30

76.5K 2K 117
                                    


    HINDI PARIN SIYA makapaniwala na si Marcus nga talaga ang bagong lipat sa katapat bahay nila. Ang akala niya ay nagbibiro lang ito pero mag hahapon na ay andoon parin ang sasakyan ng binata sa tapat ng bahay na iyon.

Nakatingin siya sa kanyang bintana kung saan kitang kita niya ang lalaki sa balcony nito na nag babasa ng kung anong libro. Nag angat ito ng tingin sakanya at tinaas ang librong hawak bago bahagyang kinaway.

Mabilis niyang sinarado ang kurtina dahil sa pagkabigla, alam pala nitong tinitignan niya ito. Tumikhim ako at inayos ang sarili.

"Kalma ka lang, Hana.." sabi ko at bumaba na ng kusina para magluto ng tanghalian dahil hindi agad siya ginutom ay ngayon palang siya kakain.

Ngayong mag isa siya sa bahay ay kahit anong oras niya gustuhing kumain ay walang mag babawal at maninita sakanya. Siya ang may hawak sa lahat ng oras niya at kahit pa ang mga gusto niyang gawin.

Habang nagluluto siya ay may kumatok sa pintuan niya kaya naman hininaan niya ang apoy bago pinuntahan ang pintuan.

"Oh, Harold!" Gulat kong sabi. Si Harold iyon na may dalang cookies na nasa maliit na jar.

Nagkamot ito ng batok, "Pinapabigay ni mama sayo. Nag bake kase siya kanina."

Ngumiti naman ako. "Ay naku, salamat. Nag abala pa si Tita, ang bait talaga niya saakin." Tinanggap ko ang mga cookies at inalok ito na pumasok saglit para mag meryenda.

"Nakakahiya naman, 'wag na." Tanggi nito sa alok ko na kape.

"Nahiya kapa saakin," tawa ko. "Ang tagal na nating mag kapit bahay. Saka ako nga dapat mahiya dahil lagi niyo nalang akong binibigyan ng pagkain."

Natawa din ito. "Si mama kase alam mong mahilig magluto, ikaw ang una niya laging naiisip na bigyan ng pagkain dahil sarap na sarap ka daw sa mga luto niya."

"Masarap naman talaga, nag papaturo nga ako kay Tita ng secret recipe niya ng ginataan." Sabi ko sakanya. "Halika na pumasok ka muna—"

Natigilan siya ng mahagip ng mata niya ang isang bulto, si Marcus iyon na nakatambay sa harap ng gate niya. Kanina ang alam ko ay nag babasa ito sa balcony. Paano ito napunta doon? Mukhang kanina pa ito rito at nakikinig sa usapan nila ni Harold.

"Can I join you two? I haven't had lunch yet." Tumikhim pa ito para agawin ang pansin nila.

Sumingkit ang mata niya kay Marcus.

"Oh, siya yung bago nating kapit bahay?" Tanong ni Harold pag lingon kay Marcus.

Tumikhim ako at tumango. "Siya nga."

"Nag kakilala na kayo?" Tanong pa ni Harold ng mapansin siguro nito na parang kilala siya ng lalaki.

Hilaw akong ngumiti at hindi alam ang isasagot sa tanong nito. "B-Binigyan ko siya ng pagkain kaninang u-umaga.." 'yun ang nasabi ko.

Tumango tango naman si Harold. Binuksan ni Marcus ang gate niya ng walang paalam at pumasok sa loob bago lumapit sakanila ni Harold.

"Harold si M-Marcus.." pakilala niya sa dalawa. "Siya yung bagong lipat sa harap."

Ngumiti si Harold at nag angat ng kamay sa lalaking nasa harap ko. Pero imbes na kunin iyon ni Marcus ay namulsa ito at tinanguan ang lalaki. Umiikot pa ang mata nito at mukhang tinitignan ang paligid.

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon