27

68.7K 1.4K 81
                                    


     MICAELA HAS A stage IV esophageal cancer, sabi ng doctor ay malaking rason ang pagkakaroon nito ng acid reflux mula pagkabata sa cancer niya. Matagal na palang na diagnose ang babae sa sakit pero ngayong buwan lang ito nag simulang mag undergo ng chemo kaya naman lumala ng lumala ang kondisyon nito.

"Micaela.." She called her.

Mula sa pagkakapikit ay nagmulat ito ng mata. Pinuntahan kaagad niya ito sa hospital pagkatapos ng tawag nito sakanya. Malaki ang pinayat ng dalaga at mas maputla pa ito ngayon kaysa sa dati nitong kulay. Marami ring tubo at kung ano ano ang naka konekta sa katawan nito.

Kahit ang mahaba at itim na buhok nito dati ay wala na, marahil ay dahil sa resulta ng sunod sunod na chemotherapy.

"Hana.." may ngiting gumuhit sa labi nito pero bahagya lang iyon dahil sa panghihina.

"Kumusta kana?" She smiled at her. "Bakit hindi mo kaagad sinabi na ganito na pala ang sitwasyon mo?"

Umubo ito. "Bakit p-pa?" Mahina nitong tanong. "Wala namang magbabago sa sitwasyon.."

Bawat salita nito ay may kasunod na ubo. Naawa siya sa lagay ng dalaga pero wala naman siyang magawa dahil hindi siya Doctor. Kahit sa mismong sakit nito ay hindi ganoon kalawak ang kanyang kaalaman.

"Wag ka na munang mag salita," sabi ko. "Kailangan mo munang mag pahinga, babalik nalang ako—"

"Hana.."

Tumaas ang kamay nito at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa kama nito. Mabilis na hinawakan niya din gamit ang libreng kabilang kamay ang kamay nito.

"Nakikiusap a-ako," she begged. "Mamatay narin ako.. gusto ko lang maging masaya bago—"

"Hindi ka mamatay, Micaela." Umiling ako. "Gagaling ka pa, hindi pa ito ang katapusan. Maniwala ka saakin."

Hindi kaagad ito sumagot bago bahagyang ngumiti, "Matagal ko ng t-tinanggap.." umubo muli ito.

"Micaela.."

Hindi na ito muling nakasagot ng sunod sunod na ang naging pag ubo nito. Napatayo siya sa kinauupan ng makitang may dugo na ang inuubo ng babae. Mabilis na tumawag siya ng Doctor.

Nag panic siya ng sandaling iyon lalo pa ng dumaing si Micaela na sumisikip ang dibdib nito at para bang hirap na hirap sa pag hinga. Pagdating ng mga nurse at doctor ay pinalabas siya sa loob silid, kahit ayaw niyang iwan ang babae ay napilitan siya.

"What happened?"

Nilingon niya ang nag aalalang boses ni Rashid. Mukhang kadarating lang nito at nakasuot pa ng Doctors robe.

"Anong nangyari?" Tumaas ang boses nito sakanya.

"H-Hindi ko alam," nalilito kong sabi. "Inuubo lang siya tapos.. tapos may dugo—"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng bigla itong pumasok sa loob ng kwarto ni Micaela. Siya naman ay nanghihinang napaupo sa upuan sa labas. Hindi siya pwedeng sumunod sa loob kahit gustuhin niya.

Tahimik siyang nag dasal na sana ay maging maayos ang lagay ng nito. Kahit ano pang nangyari sakanila ni Micaela dati ay wala siyang sama ng loob dito. Wala naman itong ginawang masama.

Nag mamahal lang din ito.

Kagaya niya.

Napahilamos siya sa mukha at tahimik na naghintay. Pagkatapos ng halos kalahating minuto ay bumukas ang pinto at lumabas ang mga nurse at doctor kasama si Rashid. Napatayo siya sa kinauupuan.

"Kumusta si Micaela?" Kaagad na tanong niya dito.

Nilingon siya ni Rashid. Hindi kaagad ito nag salita hanggang sa makaalis na ang mga kasama nito at matira silang dalawa doon.

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon