21

69.3K 1.9K 171
                                    


    MARCUS REMEMBERED MICAELA has an acid reflux way back in college. He even remembered when she passed out due to skipping meals or eating at irregular times.

"Hindi pa rin siya kamakain mula kanina," sabi ni Rashid habang nagmamadali silang papunta sa kwarto ni Micaela.

"You let her skipped a meal?" Tanong niya kay Rashid. "You know that skipping meals might trigger her Hyperacidity, you're a doctor."

"A-Ayaw niyang lumabas ng kwarto mula kaninang after b-breakfast." Bakas sa boses nito ang pagsisi marahil dahil hinayaan lang niya ang babae mula kanina.

Binilisan pa nila ang paglalakad at nanghingi sa front desk ng spare key sa hotel room nito. Marcus told them about the emergency and they're Doctors so there's nothing to worry about lending them the spare key of the room.

Binigay kaagad nila ang susi lalo na ng nalaman nila na kilala nila ang babae personally.

Pagbukas nila ng pinto ay umikot ang mata niya para hanapin ang dalaga. Nakita nila iyong nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit.

Mabilis niya itong dinaluhan.

"Ella!" Puno ng pag aalala ang boses ni Rashid.

Walang pag aalinlangan na nilapitan niya ang babae at binuhat mula sa sahig papunta sa kama nito. Namumutla na ang mukha nito at pawis na pawis na.

"Get her a glass of coconut water," utos niya kay Rashid na nasa tabi niya. "Or even watermelon juice. Bring it here quick."

Mabilis na sumunod sakanya si Rashid at nawala na sa paningin niya.

"Micaela," tawag niya sa dalaga.

Mula sa pamamaluktot ay nagmulat ito ng mata at saka siya tinignan nito. Bakas parin ang sakit sa mukha nito pero nagliwanag iyon ng makita si Marcus sa harap niya.

"M-Marcus.. you're here.."

"Are you bringing any meds with you? Antacid?" Tanong niya sa dalaga.

"Ahhh.." namipilit ito sa sakit. "S-Sa bag ko.. sa maleta.."

Wala siyang inaksayang oras at ginawa ang mga dapat niyang gawin. Doctor din ang babae, dapat ay alam nito ang mga makakasama para rito. He's sure she knows the factors that causes acidity.

"How is she?" Tanong sakanya ni Rashid.

Natutulog na ngayon ang dalaga matapos niyang makainom ang isang baso ng coconut water at antacid. Mukhang nabawasan na ang sakit at nakatulog ito sa panghihina.

"Make food for her when she wake up," inayos niya ang salamin sa mata niya. "You know things like that causes acidity, why are you letting that happen?"

Napahilamos sa mukha si Rashid habang nakatingin sa natutulog na dalaga. "You know why she's doing this to herself," makahulugan ang tingin na binigay nito sakanya. "I'll buy some food now, lock the door when you leave."

Palabas na ito ng pinto ng bigla itong tumigil at muli siyang nilingon. "Thank you for taking care of her, even though I can do that myself, she wants you to do it."

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon