33

79K 1.8K 97
                                    


    AFTER THE RECESSIONAL ay diretso silang lahat sa venue ng reception para sa kasal nina Micaela at Rashid. Silang dalawa ni Miracle ang kinuha ng babae para maging bridesmaids nito kaya maaga palang ay nandito na sila.

It was an evening wedding. Ngayon ay mag aalas siete na at sakto lang iyon para pakainin ang mga bisita ng dinner.

"What food do you want?" Tanong ko kay Marcus na nakaupo sa tabi ko.

Sobrang gwapo ngayon ng binata sa formal attire nito. Kasama niya ito mula kanina at hindi siya nito iniwan kahit pa madalas itong ma out of place sa usapan nila nina Miracle. Doon ay nappreciate niya talaga ang effort ng binata.

Tumayo ito at inayos ang salamin sa mata. "I'll help you get our food."

Pumayag nalang ako at sabay kaming kumuha ng pagkain. Pagbalik namin sa table namin ay nandoon na din si Miracle kasama ang nakilala nitong lalaki na pinsan ng groom. Kanina pa niya tinutukso ang dalawa pero mukhang hindi talaga sila mag hihiwalay kahit anong tukso niya.

"Hmm, this taste good." Sabi ko habang hawak ang kinagatan kong grilled chicken and cherry tomato na nasa skewers. "Here taste it," nilapit ko sa bibig ni Marcus ang pagkain.

Walang pag aalinlangan na kinagatan niya iyon.

"Masarap diba?"

Tumango si Marcus sakanya.

Ngumiti naman ako at pinunasan ang oil na nasa gilid ng labi nito. Nginitian lang ako nito dahil sa ginawa ko.

"Attention everyone," sabi ng host na ikinalingon ng lahat sa gitna ng stage sa harapan nila. "Habang kumakain ang lahat, panoorin natin ang bagong mag asawa sa pag slice nila kanilang ng wedding cake."

Nagpalakpakan ang lahat ng tumayo ang bride at groom mula sa pagkakaupo habang inaalalayan ni Rashid si Micaela papunta sa isang malaking wedding cake.

Nakangiti niyang pinagmasdan ang dalawa habang hinihiwa ng mga ito ang cake at nag subuan pagkatapos. Nakita niya sa gilid ng mata niya ang pagkuha ni Miracle sa baso na nasa harap nito at pinatunog iyon gamit ang isang kubyertos, senyales na dapat maghalikan ang bagong kasal.

Napailing nalang ako sa ginawa ni Miracle na ginaya ng nakakarami kaya naghalikan nga ang bride at groom.

"You like this kind of wedding?"

Nilingon niya si Marcus na nagsalita sa tabi niya. Nakapatong ang kamay nito sa likod ng upuan niya kaya magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila.

"W-What?" Hindi ko maintindihang tanong.

Mula sa harap ay binalingan niya ako ng tingin. "Don't you prefer weddings like a beach or garden?"

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

Napailing nalang si Marcus saakin at bahagyang dumukwang para bigyan siya ng magaang halik sa labi. Bahagyang lumakas ang tibok ng puso ko dahil doon.

Kinuha ng lalaki ang kamay ko na nasa kandungan ko at hinawakan iyon. Nakatitig lang din ako sakanya sa buong oras.

"Kapag tinawag ko ang pangalan niyo, please proceed in front. Mag lalaro na po tayo." Nag simula ng magtawag ng pangalan ang host. Nabanggit ang pangalan ni Marcus kaya tumayo ito mula sa pagkakaupo sa tabi niya.

"Anong laro 'to?" Baling ko kay Miracle pag alis ni Marcus.

"Tossing of garter ata 'yan," sagot nito sakanya. Wala na din ang kausap na lalaki nito dahil natawag din ang pangalan kanina. "Itatapon ng groom ang garter, tapos kung sinong makakasalo siya ang may chance na isuot iyon sa babaeng mapipili mamaya."

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon