion Master. I can't believe it! Naaalala na niya ako. Ibig sabihin, naaalala na rin niya ang nangyari sa 'min.

Kaya pala sa pagpasok ko ay parang iba ang atmosphere ng opisina. Nang magkita at magkakilala kami ni Yvian sa US, lagi siyang may nakapabango at puro black and white ang kulay ng damit niya.

Now, air freshener na lang ang papasok sa ilong mo. Napakamaaliwalas. I was never a fan of perfume and other flavored scents because I feel nauseated. But I wonder why Khian's body wash seems so…

Napakurap ako sa iniisip at umiling nang malakas. Hinarap ko si Yvian na nakasandal na ngayon sa table niya at nakaharap sa akin. Navy blue polo na ang suot niya na nakatanggal ang unang dalawang butones. Hindi na siya mukhang pormal tulad ng dati.

"You remembered."

Nakangiti siyang umiling. "No."

"What?"

"Hindi ako nakalimot."

"But—" Binalikan ko ang mga panahon na parang ibang tao na ang kausap ko kapag nakikita ko siya. "Why did you act like you've forgotten?"

"Because I had to." Tumingin siya sa labas ng opisina kung saan nagkakasalubong na sa paglalakad ang mga empleyado. "That night at the warehouse. Bago dumating si Devine para tulungan ako, sinabi nila sa akin na ako ang target nila at hindi si boss. Hindi lang Hoax members ang nagdala sa akin doon, may mga kasama pang empleyado ni daddy."

Kumunot ang noo ko. "I don't understand."

"Me too. Kaya nagpanggap ako na maging sunud-sunuran ulit sa kanya para malaman ang totoo."

Xyriel only told me about Yvian's bad relationship with his parents. Isang rebeldeng anak si Yv dahil gusto ng kanyang ama na siya ang susunod na magpapatakbo ng kanilang kompanya, ang Lenoxx Realty. Iniipit din siya ng ina na manahin ang assets nito sa isang malaking jewelry company sa New York.

Yvian is one heck of a billion-dollar heir. But he doesn't want it. He doesn't want anything from his parents na ang alam lang ay magpayaman. Ni hindi nga niya naranasang purihin siya sa tuwing may achievements siya sa school.

So he left. Stole a boat from the east and journeyed across the Pacific to the Philippine islands.

Hindi nagtagal ay natagpuan siya ng ama noong nagtatrabaho na siya kay Xyriel. Ayaw pa ring bumalik ni Yv sa US kaya itong pinsan ko, bilang natural na nang-aampon ng kung sino, ay nangako na poprotektahan ang lalaki habang nandito sa Pilipinas. Itatago rin niya ang totoong identity ni Yv para hindi siya mahanap ng media. He's the hottest bachelor in town back there anyway.

"Hindi ko kayang mapahamak si boss dahil sa pamilya ko kaya kahit labag sa loob ay iniwan ko siya. Kailangan ko lang talagang gawin ito para mabigyan ng sagot ang lahat ng katanungang bumabagabag sa 'kin. At para magawa iyon, walang dapat makaalam na kumikilos ako."

"Kung gano'n, anong nahanap mo?"

Dito na niya ako nilingon. "Those fake employees from my dad are security agents he hired from a certain Xiella Renesmee."

Muntikan na akong mapanganga sa kinatatayuan nang marinig ang pangalan niya. That bastard. What does she want with Yvian now?

"Nang pumuslit ako sa office ni dad para kumuha lang sana ng archive documents, nakita ko ang confidential contract kung saan binili ni dad ang services ni Xiella para protektahan ako."

War GoddessWhere stories live. Discover now