Chapter 18

148 40 0
                                    

[18]

Xyriel

"Shit!" sigaw ko nang mapabahing ako nang wala sa oras. Nagko-concentrate kasi ako rito sa nilalaro ko tapos sisingit pa 'tong hatsing na 'to. "May nagtsi-tsismis na naman tungkol sa 'kin."

"Ayaw mo iyon? Sikat ka." sabat ng kasama ko.

"Sikat naman talaga ako. Unlike you, idiot."

"Really? Alam mo ba kung ilang mga bisita ang pumupunta sa mansion namin kapag birthday ko?"

I sat up, poker-faced. "Does this face tell you that I don't care?"

"Guys," tawag ni Xhien na parang naninita. "Can you please stop arguing with each other for a while?"

Nagtinginan lang kami nang masama ni Veronica at nagkanya-kanya na kami ng ginagawa. Siya nagsimula tapos papagalitan din ako? Unpeyr.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko sa Francia Mansion para… magliwaliw. Kung ako ay naglalaro sa phone, kinakalikot naman ni Veronica ang DVD stack ko na sinasalang sa curved screen TV at si Xhien lang yata ang nagpapakatino ng gawain sa aming tatlo.

Dinala niya rito ang portable computer set niya para i-track ang Spade assassins sa buong NCR. Tinutulungan niya ang iba ko pang mga tauhan sa paghahanap at pagpigil sa kanila sa planong pagpatay sa mga government official. Si Max at ang security squads Beta at Gamma ay nasa labas at nagsisilbing Resistance para unahan ang Spade.

Nandito na sa mansyon ang Zion technology team para gamitin ang Eagle Eye. Nagawa kasing matunton ng Spade ang Ozin Building na main headquarters kaya nag-lock down ito at ibinaba sa underground.

Now with the help of my allied groups, napapadali ang trabaho. After all, they are everywhere.

Walang-wala ang lintik na Spade iyan sa kapangyarihan ng isang reyna.

Sakto namang pagtapos sa level na nilalaro ko ay natakatanggap ako ng SMS galing kay Hyatt.

From: Hyatt Gregory
We met the Goddess and her boyfriend. No casualties on their end. Identities exposed, tho.
Received 8:05PM

Naintriga ako sa salitang ginamit niya para kay Devine pero isinawalang-bahala ko muna iyon para pagtuunan ng pansin ang huli niyang sinabi.

To: Hyatt Gregory
Which identities.
Sent 8:05PM

From: Hyatt Gregory
Real ones.
Received 8:05PM

Napasandal ako sa kinauupuan at tinapik-tapik ang gilid ng phone. Mukhang hindi ko na talaga mapipigilan ang dapat mangyari. Alex told me this before, but I'm too afraid to listen. She can see the future after all.

Eight years ago, bago ko makilala sina Jyxen at Zandre pati ang pagtayo ng Giovan Maxima, ako ang paboritong kidnap-in ng mga kalaban ni lolo sa negosyo. I can always get away from their hold because of my inhuman strength and advanced strategic skills. But it gets tiring as time goes by so I seeked for a solution that can keep these useless captors away from me.

Noong makita ko ang nangyari kay Dianhell, nagsimula akong maniwala na may mga taong biniyayaan ng kakaibang abilidad na hindi nagagawa ng karamihang mga tao. At hindi ako nagkamali ng hula na may alam dito si lolo. Nakita ko sa kastilyo ang lumang burda na simbolo ng isang pamilya.

Ang Flower Family, o La Famiglia di Fiore, ay isang grupo ng mga tao at iba pang nilalang na nagsisilbing protektor ng buong mundo.

One day, a woman entered our mansion and introduced herself as Alexandra. She was from the lineage of one member of Fiore who has the ability of precognition. Sinabi niya sa akin na sinakto niyang dumating sa araw kung kailan ako magbabalak na hanapin ang mga miyembro ng Fiore at tutulungan niya ako.

War GoddessWhere stories live. Discover now