Chapter 22

150 37 0
                                    

[22]

Maxhein

I threw my last dagger to the guy who attempted to move closer from our stronghold in an abandoned plaza here in Manila. Hindi na ako nagaksaya pa ng pagkakataon na hayaan silang makalapit gayong alam naman nila na tinatapakan ko na ang mga bangkay ng kasamahan nilang napatay ko.

Ah. It feels so great watching these useless people attack. Naawa nga ako dahil nakampante pa sila sa dami ng kaanib nila. Eh kitang-kita naman na katumbas ko na ang isang daang miyembro ng Zion.

"Pumunta kayo sa left side. Doon sila nanggagaling." I heard my boyfriend's command to his troupe using his radio. We cowered behind a huge debris while reloading our weapons. I heard an explosion in the distance. "Takte, Champ! 'Wag muna 'yong C4. Mamaya pa gagamitin iyan lahat. Masyado kayong nagmamadali."

"'Sensya na, boss!" rinig kong sigaw sa kabilang linya.

"The enemies aren't on full house yet." I commented.

"I know. I'm sorry." Napapailing na lang siya. "Hindi sila nakinig masyado sa meeting kanina."

Pinindot ko naman ang earpiece sa kanang tainga ko para makausap ang security squads. "Beta, Spade's coming from Molino area. Secure civilians and launch the explosives in twenty minutes."

"Copy that."

Kay Sky naman ako lumingon. "Tell them to hold the emergency barracks and set the spare artilleries. We'll meet up with them in ten minutes." Tumango lang siya saka ni-relay ang sinabi ko sa radyo.

Tinignan ko ang paligid ng plaza. Hindi na ito masyadong makilala dahil sa mga gumuhong gusali at nadamay pa ang lumang simbahan. It's chaotic as hell, but we can still hold our ground for much longer. Bawat point of entry ay covered na namin at sinusubukan ang Spade group na magkumpulan sa iisang lugar para mahuli sila.

The whole Zion army are progressing to clear the invasion of these rouge rats. Iyon nga lang ang alam ko dahil naputol na ang network communications ng media at nagsipuntahan na ang mga tao sa malalaking commercial buildings para iligtas ang kanilang mga sarili.

At ang parte ng Maynila na ito siguro ang pinaka-target ng Spade, sa Malacañang Palace. Of course, the president's not there anymore. They went off to some undisclosed island and left the Philippine army to protect the people. Last I heard, may pabalik-balik nang mga barko para iluwas ang civilians sa mga siyudad na naapektuhan ng pagsabog.

Bago umalis ang presidente, nagproklama na siya na nasa state of war na ang bansa. Which means… Zion and other mafia families can do whatever we please. Of course, iisa lang naman ang goal namin: ang pabagsakin ang Spade.

Hindi lang naman mukhang NPA ang mga miyembro nila. They're former soldiers who now lost their honor and loyalty to their homelands. At nabulag sila ng Spade dahil sa propaganda nito na magkakaroon ng kapayapaan kapag pinabagsak ang mga nation leaders.

"Max, let's go."

Sumunod ako kay Sky na tumungo sa gilid ng isang gusali kung saan kakatigil lang ng Everest na minamaneho ng head guard kong si Voxen.

Sumakay na ako sa shotgun seat at si Sky naman sa likod. Pinaandar na agad ni Voxen ang sasakyan palayo sa plaza.

"What's happening in the other parts of the country?" tanong ko sa kanya.

"The Visayas strongholds are gaining power. The southern parts are still under siege. Wala tayong masyadong tao roon." He took a fast swerve to the left to avoid a time bomb thrown from somewhere. "Dito naman ay paubos na ang pagdating nila galing sa east."

War GoddessWhere stories live. Discover now