19

69.4K 1.7K 40
                                    

Warning a censored chapter ahead.

    "Hana are you still in there?" Katok ni Marcus sa pintuan ng banyo.

Pinatay niya ang faucet sa lababo, "Three more minutes." Sagot niya kahit kanina pa siya tapos sa pagsesepilyo.

Hindi niya alam kung bakit sobrang nanlambot siya kanina pagkatapos ng laro nilang truth or dare. Mula kanina ay hindi siya kumikibo at si Marcus naman ay ganoon rin sakanya.

She exhaled heavily.

Nag punas na siya ng basang mukha gamit ang towel na kinuha niya sa cabinet roon. Tinitigan niya ng ilang minuto ang repleksyon sa kaharap na salamin bago nagpasyang lumabas na ng banyo.

Pagbukas niya ng pinto ay nakasandal si Marcus sa gilid ng amba ng pinto na para bang hinihintay talaga siyang lumabas.

Hindi siya kumibo at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa kama nilang dalawa. Hinubad niya ang suot na tsinelas pambahay at sumampa na sa kama para mahiga at magpahinga.

Nakita niya ang pagsunod ng mga mata ni Marcus sa bawat galaw niya. Mayamaya pa ay pumasok narin ito sa banyo. Napabuntong hininga siya dahil doon. Kung hindi siya magsasalita ay paniguradong hindi rin siya kakausapin ng lalaki.

Kung totoo man na naging mag kasintahan sila ni Micaela noong kolehiyo ay dapat hindi siya maapektuhan niyon. Siya na ang dinidate ni Marcus at si Micaela ay mananatili nalang sa nakaraan bilang dating kasintahan nito.

"Tama na ang pag iisip, Hana." Saway niya sa sarili at pinikit ang mata.

Pero hanggang matapos si Marcus sa banyo at tumabi ng higa sakanya ay hindi parin siya dinadalaw ng antok. Mula sa pagkakatihaya ay humarap siya sa side ng kama patalikod sa lalaki.

Walang kumibo sakanilang dalawa hanggang sa hindi niya namamalayan na mag iisang oras na mula ng humiga si Marcus sa tabi niya pero hindi parin siya nakakatulog.

Tulog na ba siya?

Dahil nangawit narin siya sa pwesto ay bumiling ulit siya sa kabilang side, paharap kay Marcus. Nakatihaya ang pwesto ng lalaki at mukhang tulog na nga ito.

Pinakatitigan niya ang natutulog na binata ng ilang minuto bago siya umupo mula sa pagkakahiga. Hindi talaga siya makatulog.

"Ikaw, paano mo nagagawang matulog?" Mahinang sabi niya kay Marcus para hindi ito magising.

Tinignan niya ng masama ang binata na para bang nakikita siya nito. "Kasalanan mo kung bakit hindi ako makatulog." Pabulong niyang angil rito.

Hindi niya alam kung gaano pa siya katagal tumitig sa natutulog na lalaki. Basta ang alam lang niya ay kahit anong anggulo ay wala siyang makitang kapintasan sa mukha ng binata.

Tumaas ang kamay niya para hawakan ang makapal nitong kilay. Napakaperpekto ng mga iyon. Wala naman atang hindi perpekto sa lalaki maliban nalang sa socialization skills nito.

Bumaba ang kamay niya sa matangos nitong ilong. Pababa sa labi nitong sobrang lambot tignan, nahiya tuloy siya dahil mas mukhang malambot ang labi nito kesa sakanya.

"Perfect kana sana.." wala sa sariling sabi niya. "Kaso hindi ka marunong manuyo ng babae."

Naiiling siya sa sarili. Gusto kasi niyang kausapin si Marcus tungkol kay Micaela pero hindi niya alam kung papaano. Kaya hindi nalang niya pinapansin si Marcus, pero ang lalaking 'to, imbes na manibago sa kinikilos niya ay hindi man lang ito nag effort para kausapin siya.

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon