Chapter 28

161 31 0
                                    

[28]

Maxhein

"I still can't believe it." hinihingal na sabi ng isang babae. "I still can't believe that she's getting married before me!"

Napairap na lang ako nang pang-ilang beses na iyong sabihin ni Xiella, our long lost dearest cousin who turned out to be one of those people who believes in magic.

Akala namin nagbabaliw-baliwan lang siya. Being a psychopath wanna-be and a brat, hindi namin natiis ang ugali niya kaya pinalayas siya ni lolo sa pamilya. Iyon pala, kasama iyon sa plano ni Arril Monte.

And as I sit infront of the little girl who changed time, memories of that fateful night when I gained the ability to be immuned to poison resurfaced in my mind.

Napapatanong ako sa sarili kung bakit kailangang gawin ni Arril ang lahat ng ito para lang mailigtas ang buong mundo. Is it really just because of her friend, Lyra? I mean, they just knew each other at the orphanage. And based on her age now, she seemed to have left Arril to find her parents. And the old lady would just send her letters.

Something doesn't add up.

Kung ang lahat ng ginawa ni Arril ay pagpapanggap lang, nagsinungaling din kaya siya na ginawa niya ang lahat ng iyon para kay Lyra?

Hindi ko alam kung dahil sa ilang oras na pakikipaglaban kaya ako nagi-isip nang ganito kalalim. Pero may hindi talaga umaayon sa pagkakaintindi ko. At ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga bagay na hindi nabibigyan ng linaw.

Bago pa ako magpatuloy sa iniisip ay nilingon ko si Sky na humawak sa kamay ko. Malinis na kaming tignan at nagamot na ang mga natamo naming sugat. Nagtipon-tipon lang kaming lahat ngayon dito sa beach sa Palawan para mag-usap at magpahinga.

The Philippines got a little quiet, but we can see the aftermath of the war that Spade started. Bumalik ang mga natirang sundalo sa mga destino nila. Ang mga civilian ay naghanapan ng mga kamag-anak na nawalay sa kanila sa gitna ng gulo. Ang mga doktor at nars ay nagkukumahog na bigyan ng paunang lunas ang mga nasugatan at naipit sa mga gumuhong gusali.

Hindi naiba sa kanila ang Zion members. Tumutulong sila sa rescue operations at medical team. We didn't bother keeping our identities secret since the authorities are busy with the people. The president came back quickly after the confirmation that the enemies have disappeared. Not one soldier could tell how they vanished into thin air. We do, and we're not ready to tell them yet.

The world is still traumatized from the war that happened just days ago. At kapag nalaman nila na ang isang dragon, witch, at sea monster ang ilan sa mga nagligtas sa mundo, baka sumabog na ang utak nila kaka-process ng mga nangyari.

And Zion is still a criminal organization.

"Xiella," pagsita ni Yvian sa fiancee niya na todo ang pagkakayakap sa kanya. "Stop that."

"Bakit pa kasi inusog ang kasal natin dahil lang kina Ate Dianhell?"

"Hayaan mo na. Matagal na nilang hinintay ang araw na ito at niligtas pa nila tayo. Iyon lang ang maisusukli natin sa ginawa nila."

"Pero... kailan na tayo magpapakasal?" Wala talagang makakapigil sa bibig ng babaeng ito. An attention-seeker as always.

Yvian didn't bother though. Nakangiti na siya ngayon kay Xiella. "Soon. Kaya isuot mo lagi iyang singsing mo."

"Okay. I like you, babe!"

"I like you too."

Yikes. I will never get used to arranged marriages. They don't even love each other!

War GoddessWhere stories live. Discover now