Chapter 19

134 38 0
                                    

[19]

Dianhell

"I thought we're facing a world war. Now you're saying we have to look for a superhuman girl? What happened to the top priorities?"

"I didn't say to do it now. I just said it for additional information. Our friends who can tamper with our timeline are prohibited to tell us any more."

I smirked. "Oo nga eh. Itong si Gregory, ayaw akong ibalik sa nakaraan para mabatukan sina mom at dad." Umirap naman pero tumawa ang tinutukoy ko. "At itong Leviathan naman, ayaw ipapatay ang leader ng Spade sa nakaraan. Such kill joys."

"I told you," sabi ni Levi na winasiwas lang ang isang kamay at ilang ice spikes agad ang sumaksak sa mga kalabang nasa paligid namin. "Tampering with the past cannot change your future. It will always happen because it made you who you are today. Kapag binago mo ang dating ikaw, hindi ka na makakabalik sa kasalukuyan. Hindi ito katulad ng napapanood mo sa TV."

"Yeah, yeah." sagot ko sa kanya at binalik ang atensyon sa special walkie-talkie na nakakonekta kay Xyriel sa Pilipinas. "That's exactly what she said the first time."

"Makinig ka na lang sa kanila, Dian. This girl can help us too. Pero hindi siya ang priority. That book. You have to know what else is written in there."

"I know." Binaril ko ang naaaninag kong mga sniper sa ibabaw at loob ng mga building nadadaanan namin. "I'm the third fucking fairy, right? I have the power to move the earth."

Kanina lang din namin nalaman ito bago makausap si Xyriel. Pumasok si Hyatt sa consciousness ko raw at hinanap sa mga alaala ko ang tungkol sa libro.

Lyra is the name of that orphan. She has three fairy friends from a magical kingdom. The fairy queen, fairy empress, and the fairy goddess. Ang queen ay may kapangyarihan na pagsama-samahin ang lahat ng fairy. Katulad ni Xyriel na napapasunod ang kahit sino mula pa noong bata siya. Ang empress naman ay may kapangyarihan na maging malakas sa pakikipaglaban. Bata palang siya ay mahilig na siyang maglaro ng espada at natutuwa pang masaktan.

Arril Monte saw their future. Not accurately but, it's something related to the real life person.

Kaya pala mahilig siyang mag-upgrade ng mga ordinaryong tao. Kasi alam niya ang tungkol sa mga superhuman.

"We need to know how to use that power." sabi ni Xyriel na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "Nakarating na ba kayo sa headquarters?"

"We're ten minutes away. Pinasok na rin kasi ang itinayong borders ng army. Nagkakagulo na."

"Okay. Let's keep in touch." Si Xyriel ang nagbigay sa akin ng walkie-talkie na hindi na kailangan ng signal para gumana. Bigay daw sa kanya ito ng bunsong head guard niya na nag-aaral ngayon ng engineering.

"Sure, dearest cousin. Say hi to Max for me."

"Will do." Pinatay ko na ang radyo at bigla na lang akong napangiti habang wala sa sariling nakatingin dito.

Matagal-tagal na rin nang makasundo ko ang dalawang makulit kong pinsan. Bumabalik tuloy sa 'kin ang mga alaala kung saan hindi na kami mapaghihiwalay dahil sanay kaming magkakasama. Kaming tatlo lang ang kailangan ng isa't-isa.

And I think that feeling never changed all this time.

"You're happy."

Tiningala ko si Hyatt na nakatanggal na ang shades kaya lumilitaw na ang matingkad na pulang mga mata niya. "I can tell."

"Really?" tanong ko na may kasamang pagtaas ng kilay. "How?"

"Part of being a sorceress is to see the condition of a human's soul. Bawat isang nabubuhay na nilalang ay may psychic energy na nagpapakita kung anong kondisyon ng spiritual being nito. That energy takes the form of auras. The color of these auras describes what you're feeling every time. Yours is yellow. A very bright one, actually. It means you're genuinely happy."

War GoddessWhere stories live. Discover now