Chapter 4

239 46 0
                                    

[4]

Khian

A year ago

"Xyriel." Tinawag ni boss ang pinsan niya na ngayon ko lang nakita ulit matapos ang ilang taon. Nandito kaming lahat sa abandoned headquarters ng Zion at nag-usap sa unang pagkakataon ang tatlong Zion Masters tungkol sa pagkakadakip sa lolo nila.

Hindi ko pa lubos na naintindihan ang nadiskubre namin sa engagement party ni Head Master. Si Lirra Dela Cruz na papakasalan sana niya ay siya palang mortal na kaaway ng Zion na si Arril Monte. At ang party na nangyari kanina ay simula palang ng totoong plano niya.

It really made me wonder about those android bodies who looked like her. I swear, I've seen them somewhere. Hindi ko lang kayang sabihin kay boss dahil hindi naman ako sigurado.

The body of a human being has its own complexity. It's the reason why scientists are driven to experiment them whatever the cost and whatever the result may be. I've learned from my parents who worked in that kind of field years ago. Kung matatandaan ko, ang grupo nila ay naka-focus sa pag-aral at paggawa ng robots na may AI o artificial intelligence.

Kaya nang makita ko ang dalawang bangkay ni Monte at ang mga bisita sa engagement party, alam ko nang half-robots sila. But why? And how did they malfunction when other parts of their bodies are real skin?

Kailangan kong makausap sina papa. What we're dealing now might be worse than any case of mad science ever recorded.

"What?" Nilingon si boss ng papaalis na sanang Gangster Queen kasama ang kaniyang mga head guard.

Sa lahat ng mafia boss na kilala ko, si Lady Xyriel lang ang may head guards na hindi lang isa o dalawa, kundi siyam. Pwede pala iyon? Kung ako ang tatanungin, ayokong may kunin pa si boss na head guard bukod sa akin. Loyal ako sa kaniya kaya dapat loyal din siya sa akin, hindi ba? O ako lang itong nagpapalalim ng ibig sabihin?

Binaba ko ang tingin kay boss na hindi mapigil ang ngiti sa kinauupuan. Sinundan ko ang tingin niya at sigurado naman ako na hindi iyon dahil sa nakausap na niya ang mga pinsan matapos ang tatlong taon.

Dahil iyon sa isa sa mga head guard ni Lady Xyriel. 'Yong wavy ang maikling buhok na kulay brown at may katangkaran na medyo hindi akma sa edad. Pansin ko na mula nang dumating kami rito ay panay sulyap si boss sa kaniya na parang na-love at first sight.

Kung pwede ko lang sabihin na ganoon din ang tingin ko kanina nang makita siyang nakaayos para sa party. Kaso wala ako sa posisyon. Ako kay boss? Love at first sight? Nah. Baka war at first sight. Kapag magkasama kami, lagi na lang niya akong sinisigawan kahit wala akong ginagawa na dapat niyang ikagalit.

Tumikhim si boss at bumalik ang itsura sa pagiging seryoso. "Nothing."

Nakaalis na si Lady Xyriel pati ang isa pa nilang pinsan na si Lady Maxhein. Akala ko magiging Cold War ang pagtatagpo nila pero wala naman palang dapat ipag-alala. Normal silang nag-usap at nagkaisa pa para mailigtas ang lolo nila.

Nagsalita na ako nang kaming dalawa na lang ang natira sa HQ. "Boss, until when are we going to stay here?"

Tinapik-tapik muna niya ang pisngi gamit ang isang daliri na parang nag-iisip. "How many minutes will it take to reach Lincoln Museum?"

Lumingon ako sa malaking monitor kung saan pinapakita ang road map ng lokasyon namin at ng Head Master. "About 30 minutes, boss." Though I'm not sure since I haven't taken that route yet. Hindi rin naman kasi kami lumalabas ng manor.

Narinig ko siyang huminga nang malalim at tumayo na siya sa kinauupuan. Humarap siya sa akin. "Let's go to the museum."

"What? Why?" Tapos na ang usapan nila na ang Alpha Squad ang pupunta sa lokasyon ng Head Master. 'Wag niyang sabihing, gusto pa niyang gumala sa museum sa ganitong oras?

War GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon