11

75.7K 1.8K 41
                                    


WEARING A PAIR of a white string bikini, Hana can't explain how nervous she feels right now. Kanina pa siya ikot ng ikot sa salamin tinitignan baka may kung anong mantsa sa kutis niya na hindi niya nakikita.

"Calm down, Hana. Nakapag pose kana sa isang bikini Magazine yet insecure ka padin sa katawan mo?" I murmured to myself.

Naiiling na pinatungan ko na iyon ng white spaghetti strap ruffle hem bodycon mini dress. (See the media)

Sabi ni Marcus ay pool party iyon, I think this dress is just right.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng katok sa pintuan. Dali dali kong pinasadahan ang itsura ko sa pang huling pag kakataon, light make up and my hair is in a messy bun. Perfect.

I also decided to wear an inch open toe white sandals before grabbing my small sling bag and my gift for Akashi, the birthday celebrant.

Pag bukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang pinaka gwapong Doctor na kilala ko. Sandaling tumigil ang tibok ng puso ko ng magtama ang tingin namin.

He's wearing a Ralph Lauren short sleeve white polo. Which has a linen texture. He looks handsome as the usual he is, but him not wearing his usual outfit is next level.

"Let's go." Seryoso ang mukha nito, the usual him.

Napakurap ako, natutulala nanaman ako. Ugh.

Nakapamulsa ito habang hinihintay akong isara ang pinto. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong pasimple niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. I smiled in victory.

"Saan ang venue ng party?" I asked him while he's driving. Damn, he really looks extra sexy today.

"Akashi's house. Don't worry, ako narin ang maghahatid sayo pauwi." Sagot niya habang palingon lingon saakin at sa daan.

"O-Okay," Tango ko.

Katahimikan.

Tumikhim ako.

"Marcus?" Tawag niya rito.

Hindi ito sumagot pero alam kong nakikinig ito.

"Gusto mo ba sa babae yung.. simple lang?" Nag iwas ako ng tingin sa kanya at binaling ang tingin sa dinadaanan naming kalsada.

Ilang minuto bago ito sumagot, "Yeah."

Lumunok ako. "Ayaw mo sa katulad ko?"

Nilingon niya ako, kita ko yon sa gilid ng mata ko. Bumaling din ako sakanya, siya naman ang bumalik ang mata sa daan.

"Yes." He answered.

Then, why I am here?

Ngumuso ako. Ang sakit a. Sobrang dami ng nagkakagusto saakin, sino siya para sabihan ako ng ganito?

"How about you?"

Nakatingin parin ako sakanya. "How about me?"

"Do you prefer men like me?" He asked.

Wow ah. Parang di ako sinabihan na di ako type. Eh kung sabihan din kaya kita na hindi kita type? Grr

Mahinang tumango ako. Hinihintay ko ang reaksyon nito dahil sa pagtango ko pero para lang akong naghintay na pumuti ang mga uwak. Dahil kahit ano atang gawin at sabihin ko ay wala akong makukuhang reaksyon mula rito.

Napailing ako dahil doon. "You don't like girls like me but you like me, don't you?"

Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. Lalo naman akong napanguso, bakit ba? Gusto ko lang naman itanong. Tumikhim ako.

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon