Chapter 3

268 47 0
                                    

[3]

Dianhell

Nagising ako dahil sa nanunuyong lalamunan. Palubog pa lang ang araw at napakaganda ng nagtatalong red at orange na kulay ng langit. Who would ever believe that I praise nature as if I'm a poet? Hindi naman ako nakadroga.

Pagkatapos kong uminom ng tubig, automatic kong nilingon ang tabi ko. Khian would've been asleep here by now. I wouldn't know right away because he doesn't snore as loud as I do.

But he's not here.

Tinignan ko ang orasan. Isang araw na ang nakalipas mula nang mag-anunsyo ang hepe ng pulisya tungkol sa Green Goddess. Pagkatapos nito, wala nang mga sumunod pang related na balita kaya nakatulog na ako.

Kung ganito lagi ang manor, buong araw akong matutulog. Magigising lang ako kapag magluluto, kakain, manunuod ng TV, maglalaba, at magdidilig ng halaman. Siguradong pagtatawanan ako nila Max dahil makikita nila ang pagiging domesticated ko.

Ginulo ko ang aking buhok at nagpasyang bumangon na lang kaysa piliting matulog ulit. Hindi pwede ito. Kailangan kong humanap ng libangan. Hihintayin ko pa bang may tumawag sa akin ng Jobless Goddess? Geez!

"Ay, pusangina!" Napasigaw ako nang wala sa oras nang buksan ko ang pinto at bumulaga sa paanan ko ang kamay ng kung sino.

Mabuti na lang at bukas ang mga ilaw sa hallway kaya napahinga ako nang maluwag. Damn it. Akala ko bangkay na 'to.

"Yah, Devine! Ano bang ginagawa mo riyan?"

Hindi siya agad nag-respond kaya umupo ako at tinignan siyang maigi. Bago na ang suot niya at amoy bagong ligo. Pantay ang lebel ng paghinga niya at hindi lukot ang mukha.

"You really can sleep anywhere, huh?" I sighed and reached out to my phone on the table. Pinindot ko ang number 2 sa speed dial. "Omega, send me someone who can lift KnD. He's passed out on the floor."

"Will do, Goddess."

"Why was he here anyway? Hindi ba pinahanda ko na ang sasakyan niya diyan sa headquarters? He's supposed to catch a 7PM flight to Macau."

"He said he's not going. After our meeting, he went back there with his Ranger."

What the hell is he thinking? Napabuga ako ng hangin at umiling na lang. "Okay. Just send someone in."

"5 minutes, Goddess."

"Faster. Do you know how cold my floor is?" Binaba ko na ang tawag saka binalik ang phone sa table.

Sa lahat ng naging head guard ko, ang lalaking ito lang ang nagiging sakit sa ulo. But, he's holding the record of being my head guard for the longest time. The others were either killed or exiled for treason.

Khian has his own faults and I've always punished him for it. I tried to push him away, sent him to different kinds of battlefields, but he still stands beside me. Naiinis ako dahil ganoon siya. Natitiis niya ang ugali ko. Alam na alam niya kung ano ang pinasok niya.

Probably, I will need him for as long as he can give me. Hindi ko alam kung bakit. Basta... kailangan ko siya. And it's not because I love him or something.

Dumating na ang isang agent ng Omega Squad ng Zion na nasa pamumuno ko. They were lolo's graduation present for me and they specialize in almost everything I want them to do.

Nang maiayos niya ang higa ni prinsesang Khian sa kama ko ay yumuko siya sa harap ko, tanda na humihingi ng paumanhin, saka naglakad palabas ng kwarto.

Nagsalita muna ako. "I'm not going to be active starting today. The manor and my business will be closed so I suggest you all to take your leave for the meantime."

War GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon