12

72.8K 1.9K 44
                                    


     RAMDAM NIYA ANG mga titig na sumusunod sakanya. Sanay siya sa ganon kaya naman taas noo siyang naglakad para ipakita ang perpekto niyang katawan at walang mantsang kutis.

Bukod sa mga titig na nakukuha ay nakarinig din siya ng mahinang sipol mula sa grupo ng kalalakihan na dinanaan nila.

"I envy your small waist and big hips, like how did you do that?" Narinig niyang sabi ni Akari sa tabi niya habang naglalakad sila papunta sa pool.

Pinasadahan niya ng tingin ang katawan nito, maganda rin naman ang katawan nito but she has a bit smaller breast and narrower hips than her. Mas payat din ito ng bahagya sakanya at mas matangkad siya rito ng ilang pulgada.

"Do you model for a magazine by the way?"

Ngumiti ako ng maalala ko ang first shoot ko way back in high school. "I did, before. A few years ago, unfortunately not anymore."

Kumunot ang noo nito, "That explains why you look quite familiar, maybe I saw you before on a Mag."

"That's how we met. Imagine, she is a daughter of the client I rejected—" napatigil sa pag sasalita si Akashi ng madako ang tingin saaming dalawa ni Akari na papalapit sa table nila.

"Look how lucky this bastard is," Si Axe na makahulugang bumaling kay Marcus.

Gustong mamula pati dulo ng hibla ng buhok ko sa matiim na titig ni Marcus saakin habang lumalagok ng alak sa kanyang baso.

"We are going to swim now, kayo?" Nakapamewang si Akari at ngiting aso ang nakapaskil sa kanyang labi.

Mukhang may plano talaga ito.

Tumikhim ako. "Mag swimming na kami ni Akari," gusto ko lang sabihin kay Marcus iyon pero nag mukhang humihingi ako ng permiso rito.

Kaya naman tumango si Marcus at hindi kagaya ng dati na hindi nag tatagal ang kanyang tingin ng mahigit sampung segundo saakin, ngayon ay wala ata siyang balak lubayan ako ng kanyang mga titig.

Tumalikod na kami sakanila para pumunta sa mismong pool. Narinig ko pa ang tawanan nina Axe at Akashi sa table, wala naman akong narinig mula kay Marcus.

"See? Boys will be boys," Akari chuckled. "Hindi pwedeng hindi ka niya titigan."

I chuckled. Iyon ba ang plano niya kanina?

"Let's wait a little bit more," kausap ni Akari sa sarili.

Naiiling nalang ako sakanya, mukhang hindi pa tapos ang plano nito. Well, whatever that plan is, she is hundred percent sure that it is also good for her own plans.

Sinuyod ng mata niya ang pool, mayroong iilang naliligo at nagkukwentuhan lang sa gilid. Puno ng ilaw na iba iba ang kulay sa paligid, medyo may kalakihan din ang sukat ng mismong swimming pool.

"Come on, hindi ganoon kalamig ang tubig!"

Hindi ko namalayan na nakatalon na pala si Akari sa gilid ko at ngayon ay lumalangoy na. Natawa siya at bumaba na rin pero ginamit ang hagdanan sa gilid mismong pool.

Tama nga si Akari hindi ganoon kalamig ang tubig. It was actually quite warm. Siguro dahil na rin sa panahon, summer na rin kase sa Pilipinas.

Lumangoy at nag basaan lang kami ni Akari sa loob ng limang minuto hanggang sa mag paalam siya para kumuha ng maiinom namin.

"Juice, soda or wine?" Tanong nito na kakahaon lang sa pool.

Ako naman ay nakababad pa, "Orange juice, please."

"Right away, ma'am." Masayang sagot nito at naglakad na papunta sa loob ng malaking bahay.

Ako naman ay lumangoy papunta sa malapit na hagdan at doon ay umupo. Dumidilim na ang paligid. Nilingon ko ang inuupuan nina Marcus, ganon parin ang pwesto nila pero may iilang bisita ang dumagdag. Marahil ay kadarating lang ng mga iyon.

Hindi nakaligtas sa mata ko ang ngayon ay katabing babae ni Marcus, na wala naman kanina. Kinakausap ng babae si Marcus at mukhang nakikinig naman ang binata.

I almost rolled my eyes. Naalala ko si Barbie, mabuti nalang hindi na kami ulit nagkita 'non. Pero kahit saan ko ata ilagay si Marcus ay lalapitan at lalapitan ito ng mga babae, para itong magnet.

I sighed deeply.

"Ang lalim 'non," narinig kong may boses mula sa tabi ko.

Mabilis na lumingon ako sa gulat, ni hindi ko man lang napansin na may tao na pala sa tabi ko. Gosh.

"Oh, I'm sorry. Did I startle you?" Ang kulay itim nitong mata ang unang sumalubong saakin.

Charcoal black eyes, thick brows, sharp-pointed nose, and fair skin. Mabilis na gumana ang utak ko, I think I've seen him before but I can't remember exactly where and when.

"Matt, my name is Matt. We met before at a commercial shoot, 8 years ago." Ngumiti ito at lumabas ang malalalim niyang dimples.

Oh yeah. "Yung energy drink?" I said like I am confirming.

"Yeah, yeah." He chuckled. "It was nice seeing you here, and look at you hindi ka masyadong nagbago. Maganda padin." Masayang sabi nito.

Dahil sanay sa mga ganoong komplimento ay ngumiti siya. "Thank you, and you.. you look a bit different."

Kaya hindi niya ito masyadong maalala dahil sa pag babago sa pangangatawan nito. She don't remember him having this kind of body, mas payat ito noon, hindi sobrang payat pero hindi kagaya ngayon na sobrang fit.

"Uhm medyo nag work out kasi ako, tumutumal narin kasi ang mga endorsement ko that time so I need to improve. Alam mo naman sa mundo ng industriya."

Sabagay, tama ito. Hangga ngayon siguro ay nag momodelo ito, hindi lang ganoon kasikat dahil hindi ko siya ganoon kadalas makita.

"That's good, good to know na nasa industriya ka padin. Mahirap ang mag stay sa field na 'yan." Komento ko.

Nagkibit balikat ito. "I do endorsements as a hobby now, may nasimulan narin naman akong negosyo. I want to focus myself on that now."

Tumango tango ako.

"By the way, how are you related to Akashi?" Tanong nito mayamaya. "I saw you earlier with Akari, maybe you're friends with her?"

"Actually—"

"Actually, she's with me."

Natigil ako sa pag sasalita ng may sumagot mula sa likod namin. Sabay kaming napalingon ni Matt at unang sumalubong saakin ang pares ng mga paa. Pag angat ko ng tingin ay ang kunot noong mukha ni Marcus ang bumungad saakin.

"Marcus!" Nabigla ako.

"You're with him?" Baling saakin ni Matt.

Nilingon ko ulit Marcus at mukhang nag hihintay itong tumango ako para kumpirmahin na kasama ko nga siya.

"Uhm yes." Sagot ko.

"It's okay, I'm just talking to you—"

"Come on, the water is getting cold. Stay with me at the table now." Putol ni Marcus sa sinasabi ni Matt.

Nanghihinging pasensya kong binalingan si Matt. "Will talk to you some other time, it was nice seeing you here." Ngumiti ako sakanya.

Sasagot pa sana si Matt ng biglang harangan ng tela ang paningin ko.

"Wear this," utos ni Marcus at inaabot ang isang puting roba. "All men here are ogling at you."

Mabilis na sinunod ko ito dahil medyo nilalamig na din ako dahil sa ihip ng hangin sa basa ko pang katawan. Hindi nako nakahuma ng kunin niya ang kamay ko at hilahin paalis sa pool area.

Nakakakuha kami ng atensyon habang naglalakad dahil siguro hila ako ni Marcus. May narinig din akong mangilanngilan na bulungan.

Nabigla ako ng makita ko si Akari na nakaupo sa table at nakikipagkwentuhan. Ha? Akala ko ay kukuha lang siya ng inumin kanina?

Nang makita niya kaming papalapit ni Marcus ay binigyan niya ako ng makahulugang ngiti habang nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Marcus.

"Hindi rin nakatiis, pakipot pa kase." Narinig kong sabi ni Akari na ikinatawa ni Axe at Akashi.

Huh?

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon