Chapter 10

167 45 0
                                    

[10]

Marque

"Oh, please. Just give me a break." I said, feeling frustated for the first time in my sixty-plus years of life. "I'm fine. Ang bahay ko lang ang nasira at hindi ako mismo, okay? Sino ba kasing nagpasimuno na gawing second code name ko ang Castle? Ayan tuloy, nagkaroon tayo ng unnecessary collateral damage."

"Lolo, pwede ba? 'Wag ka nang magmatigas. Hindi mo ba nararamdaman iyang tama ng baril sa balikat mo?" I love making my youngest granddaughter worry but this is not one of those times. Kitang-kita ko na agad ang pag-iiba ng kulay ng mga mata niya. "That happened because you were recklessly doing something behind our backs!"

"Nagsalita ang hindi reckless." bulong ng aking panganay na apo sa kabila ko. Saglit akong umiling sa direksyon niya para magtigil siya.

"The squads are still on patrol in the castle in case of another attack." nakapamewang na balita ng Magnum ko na nakatayo sa harap namin. "We're lucky that they were only able to breach the front building. The bridge collapsed so lolo can't go back in yet. For now, he's going to stay here." Pinilig niya ang ulo at tumingin sa paligid. "And what is here, by the way?"

Ganoon din ang ginawa ni Xyriel at Dianhell, and yes, ako rin. Malaki na ang pinagbago ng bahay na ito pero matibay pa rin itong nakatayo sa gitna ng mga modernong bahay. "You said this is one of your safehouses." ani Dianhell sa bunsong pinsan.

"Yeah. Pero una itong naging safehouse ni lolo. Binigay niya lang sa akin." Nilingon niya ako. "Come to think of it, this is a normal house with normal people living in it. Do you know those normal people, lolo?"

Kunwari akong tumingin sa kanya nang masama. "Not normal. They're sweet, lovely, and kind people you never knew."

Saktong pagsabi ko nito ay ang pagpasok ng isang babae na mistulang hindi tinatamaan ng katandaan. Napakaganda niya pa rin sa paningin ko ilang dekada man ang lumipas. All guests in this room turned to her.

As shy as ever, she backed away a little from the doorway. "Kung hindi pa kayo tapos mag-usap, babalik na lang ako mamaya."

"No, no, no. Come inside." I smiled when she walked with grace in the middle of my bodyguards and stopped when she's on my side with Xyriel. Hindi na nawala ang aking ngiti habang inaayos ko ang kumot na nakapatong sa kalahati ng katawan ko. Sumandal ako sa headboard ng kama at tiningala ang babae na kitang-kita ang pag-aalala sa itsura.

"Uh, lolo?"

"Hello, lolo? Nandyan ka pa?"

"Earth to lolo."

Nagtagal ang ngiti ko nang lingunin ko ang aking tatlong apo na mataman na pabalik-balik ang tingin sa akin at sa magandang diwata. Ang pagtaas ng kilay ni Maxhein ang nagpabalik sa aking matinong diwa. Tumikhim ako nang malakas. "Right. Everyone, I'd like you to meet Meredith Mercedes Cephyr. She and I bought this house decades ago. When was it?"

Tipid, as usual, ang sagot niya. "197*."

"Yes. Forty years ago."

Naalala ko pa ang matinding pagtatalo namin tungkol sa kung anong magiging itsura ng bahay. Gusto ko ng mga panahon na iyon ay Japanese style na may capiz ang mga bintana. Siya naman ay Victorian ang gusto na maliliit ang mga daanan at paikot na hagdan.

Those good years are still fresh in my mind up to this date. And this is because Mercedes became the light to my darkest days.

Nang hindi pa rin umiimik ang aking mga apo pati ang mga sarili nilang head guards, muli akong tumikhim. Too much for the awkward silence. "She's, uh, my first wife." Napakurap ako nang taasan ako ng kilay ni Mercedes. "Correction. My only wife. Since... the one last year didn't even make it to the engagement."

War GoddessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant