22

70.6K 1.7K 113
                                    


     HINDI KAAGAD SIYA nakagalaw sa sinabi nito. Pinipilit pang i absorb ng utak niya ang lahat, hindi siya makapaniwala na galing mismo sa lalaki ang mga salitang iyon.

"Stop crying.."

Pero imbes na tumigil sa pag iyak ay mas tumulo lang ang mga luha niya. "What are you s-saying.." hindi iyon tanong. "Quit playing with my heart, Marcus."

Hindi ito sumagot at nanatili ang yakap sakanya.

Umiling siya at unti unting binaklas ang yakap nito, pero hindi pumayag ang lalaki at mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakanya.

"I'm not playing around, Hana.."

Pumiglas parin siya habang umiiyak. "No, stop. Please stop.." pakiusap niya.

Hindi ito sumagot at hinayaan lang siyang umiyak habang pinipilit na kumawala sa yakap nito.

"Hana.."

"Then why?" Nanghihina siyang tumigil sa pagpiglas. "Why did you left me earlier like that?" Wala sa sariling mahinang tanong niya.

Ilang segundo bago lumuwag ang yakap nito sakanya at unti-unti siyang pinakawalan. Tumaas ang kamay nito sa mukha niya para punasan ang mga luhang sunod sunod na pumapatak roon.

"Hana," tinitigan nito ang mga mata niya. "I'm a doctor, even it's not Micaela asking for my help I will do the same." Puno ng sinseridad ang boses nito.

Mukhang alam nito ang iniisip niya base sa naging paliwanag nito. Kinagat niya ang labi dahil kahit hindi niya aminin ay may punto ang sinabi nito.

He's a doctor, it will be always his job to help.

Hindi siya dapat nagseselos sa ano mang bagay na may kinalaman sa trabaho nito at pagliligtas ng mga buhay ng tao. Dahil iyon ang tungkulin nito bilang doctor.

Kusang tumaas ang kamay niya sa tagiliran nito at siya naman ang yumakap rito. Sinandal niya ang ulo niya sa dibdib nito. Gumanti ito ng yakap sakanya at hindi niya alam kung ilang minuto o oras ang tinagal nilang magkayakap sa harap ng dagat.

Ang alam nalang niya ay magkahawak kamay silang bumalik sa hotel room nila. Pareho silang hindi kumikibo pero hindi niya maitanggi ang sayang umuusbong sa kanyang puso.

"You really mean that?" Tanong niya.

Nakahiga siya sa braso ng lalaki sa mismong kama nila. Hindi sila makatulog na dalawa kahit sobrang late na. Marahil dahil sa lahat ng nangyari kanina.

"Mean what?"

Napanguso ako at nag iwas ng tingin. "That you're starting to fall in love with me.."

Sa ikalawang pagkakataon ay narinig niyang muli ang pagtawa ng binata kaya naman mabilis na binalik niya ang tingin dito. Tumatawa nga talaga ito ng balingan niya.

"Why can't you believe?" Amused na sabi nito.

Mas tumulis ang nguso niya. Mukhang natutuwa ito sa ginagawang pang aasar sakanya.

"Nakakainis ka.." mahinang bulong niya.

Mula sa pagkakahiga ay tinukod nito braso na kinahihigaan niya at bahagyang nag angat ng tingin sakanya. Parang nakakubaw ang lalaki sa pwesto nilang iyon.

"Inis ka?"

Natulala siya ng bigla itong magtagalog. Alam niyang lumaki ang lalaki sa ibang bansa para doon mag aral ng bata pa ito kaya hindi niya inaasahan na nag tatagalog ito. Sapat na ang nakakaintindi ito ng lengguwahe.

Bumaba ang mukha nito sakanya at hinalikan siya sa gilid ng kanyang labi. Hindi kagaad siya nakahuma dahil doon. Ang lakas ng kabog ng puso niya.

Napangiti ang lalaki dahil sa reaksyon niya. Muling bumaba ang mukha nito para halikan siyang muli. Sa labi naman tumama ang halik nito. Tatlong magagaan na halik ang ginawa nito.

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon