20

74.5K 1.7K 273
                                    


    NATATAWANG BINABA NIYA ang camera na hawak habang nakatingin kay Marcus. Hindi pa sila nakakapag breakfast ng may madaanan silang souvenir shop at mapagpasyahang tumingin sandali.

"Are you laughing at me?" Kunot noong tanong sakanya ni Marcus.

Pinigilan niya ang tawa at umiling, pero hindi talaga niya kayang pigilan at tuluyan ng natawa ng malakas. Ang cute kasi ng nilagay niyang hello kitty na hairpin sa buhok nito.

Marcus 'tsked' before trying to remove the hairpin. Pinigilan naman niya kaagad iyon, "Sandali lang, isang picture muna."

Hindi ito nagsalita pero halata ang disgusto sa kanyang mukha ng kuhanan niya ito ng picture. Nakangiti niyang tinignan ang picture nito, sobrang ganda ng kuha niya. Itatago niya iyon.

"Doon naman tayo," turo ko sa mga damit.

Sumunod sakanya si Marcus habang siya ay patuloy sa pagkuha ng larawan gamit ang camera na hawak niya. Madalas ang lalaki ang kinukunan niya at wala pa siyang pangit na nakuha sa lahat ng iyon.

"Bili tayo nito." Turo niya sa mga couple shirts na may nakalagay na 'I love Bantayan Island'.

Tinignan siya ni Marcus na para bang wala itong balak bumili 'non kahit ano pang gawin niya.

Napanguso ako. "Sige na.." pilit ko.

Inayos nito ang salamin sa mata bago namulsa. Hindi siya sinagot, mukhang ayaw talaga.

Lumapit ako sakanya at tumingkayad para halikan siya sa kanang pisngi. "Please?" Pumikit pikit pa siya para magpa cute rito.

Tumikhim si Marcus bago kinuha ang wallet sa bulsa. Kiss lang pala ang gusto ni Doc para pumayag. Pinipigilan niya ang sarili na gumawa ng ingay pero kinikilig talaga siya.

"Isuot natin.." sabi ko ng iabot niya saakin ang nabili niyang dalawang damit.

Hindi niya ako sinagot at nagsimula ng maglakad palabas ng souvenir shop. "I'm hungry, let's go."

"Sandali!" Natatawang sigaw niya dahil sa bilis ng lakad nito. Kahit ano pang gawin ni Marcus, mamaya ay sisiguraduhin niyang suot nito ang damit.

"Sandali kasi," kumapit siya sa braso nito habang natatawa parin. Hindi siya pinapansin ng lalaki. "Sigurado naman ako na bagay sayo 'yon, wala namang hindi." Sabi ko sakanya.

Naglalakad sila ngayon sa buhanginan at hindi pa ganoon kataas ang sikat ng araw. Ang hampas ng tubig ay bahagyang binabasa ang mga paa nila.

Tinignan sandali siya ni Marcus dahil sa sinabi niya bago muling inayos ang salamin nito. Ngumiti siya ng matamis sa lalaki. Napakagaan ng pakiramdam niya mula kaninang pag gising nila.

"Marcus! Hana!" Si Missy iyon habang kumakaway sakanila.

Huminto sila sa paglalakad ng lumapit ito. "Mag breakfast din kayo?" Tanong nito.

Tumango ako at ngumiti sakanya.

"Sakto, sabay-sabay na tayo. Dito nalang kayo kumain." Tinuro nito ang isang kainan sa likod nito.

"You want to join them?"

Napalingon siya kay Marcus dahil sa tanong nito sakanya. Siguro ay inaalala siya ni Marcus dahil baka hindi siya maging komportable sa pagkain.

Tumango ako at ngumiti bilang sagot.

Gaya nga ng inaasahan ay halos kumpleto ang mga kaklase ni Marcus na nag breabreakfast sa isang mahabang table. Nakipag batian sila bago siya umupo sa tabi ni Marcus.

"Hana, Marcus," si Micaela 'yon. "Magandang umaga." Bati nito sakanilang dalawa. Nakaupo ito sa mismong harapan nila katabi si Rashid.

Nginitian niya din ito, "Magandang umaga."

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon