31

76.2K 1.7K 71
                                    

Warning a censored chapter ahead.

     HABANG PAUWI MULA sa kanyang trabaho ay muling tumawag ang kanyang mga kaibigan para mangamusta at pilitin siyang bumalik na ng Manila. Halos araw araw kung gawin iyon ng dalawa kaya napailing siya.

Bumaba siya ng sasakyan para buksan ang gate at para maipasok narin ang kotse niya sa loob ng garahe. Pero pag baba niya ay nakita niya si Marcus na nag hihintay sa labas ng kanyang gate.

"Marcus?"

Nilingon niya ako at umayos ng tayo mula sa pag kakasandal sa pader. Inayos nito ang salamin na suot bago namulsa at bahagyang ngumiti sakanya.

Kumunot ang noo ko at nilapitan siya. "What are you doing here?"

Tumikhim ito. "Let's have a dinner together."

"Kumain nako." Mabilis na sagot ko at muling nag patuloy sa paglakad para buksan ang gate.

Pagkatapos kong buksan iyon ay hindi na ito sumagot kaya binalingan ko siyang muli. Nakatayo parin ito at mukhang walang balak umalis kahit pa sinabi niyang kumain na siya.

Tinignan niya ang oras sa suot na relos, alas diyes na ng gabi pero hindi parin ito kumakain? Hinihintay ba siya nito?

Napabuntong hininga ako. "Sige na, pumasok kana sa loob. Ipagluluto kita."

Nag angat ng tingin sakanya si Marcus dahil sa sinabi niya at kitang kita ko ang pagliwanag ng mukha nito. Napangiti rin naman ako dahil doon. Sumakay na ulit ako ng sasakyan at pinasok iyon sa loob ng garahe.

"Araw araw ka nalang bang pupunta sa bahay ko?" Sabi ko pagbaba ko ng sasakyan.

Ikatlong araw na mula ng lumipat siya sa bahay sa tapat. Pero sa loob ng mga araw na iyon ay wala itong ginawa kundi ang puntahan siya at makikain nalang palagi.

Sinara kong muli ang gate at sunod namang hinanap ang susi na bag para buksan ang pintuan ng bahay niya.

Pag pasok ko ay nakasunod sa likod ko si Marcus. Dumiretso ito sa sofa at naupo doon na para bang sanay na sanay na itong gawin ang bagay na iyon. Napailing nalang ako at nag hubad ng sapatos at nag palit ng pambahay na tsinelas bago pumunta ng kusina.

Nag hanap ako ng pwedeng lutuin sa loob ng fridge. Nang makakita ako ng manok ay adobo nalang ang naisip kong iluto para mabilis lang. Totoong kumain na siya kanina pero hindi niya alam kung bakit pa siya nag luluto ngayon.

"Bakit pa kase niya ako hinihintay?" Pabulong na sabi ko habang hinugasan ang manok sa lababo.

Nanigas ako sa kinatatayuan ng may malalaking braso ang pumulupot sa bewang ko. Kilala ko agad iyon dahil wala namang ibang tao roon kundi silang dalawa ng lalaki.

"Do you want me to help you?" Tanong nito habang yakap yakap siya sa likod.

Bahagya niya itong siniko. "Umatras ka nga, ako nalang ang magluluto." Pag susungit niya parin rito.

Pero hindi ito nakinig at pinatong pa ang baba sa balikat niya. Bahagyang bumilis ang kabog ng puso niya dahil sa ginawa nito kaya napatikhim siya.

"W-Wala ka bang trabaho?" Tanong ko rito dahil napansin ko na hindi ito umaalis ng bahay mag hapon.

Umiling ito sakanya.

Pinatay ko ang tubig at hinayaang nakababad ang manok bago kumalas sa yakap niya at humarap sakanya. Tinuyo ko ang kamay gamit ang tela na nasa gilid ko.

"Marcus," sabi ko. "Wala ka bang balak bumalik ng Manila? Bakit ba andito ka?"

Nanatili lang itong nakatingin saakin na para bang hindi ko ito kinakausap. Napaungol nalang ako sa inis, wala na talagang mas titino pang kausap bukod sa lalaki.

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon