18

70.2K 1.6K 237
                                    


"Marcus! Hana!"

Mabilis na pinutol niya ang halik ng marinig niya ang pangalan nilang dalawa ni Marcus. Ilang segundo muna silang nagtitigan bago niya nilingon ang tumatawag.

"Nandito din pala kayo?" Si Rashid iyon kasama si Micaela. "Balak sana naming manood ng sunset, mabuti at nakita namin kayo."

"Naistorbo ba namin kayo?" Nahihiyang tanong ni Micaela sakanila.

Mabilis naman siyang umiling at ngumiti, "Nandito kami para manood din, di'ba Marcus?"

Tumango si Marcus bilang pag sangayon.

"Dito nalang din tayo para mas masaya. Mag swimming din tayo paglubog ng araw." si Rashid.

Ganoon nga ang nangyari, ang balak niyang silang dalawa lang ni Marcus hindi natuloy. Silang lahat ngayon ay nakaupo sa kahoy, ang pwesto nila ay si Rashid, Micaela, Ako at si Marcus.

"Ang ganda ng langit.." mahinang sabi ni Micaela habang nakatitig sa kalangitan.

Siya naman ay binalingan si Marcus na nakatingin din sa langit, kinuha niya ang kamay na nasa kandungan nito at pinagsalikop ang mga kamay nilang dalawa. Nilingon siya ni Marcus sa ginawa niya.

Ngumiti naman siya ng matamis sa binata at binaling narin ang tingin sa dagat.

Hanggang sa tuluyan na ngang dumilim ang kalangitan. Wala na ang araw at ang malamig na simoy ng hangin ang dumadampi ngayon sa kanilang mga balat.

Napapikit siya ng dumampi ang hangin sa kanyang mukha at liparin ng bahagya ang kanyang buhok.

"Gusto ko ng buko juice," sabi ni Micaela.

Mabilis na tumayo si Rashid. "Ako nalang ang bibili." Presinta kaagad nito.

Ngumiti si Micaela at binalingan siya. "Ikaw, Hana? Gusto mo rin ba?"

Nakaramdam din siya ng uhaw kaya tumango siya. Pero naisip niya na hindi lahat 'yon kayang buhatin ni Rashid kaya tumayo na din siya sa pagkakaupo.

"Samahan na kita, Rashid." Sabi ko.

"Talaga? Salamat, Hana. Alam ko banda 'dun lang ang nagtitinda—"

"I'll go with Rashid," biglang tumayo rin si Marcus. "I'm also buying some snacks for us."

"Kami nalang dalawa ni Hana—" Hindi na natuloy ni Rashid ang sinasabi ng magsimula ng maglakad si Marcus.

Napakamot naman sa leeg si Rashid. "Kami nalang, Hana. Maiwan muna namin kayo ni Micaela dito." Pagkasabi niyon ay mabilis na nag-jog ito para habulin ang papalayong si Marcus.

"Ganyan talaga si Marcus," nakangiting sabi ni Micaela habang nakatingin sa papalayong si Rashid.

Umupo ulit siya sa tabi nito. "Ganyan?"

"Ayaw na ayaw niyang babae ang gumagawa ng mga bagay para sakanya." Inipit nito ang hinahanginan na mahabang buhok sa likod ng tenga nito.

Napatango nalang siya. Siguro ay sobrang mag kakilala silang dalawa. Malamang ay dahil ilang taon din silang naging magkaklase sa kolehiyo.

"Kayo na ba ni Marcus?"

Napatigil siya sa pag aayos rin niya ng buhok sa tanong ni Micaela sakanya. Inipit niya rin ang buhok sa likod ng tenga niya bago sumagot, "We're dating."

Totoo naman iyon, sabi ni Marcus ay subukan nilang magdate. Kaya nga siya nandito ngayon kasama ang binata. Napangiti siya.

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon