7

74.4K 1.7K 51
                                    

      
     MALAPAD ANG NGITING naglalakad siya sa hallway papunta sa opisina ng pakay niya ngayong lunch break. Nakatingin ang halos lahat ng nadaraanan niya at dahil maganda ang araw niya mula kanina ay nginingitian niya lahat isa-isa.

"Good afternoon, Pearl!" Nauna niyang bati sa babaeng kumakain sa mesa nito.

Tumigil ito sa pagsubo at tumayo. "Ma'am Hana," mukhang hindi ito nabigla sa pagkakita saakin.

Well, dapat lang naman na hindi na siya mabigla sa isang linggo niyang pagbabalik balik doon.

"Si Marcus asa loob?" I asked.

Tumango ito. "Mabuti po at hindi pa siya lumabas para kumain. Pumasok na lang po kayo, ma'am."

Ngumisi ako dahil mukhang nasanay na ito saakin at hindi ko na kailangan pang ipagpilitan na papasukin ako. What a lovely day it is.

"Sige papasok nako, enjoy lunch!" Sabi ko at hindi na hinintay na magsalita ito bago ako pumasok.

Pagpasok ay kaagad kong sinara ang pinto at nilibot ang mata para hanapin ang lalaki. Tumigil ito sa sofa, dahil doon ay nakahiga ito at mukhang natutulog ng mahimbing.

Mabuti at walang laman ang table nito kaya doon ko nilapag ang paper bag na may lamang pagkain bago ito nilapitan. Namumula ang mukha ko sa tuwing maalala ko ang sofa na iyon saaking panaginip.

"Marcus?" I called him.

No response.

I leaned to check his face. Nakapikit nga ito at mukhang pagod na pagod kaya nakatulog. Wala itong suot na salamin kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha nito. Umuwi ba 'to kahapon? Bakit sobrang pagod ng itsura? Pero in fairness ang gwapo pala nito kahit tulog.

Umupo ako sa espasyo sa tagiliran nito at mas nilapit ang mukha sa mukha niya. Tulog na tulog ito. "Marcus?" I tried calling him again.

Still no response.

Nakuha ng pansin ko ang bahagyang nakaawang nitong labi habang natutulog. Pulang pula at manipis ang itsura non. May maliit pala itong nunal sa ilalim ng kanyang labi sa bandang kanan. Ngayon ko lang din iyon nakita sa malapitan.

"Why?"

Nahulog ata ako sa kinauupuan ko ng marinig ang boses nito na nag salita. Akala ko ba tulog ito? Mabuti nalang at wala akong ginawang kagagahan kung hindi ay mapapahiya siya.

Tumikhim ako at tumayo. "Nakatulog k-ka?"

Inalis nito ang kamay na nakapatong sa noo at umupo. Hinilot pa nito ang leeg dahil mukhang nangalay ito sa pagkakahiga. Sino bang hindi mangangalay sa tangkad niyang iyan pero sa maliit na sofa natulog? Duh.

"I brought lunch," I said kahit alam kong alam na niya. "Sabi ni Pearl hindi ka pa lumabas para kumain."

Tumango ito.

Yun na yung sagot niya? My god.

Tumalikod nalang ako sakanya at nilapitan ang dalang pagkain para ilabas ang mga iyon at ng makakain na kami. Hindi parin ako nakakain mula kaning umaga buhat ng na late nga ako. Bale ito ang first meal ko ngayong araw.

"Don't you have a job?"

Tumigil ako sa pagbukas ng mga tupperware at sinundan ang paglalakad niya hanggang sa umupo na ito sa kanyang swivel chair.

"M-Meron," tikhim ko.

Akala ko ay may kasunod pa na tanong ito kaya nga iniklian ko ang sagot ko para mag tanong pa ito pero muli ay tumango lang ito.

Napanguso ako.

"I brought your favorite food," imbes ay sabi ko nalang.

Wala akong nakuhang reaksyon mula rito. I rolled my eyes, parang wala talaga akong kausap sa lalaking 'to.

"I asked Pearl your favorite, sabi niya madalas kang mag paorder kanya ng nilagang baka. Then, I asked our maids to cook for us." Pagkukwento ko kahit alam kong hindi siya sasagot.

Ano pa bang gagawin ko kung hindi mag salita nalang? Kung hindi parehas kaming matutuyuan ng bagang dito.

Nilapag ko sa harap niya ang kanin niya at inabot ang kubyertos rito. Umupo narin ako sa tapat niya at hinintay siyang sumubo muna bago ako.

"Masarap?" I anticipated.

"Yes," he answered pagkatapos ng unang subo.

Napanguso ako. Nilagyan ko din ng patatas ang kanyang kinakain. Tahimik kaming kumakain at ng matapos ay masayang niligpit ko yon dahil naubos niya ang kanin na binigay ko sakanya.

"Anong gusto mong ulam bukas?" Sabi ko ng matapos sa pag liligpit.

Hindi niya ako pinansin at balik na ito sa pag babasa ng kung ano anong medical related stuff. I sighed, I guess I should be happy na hindi niya ako pinapaalis ngayon. Improving din naman.

Atsaka naubos din niya ang pagkain na dinala ko. Kinikilig ako. Ibig sabihin ba ay ayos na sakanyang palagi ako rito?

Tinignan ko ang suot na relos, bente minutos bago matapos ang lunch break at sampung minuto lang ay makakabalik na ako sa office. Napangiti ako.

"Bukas ulit, Marcus!" I said waving my hand kahit di siya nakatingin. "Have a good day ahead, bye!"

Alam kong hindi siya sasagot kaya nagtuloy tuloy na ako sa pinto. Pero bago ko pa iyon mabuksan ay narinig ko ang mahina ngunit dinig ko naman na pag tikhim nito.

"I want caldereta tomorrow,"

Napatigil ako sa pagbukas at nilingon siya. Muli ay nakatutok ito sa mga papel pero mas lalong lumapad ang ngiti ko. Gusto kong magtatalon sa saya.

"Copy, Doc!" Masayang sabi ko bago tuluyang lumabas at sinara ang pinto.

"Ang saya niyo po ata, ma'am." Ani Pearl ng makita akong nakangiti paglabas ng opisina ni Marcus.

Kumindat ako. "Malapit ng magkagusto saakin ang boss mo!"

Napailing nalang si Pearl sa sinabi ko at nagpatuloy na sa ginagawa sa harap ng computer nito.

Ako naman ay pakanta kanta habang pasakay ng elevator. Hindi mapalis ang ngiti sa labi ko.

Wait till you see, dad. I'll be a famous actress and model soon.

With that, she smiled.

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon