26

68.8K 1.6K 197
                                    


     MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw ng hindi namamalayan ni Hana. Ngayong araw na pala ang saktong ika-isang buwan buhat ng maging sila ni Marcus.

Kagaya rin ng napagusapan nila ni Marco ay siya ang naging muse ng mga ito sa latest issue ng Real Magazine na pag mamay ari ng binata. Pinilit niyang pagsabayin ang trabaho sa opisina at pag momodelo nitong mga nakalipas na araw.

Dahil narin don ay naubusan na siya ng oras para kay Marcus. Kung minsan ay hindi na rin siya nakakapunta sa lunch break nito para dalhan siya ng pagkain. Kaya naman ngayong naka isang buwan na sila ay babawi siya sa lalaki.

"Good afternoon, Ma'am Hana."

Ngitian niya si Pearl at gumanti ng bati rito bago tuloy tuloy na pumasok sa opisina ng kasintahan.

"Happy monthsary!" Masayang bati niya kaagad sa lalaki pagkasara niya ng pinto.

Nanatili namang tahimik ang lalaki at nagpatuloy lang sa pagbabasa na para bang hindi siya nakikita nito.

Natatawang lumapit ako sa kanyang kinauupuan. Dahil busy ito sa laptop ay pumasok ako sa braso at umupo paharap sa kandungan nito. Ngayon ay ako nalang ang pwede niyang tignan.

"Hindi moko papansinin?" Napanguso ako.

Tumikhim si Marcus at inayos ang salamin nito sa mata. "I thought you're busy?"

Mukhang nagtatampo ito dahil lagi siyang busy lately sa dami ng kanyang trabaho. Yumakap ako sa leeg niya at dumukwang para halikan ito sa labi.

Umiwas ito sa halik ko kaya tumama iyon sa kaliwang pisngi nito.

Mas lalong tumulis ang nguso ko.

"I'm busy, Hana." Pag susungit nito.

Napahagikgik naman ako dahil ang gwapo parin nito kahit masungit. Muli ko siyang hinalikan sa labi ng tatlong beses. Hindi ito kumikibo kaya pinupog ko ng halik ang labi at pisngi nito.

"Sorry na.."

Marcus sighed and removed his eye glasses. Maya maya pa ay pumulupot na ang braso nito sa bewang ko dahilan para mas mag dikit ang mga katawan naming dalawa.

Ngumiti ako ng matamis dahil doon. Ang sungit sungit pero bibigay din naman sa lambing ko.

"Date tayo ngayon?" Tanong ko rito.

Tumango ito saakin.

Naiiling na natawa ako sa itsura nito, mukhang gusto talaga nitong magtampo pero hindi niya magawa.

"Are you laughing at me?" Tumaas ang isang kilay nito sakanya.

Umiling ako at ngumiti, "May mga pasyente ka pa ba? Pwede bang ngayon na tayo kumain sa labas?"

Tinignan nito ang oras sa suot na relos bago sumagot, "I can leave for 1 to 2hours. Let's eat outside?"

Lumabas nga sila ng binata para kumain sa labas. Dahil parehong busy sa trabaho nila ay iyon na ang naging celebration nila ng kanilang unang buwan bilang magkasintahan.

"Marcus," tawag ko sa lalaki habang seryoso ang mukha nitong nagmamaneho.

Tapos na kaming kumain at pabalik na sa hospital.

"Hmm?" Nilingon siya nito pero binalik din kaagad ang mata sa daan.

"Are you happy with me?"

Iyon ang tanong na dapat ay itatanong ko dati sakanya pero hindi nangyari. Ngayon ay naisipan niya ulit itanong iyon sa binata.

Nilingon ulit siya ni Marcus. Ang seryoso nitong mukha ay bahagyang ngumiti sakanya. "Why are you asking me that?"

"Wala lang," nag iwas ako ng tingin. "Gusto ko lang malaman kung masaya ka ba na dumating ako sa buhay mo."

Because if he will be going to ask her the same question she won't hesitate to say yes. Maaring si Marcus nga ang dahilan kaya siya ngayon nakabalik sa pag momodelo pero hindi rin niya makakaila na nahulog na ang loob niya sa binata.

"Look at me," Marcus said. "Do I look happy?"

Nilingon ko siya at pero seryoso ang mukha nito.

"Paano ko malalaman e seryoso ang mukha mo?" Natatawang sabi ko.

Doon ay natawa din ito. "How about now?"

Ngumiti naman ako at tumango. Masaya nga ito.

Mula sa manibela ay bumaba ang isang kamay nito para hawakan ang kamay niya. Tinignan niya iyon ng matagal bago nilingon ang mukha nito.

"Thank you for coming to my life, Hana." He smiled.

"M-Marcus.."

Nanatili kaming ganoon hanggang sa makarating kami sa hospital. Masayang nag paalam ako sakanya at babalik narin ako sa opisina. May usapan na rin sila ng binata na magkikitang muli mamayang uwian.

Habang nag mamaneho papunta ng office ay nag ring ang cellphone niya na nasa bag niya. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag ng hindi tinitignan ang caller.

"Hana.."

Natigilan siya ng marinig ang mahinang boses na tumawag sa pangalan niya. Kahit mahina iyon ay kilalang kilala niya kung kaninong boses iyon.

"Micaela?"

"Naalala mo pa ako," she said almost whispering.

"Oh, ikaw pala." Natuwa naman ako at naalala ako nitong tawagan. "Kumusta kana? San ka sa manila? Kita tayo minsan.."

Ilang segundo itong hindi kumibo bago muling nag salita. "Naalala mo pa ba yung request ko, Hana?"

"Ha?" Pilit niyang inalala iyon pero wala siyang maalala na sinabi nito. "Diba wala ka pang sinasabi saakin?" Takang tanong ko.

Umubo si Micaela mula sa kabilang linya.

"Okay ka lang ba, Micaela? You sound sick." Sobrang hina ng boses nito at umuubo kaya naisip niya na baka may sakit ito.

"Hana, I'm d-dying.."

Niliko niya ang sasakyan sa gilid at tinabi roon. Punong puno ng pagkabigla ang sistema niya dahil sa sinabi ng dalaga.

"Micaela that's a bad joke," saway niya rito.

"Yung last request ko.." umubo ulit siya bago muling nagpatuloy,

"Pwede bang saakin na muna ulit si Marcus?"

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon