16

76K 1.8K 37
                                    


    "What do you mean hindi ka uuwi ng isang linggo?"

Busy siya sa pag eempake ng mga damit na dadalhin niya kaya hindi niya nasagot ang tanong ng ina. Pabalik balik siya mula sa closet at sa maleta na nakalatag sa kama niya.

"Hana Russo," tawag ng ina niya. "Are you even listening? Gusto mo bang malagot tayo parehas sa papà mo?"

"Nakausap ko na si papà tungkol dito," sa wakas ay natapos nako sa pag eempake. Sinara ko na ang maleta at umupo sa gilid ng kama bago nilingon si mama.

"Pumayag ba?"

"Mamà, sa loob ng ilang taon kong pagtratrabaho bilang trainee ay hindi ako nag leave kahit minsan. Gagamitin ko lahat ng iyon para mabuo ang isang linggo kong bakasyon." Paliwanag ko rito.

"Paano pag nagalit 'yon?"

Napakamot siya sa noo dahil sa tanong ng ina. Concern na concern talaga ito sa sasabihin ni Papà.
"Nag promise naman ako sakanya na pagbalik ko ay mas gagalingan ko na sa trabaho."

"One week sa Cebu? Kayo lang dalawa?" Kumunot ang noo ni mama. "Kailan mo ba ipapakilala saamin ang Marcus na iyon?"

"Mamà, hindi lang kaming dalawa 'don." Natatawang sagot ko. "Batch reunion 'yon nina Marcus. Allowed sila magsama ng date nila, at ako ang sinama niya siyempre!" Tumaas taas pa ang kilay niya sa sobrang proud.

Sino bang hindi magiging proud? Napakalaking bagay sakanya na siya ang inaya ni Marcus para makasama ng isang linggo sa reunion nilang magkakaklase.

Hindi nga niya inaasahan na aayain siya nito kaya naman ng tanungin siya nito kahapon ay walang pag aalangan siyang pumayag.

Gaganapin ang reunion nila sa isang beach ng Cebu sa Bantayan Island. Marami nakong narinig na maganda tungkol sa beach na 'yon at balita pa niya ay hindi ganoon karami ang turista sa lugar.

"Bakit hindi ka susunduin ni Marcus dito?" Nakataas ang kilay ng kanyang ina habang pinapanood siyang isakay ang maleta niya sa kanyang sasakyan.

"Mamà," naiiling na sabi niya. "Alam mo naman na hindi muna siya pwedeng makita ni papà." Lumapit siya rito at humalik sa pisngi ng ina.

"Pagbalik ko uuwian ko kayo ng pasalubong, mag iingat kayo habang wala ako."

Nagpaalam na siya at sumakay ng sasakyan para makaalis na. Sa condo siya nagpasundo kay Marcus, dahil gaya nga ng sabi niya ay hindi muna sila pwedeng magkita ng kanyang ama.

Pag dating sa condo niya ay tinignan niya kaagad ang oras sa wallclock, may sampung minuto bago ang oras ng pagdating ni Marcus.

Habang nag hihintay ay chineck niya ulit ang mga gamit na dadalhin niya. Halos bikini ang lahat ng iyon dahil sa beach sila pupunta. Pumasok naman sa isip niya ang nangyari noong huling nag suot siya ng bikini na magkasama sila.

Napahagikgik siya.

Lumitaw sa imahinasyon niya ang seksing katawan ni Marcus habang lumalangoy sa tubig. Ang basa nitong buhok, ang sikat ng araw na tumatama sa balat nito. Bakit ba kase napaka perpekto ng lalaking 'yon?

Naging busy siya sa pag iisip ng kung ano ano hanggang sa dumating na si Marcus. Kakaiba talaga ang pakiramdam kapag hindi naka Doctors robe ang binata at sa halip ay naka simpleng tshirt lang.

Simpleng puting tshirt at army green boardshort lang ang suot nito pero pwede na agad itong isabak sa photoshoot para sa summer issue ng mga magazines.

"Nag breakfast kana?" Panimula niyang tanong rito.

Hindi niya ako nilingon, "Not yet, I had my coffee."

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon