Chapter 25

130 33 0
                                    

[25]

Dianhell

Pagkatapos naming makatapak sa port at mag-transform si Levi, agad na kaming sumugod sa magulong city streets ng Vida Loca.

Pilit kong pinapagana ang kapangyarihan ko para sundan ang pinanggagalingan ng boses ni Lyra. Hindi ko na siya narinig pa pagkatapos niyang sabihin na hinihintay niya ako.

Thankfully, Hyatt caught some leftover magic from my brain and now we're also using that for tracking. Hindi na gagana dito ang Eagle Eye ng Zion dahil territory na ng Spade ang Macau.

Two days passed since the all-out war at hindi pa rin tuluyang napapabagsak ang Spade. This is not like the 15th century where world wars are prolonged for months or years. Things are getting high-tech, people are too much greedy, and the Earth is literally shaking, waiting for its collapse.

"This way!" sabay naming sigaw ni Hyatt. Nagkatinginan kami at parehong nakaturo sa dulo ng kalsadang tinatahak namin.

At kung minamalas nga naman, humarang sa dinadaanan namin ang isang mahabang naga-apoy na bakal. Tira-tira ito ng mga nasirang tangke at hayop na robot.

"Shit!" Paanong nasusunog ang mga bakal? Wala akong nakikitang langis sa mga ito.

"I got this!" Naunang tumakbo sa amin si Levi at huminto sa gitna ng bakal na naga-apoy. Binuksan niya ang garapon na kanina pa nakasabit sa bewang niya at pinalabas ang tubig na nasa loob.

Kumalat ang tubig sa ere at mistulang dumadami pa ito papunta sa mga ulap. Ilang saglit lang ay nagkaroon na ng ulan pero hindi naapula ang apoy.

"Lagot na." sambit ni Hyatt.

"Anong lagot na?" tanong ko.

"That's not a natural fire."

Magtatanong sana ulit ako pero narinig ko ang pagsasalita ni Levi ng ibang language. Lumakas ang ulan at bumaling siya sa amin. "Get out of here now!"

Hindi na ako nakareklamo at sumunod na kami ni Khian kay Hyatt paalis sa lugar na iyon.

At habang tumatakbo kami ay nilingon ko si Levi na napalibutan na ng kumalat na apoy sa basang kalsada.

Fire magic?

"Meron ding superhumans ang Spade." sabi ko sa sarili. Nagkatinginan kami ni Khian. Do we really have the upper hand in this war? Pinaghandaan ba talaga ng Spade ang pinaplano nilang pananakop sa lahat ng bansa? Paano kung may mga nilalang sila na mas malakas kaysa sa meron kami?

Maaga pa para sabihin iyon. Kapag nagawa naming mahanap si Lyra, masisigurado ang panalo namin sa digmaang ito. Iyon lang ang gusto kong paniwalaan sa mga oras na ito.

Lumiko kami sa dulo ng kalsada at naaninag ko ang isang lighthouse na napapalibutan ng malalaking bato. Nasa tabi na nito ang dagat.

"There." Hindi ako pwedeng magkamali. Doon nanggagaling ang malakas na spiritual energy na nasasagap ko. Patunay pa ng hinala ko ang nag-iibang kulay ng aurora sa ibabaw nito.

Someone's powers are leaking into the atmosphere. Katulad ng nangyari sa akin kahapon. Green ang representation ng powers ko kaya iyon din ang nakikita nila Hyatt. Dito naman ngayon ay kulay yellow.

Pagtapak ko sa pagitan ng mga bato ay nagiging buhangin na ang nalalakaran ko. Purong buhangin na puti at hindi pa nababahiran ng dumi galing sa mga tao. Pati ang kulay brown to black na mga bato ay hindi nasusulatan o nasisira sa porma.

"So beautiful." Hinaplos ko ang magaspang na bato malapit sa akin at may kaunti pa itong mga lumot. Nilingon ko si Khian. "Devine, ganito ba talaga—"

War GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon