Chapter 14

140 43 0
                                    

[14]

Dianhell

Nakatutok ang sinag ng araw sa mukha ko na siyang dahilan para unti-unting magising ang diwa ko. Pagbukas ng mga mata ay natulala ako sa kawalan at pinilit alalahanin ang naging panaginip.

"You have to burn it, Diana. Tell no one."

Imposible na magkamali ako ng pag-intindi. Malinaw pa sa sikat ng araw na boses iyon ni daddy. Kausap niya si mommy at nasa bakuran sila. Ang batang ako naman ay inaakala nilang naglalaro sa loob ng bahay ni mommy pero sumunod talaga ako sa kanya.

"Even if I do," alalang-alala ang mukha niya. "They will surely find us. That book is a warning, Hellion. They will take Dian away!"

"They won't, I promise you that." Hinawakan ni daddy ang magkabilang balikat ni mommy para bigyang diin ang kanyang sinasabi. "We just have to do something about her abilities so they can't follow us anymore."

Nagpatuloy lang ang pagpapagaan ng loob ni daddy kay mommy hanggang sa tumigil ang pagiging hysterical nito. At bago ako tumakbo pabalik sa loob ng bahay ay narinig ko pa ang sinabi ni daddy.

"We'll make her forget. Then we'll go to the Philippines. She's safer there with the Head Master."

Pumikit ako at inis na pinunasan ang tutulo sanang luha mula sa mga mata. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang ulo ko na parang sasabog na sa sobrang sakit.

Damn it. How many drinks did I take?

Pero mas masakit pa ang panaginip ko kaysa ang hangover. Hindi ko akalain na dito ko mahahanap ang sagot kahit na hindi eksakto. At least, bumabalik ang mga alaala ko paunti-unti.

Mom, Dad, I wish you could be here. Para mabatukan ko kayong dalawa dahil sa pagtatago niyo sa akin ng ganitong kalaking sikreto!

Matik na lumingon ako sa tabi at nang makitang wala ang inaasahan, bumalik na naman ako sa pagkasimangot.

Umalis na talaga siya.

Baka itinawag na lang niya sa Omega ang paghatid sa akin pauwi kagabi. Paniguradong nag-impake na rin siya at nagpakalayo-layo. Baka nga hahanapin pa niya si Xiella para magpakilala.

Kahit—Kahit ako itong nakasama niya nang matagal! Mas pinili niya ang babaeng iyon. Bwisit siya.

Manloloko siya! Sabi niya tutulungan niya 'ko sa misyon na 'to. Sabi niya mananatili siya sa tabi ko. Paasa! Tamang-tama lang sayo ang pangalan mong kiang. You're really an ass!

Natigilan ako sa takbo ng iniisip at napabangon sa kama. Bakit ko nga ba siya tinaboy? Ni wala nga akong tinanong kung galit ba siya o hindi. Ako itong nag-walk out nang hindi siya kinakausap. Tapos naglasing pa ako.

'Di bale na. Wala akong pakialam kung mas pipiliin niyang puntahan si Xiella. Ibabalik ko siya kung saan siya nararapat.

At iyon ay sa tabi ko!

Nagmadali akong pumunta sa banyo para maghilamos. Mamaya na siguro ako maliligo. Pero teka… nilapit ko ang suot na sando ko sa ilong at bumungad agad ang amoy ng alak.

"Bloody shell." bulong ko saka dumiretso sa shower.

Matapos maligo at magpalit ng damit ay tinapon ko lang kung saan ang towel ko na ginamit pangtuyo ng buhok. Wala na akong oras ayusin ito. Finger-comb lang naman ang katapat nito eh.

Bumaba na ako ng hagdan at kumakalansing pa ang car keys na hawak ko kaya hindi ko agad narinig ang tunog ng tumatalsik na mantika mula sa kusina.

I stopped halfway through the stairs. Who the hell is cooking in my own kitchen? A burglar? Si Rosario? Ang Spade?

War GoddessWhere stories live. Discover now