8

74.3K 1.7K 48
                                    


NAPAKUNOT ANG MAGANDANG mukha ko dahil hindi makapaniwala sa narinig na sinabi ni Pearl na lumabas na raw si Marcus para kumain dahil may kasama ito kanina.

"Paanong lumabas na siya? Eh alam niyang may dala ako laging pagkain para saaming dalawa?" Ako ba pinagloloko ng babaeng ito?

Hinawi ko ang buhok ko sa inis. Sa loob ng dalawang linggo na pabalikbalik ko rito ay naabutan ko lagi ito at sabay kaming kumakain kaya paano mangyayari ang sinasabi saakin ni Pearl?

"Sorry, ma'am Hana. Pero kahit pasukin niyo siya sa loob ay wala talaga si Doc." Hinging pasensya sakanya ng kaharap.

Pero hindi iyon sapat para mabawasan ang inis niya. Bakit hindi sinabi sakanya ng binata na lalabas ito ngayon at may kasamang kakain para hindi na siya nag aksaya ng oras para magising ng maaga para magluto.

Hindi siya marunong mag luto pero last week ay nag simula na siyang mag paturo kina Manang para luto na niya ang dadalhing pagkain sa tuwing pupunta rito.

Ilang araw na siyang late matulog at maagang magising para mag practice at maperfect ang mga pagkain na niluluto niya. Inis na nilapag niya ang paper bag sa table ni Pearl.

"Sino kasama? Lunch meeting?" Tanong ko.

Umiling ito kaya naman mas kumunot ang noo ko. "Sino nga kasama?" Tanong ko ulit.

"S-Si Ma'am Isabelle po," mukhang ramdam na nito ang inis ko.

Well, halatang halata naman iyon.

"Isabelle?" Sino nanaman yon?

"Yung nakaaway niyo po nung nakaraan, yung matangkad na--"

"Na mukhang plastic?" Patuloy ko.

Napakamot ito sa noo dahil sa sinabi ko. Hindi ito makasang ayon pero hindi rin naman makahindi.

Yung dugo ko ata umakyat sa ulo, bakit niya kasama ang barbie na yon? Ano nanamang ginawa nito at napapayag si Marcus na sabayan ito kumain at lumabas?

"Nag lunch ka na?" Tanong ko.

"Ma'am?"

"Kumain ka na? May dala kang pag kain?"

Umiling ito. "Bibili na lang po ako sa canteen, hindi po ako nakapagluto kaninang umaga--"

"Sayo na iyan," nguso ko sa paper bag na dala ko. "Aalis na ako at may sasabunutan pa akong feelingera."

"Salamat, Ma'am Hana." Anito kahit mukhang naguguluhan sa sinabi ko.

Nag paalam na ako at bago umalis ay hiningi ko ang pangalan ng resto. Habang nag mamaneho ay iniisip ko na ang itsura ni Marcus habang kausap ang babaeng iyon. Siguradong hindi ito nagsasalita.

Sakanya nga inabot pa ng ilang linggo bago siya unti unting kinakausap ng lalaki, sa babaeng iyon pa kaya?

Pinark ko ang kotse at bumaba. Hinawi ko ang buhok bago nag simulang lumakad. Humanda talaga saakin ang babaeng iyon. Hindi na nag tanda at nilalapitan pa talaga si Marcus.

"Good afternoon, ma'am." Bati sakanya ng isang waiter. "Sorry po pero fully occupied na po lahat ng chairs namin, hindi na po kami tumatanggap--"

"I am with someone," I cut him off.

Napayuko ito na para bang humihingi ng paumanhin. "With whom po?"

"Marcus Montreal," without hesitation I answered.

Mukhang nabigla ito sa sagot ko pero kalaunan ay inalalayan parin ako papunta sa table nina Marcus. Malayo palang ay tanaw ko na ang buhok ni Barbie na parang salay ng manok na kinulot.

Mukhang pinaghandaan niya to, pulang pula din ang labi niya na para bang hindi na parte ng katawan niya at humihiwalay na dahil sa kulay.

Nang makalapit ay rinig na rinig ko ang tawa ni Barbie na para bang kinikiliti. Pasimple pa nitong hinampas ang kamay ni Marcus na nasa ibabaw ng table.

Napaismid ako. Galawan rin e.

"Mr Montreal?" Agaw atensyon ng waiter sa dalawa.

Hinanda ko ang matamis kong ngiti para sakanila. Bumaling ang dalawa at mas lalong lumapad ang ngiti ko ng unang kumunot ang noo ni Barbie. Surprise.

"Hi," I greeted.

"Anong ginagawa mo rito?" Tumayo si Barbie at sinamaan ako ng tingin.

Nang balingan ko si Marcus ay wala man lang itong reaksyon. As if magtataka pa ako roon. Kinuha ako ng upuan ng isang waiter at pinaupo sa kabilaan nilang dalawa. Actually, table for two lang ito.

Pero nilagyan ng isa pang upuan para makaupo ako. I smile sweetly at the waiter who assisted me and thank him.

"What the hell, wala ka na ba talagang kahihiyan? Kita mong--"

"Isabelle," Marcus stop her.

Nagkibit balikat naman ako at tumawag ng waiter para umorder ng pagkain para saakin.

Muling umupo si Isabelle sa kinauupuan kanina pero masama parin ang tingin saakin. Bumaling naman ako kay Marcus na tahimik na kumakain.

Hindi ba niya ako tatanungin bakit andito ako?

"Back to the topic," tikhim ni Isabelle. She glared at me again before eyeing sweetly at Marcus. "It would be my pleasure kung bibisita ka sa bahay."

Tumaas ang isang kilay ko sa narinig. Wala pang ilang minuto at dinala na ang order ko pero una kong kinuha ang kopita na may lamang wine at sumimsim roon.

"As if naman pupuntahan ka," I whispered starting to scoop a spoonful of soup in my plate.

"What did you say?" Angil ni Isabelle saakin.

I smiled innocently, "Wala."

"Sure, maybe next time." Ani Marcus.

Natigilan ako sa naging sagot ni Marcus at tinigil ang balak na pag higop. Nakita ko rin sa gilid ng aking mata ang malaking ngisi sa labi ni Isabelle.

Really? Sinabi iyon ni Marcus?

Hinamig ko ang sarili bago tumikhim at muling nagpatuloy sa pag higop.

Isabelle smiled sweetly. "Sabihan mo lang ako, mag reready ako para sayo." She said.

Double meaning. Biglang tinayuan ako ng balahibo sa leeg. Bigla ay gusto ko isaksak sa babaeng 'to ang kutsilyo nasa gilid niya. Lord, forgive me.

Mula sa kinakain ay nag taas ako ng tingin kay Marcus.  "Pupunta ka sakanila?" Hindi ko mapigilang maitanong. Huli na ng marealize ko ang tanong na nasabi ko.

Damn it, nanahimik nalang sana ako. 

"Bakit?" Balik tanong ni Isabelle saakin na para bang siya ang tinanong ko. "Wala namang masama, my family knows him, his family knows me too. It is okay." Tumawa pa ito. "Oh, you look not happy about that."

Mapait na ngumiti nalang ako at kinuha ang baso ng tubig para uminom.

"Marcus," Nakakairitang tawag ni Isabelle kay Marcus.

Tumigil sa tahimik na pagkain si Marcus at nilingon ang babae.

"Next time wag mo ng isama ang babaeng ito sa date natin, okay?" She said smiling to him.

Binaba ko ang baso ko at hinintay na sumagot si Marcus para ipagtanggol ako.

"Okay,"

Tuluyan ng bumagsak ang balikat ko roon. Bakit naman niya ako ipag tatanggol? Wala naman akong ginawa kung hindi ang guluhin siya ah. Oo nga at dinadalhan ko siya ng pagkain tuwing lunch pero hindi naman niya ako pinipilit.

Bakit ba ako umaasa na ipagtatanggol niya ako?

"Excuse me," tumayo na ako sa kinauupuan at hindi na inabala pa ang sariling lingunin ang reaksyon ng dalawa.

Walang lingon likod na tinahak ko ang daan palabas ng restaurant na iyon. Walking out seems so childish but as of now, I don't really care.

Maling mali ang desisyon niya na pumunta dito.

This is indeed the worst day. Can I just cry?

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon