28

69.4K 1.5K 126
                                    

I suggest you play the music on the media.

"Umuwi kana muna, Hana." Sabi sakanya ni Rashid ng sa ikatlong pagkakataon ay datnan nanaman siya nito na nag babantay kay Micaela.

"Okay lang," ngiti ko. "Uuwi narin naman niyan ako mayamaya."

Nilapag ni Rashid ang isang baso ng kape sa harap niya bago nilapitan ang natutulog na si Micaela. Katatapos lang ng chemo session nito at nakatulog ito sa sobrang panghihina at hilo.

"Mas bumubuti na ba ang lagay niya?" Tanong niya kahit alam niya ang sagot roon.

Hindi siya mag sasawang itanong iyon at umasa na isang araw ay magbabago din ang sagot nito sakanya. Dapat ay magkaroon ng kahit kaunting pagbabago sa kanyang kundisyon para makayanan nito ang surgery.

"Still getting worse." Nag lakad si Rashid papalapit sakanya at umupo sa katabi niyang upuan.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti. "Magiging maayos din si Micaela, don't worry. Naniniwala ako na babalik siya sa dati niyang lakas."

Nilingon siya ni Rashid at tinitigan bago ngumiti rin sakanya. "Salamat, Hana.."

"Salamat saan?" Sabi ko bago kinuha ang kape na bigay nito at humigop roon.

"Sa pag papalakas ng loob ni Micaela," he said.

Nilingon ko ang natutulog na babae sa kama. Kahit hindi kami nagkaroon ng pagkakataon para mas magkalapit ng dalaga ay tinuturing niya parin itong isang kaibigan.

Siguro ay dahil nakikita niya ang sarili niya dito, nag hahabol sa taong walang kasiguraduhan. Kahit papaano ay naiintindihan niya ang nararamdaman nito.

"Wala ba siyang balak sabihin ang kondisyon niya sa pamilya niya?" Maya maya ay tanong ko.

Nasa abroad ang mga pamilya ni Micaela at wala pa itong mga alam tungkol sa kalagayan ng dalaga. Mukhang wala talaga siyang balak ipaalam bukod sakanila ni Rashid ang tungkol sa kalagayan nito.

"Hindi ko alam," sabi ni Rahid. "Ayaw ni Micaela ang nagmumukhang mahina sa harap ng mga tao. Kay Marcus lang 'yan nagiging mahina."

Malungkot na ngumiti ako dahil doon. Pinagpatuloy ko ang pag inom ng kape hanggang sa mag paalam na si Rashid dahil mag rorounds pa daw ito. Kagaya ng dati ay kinakausap niya si Micaela kahit natutulog ito para hindi siya mabagot roon.

"Pwede siguro tayong mag beach nina Miracle pag magaling kana," sabi ko habang nakatingin sa pahina ng magazine na may larawan ng babae sa isang sikat na beach.

"Mag kakasundo kayo 'nun," sabi ko at tumawa. "Kahit madaldal 'yon. May sense din naman kausap minsan."

Binalingan niya si Micaela na payapa parin ang tulog. "Mag pagaling kana, Micaela. Para hindi nako maguilty.." mahina kong sabi.

Tuwing naiisip kasi niya na masaya siya sa piling ni Marcus ay naalala niya si Micaela. Napabuntong hininga siya.

Tumayo na siya sa kinuupuan at nagpaalam sa natutulog na dalaga para umuwi na. Anong oras na at may pasok pa siya kinabukasan sa opisina.

Kinabukasan ay ganoon parin ang naging routine niya sa maghapon. Tinapos niya kaagad ang mga gawain para maagang makaalis at puntahan si Micaela.

Papunta na siya sa sasakyan niya ng may bulto ng katawan ang humarang sa harapan niya.

"M-Marcus.."

Ang amoy ng alak ang una kong naamoy. Pag angat ko sa mukha nito ay magulo ang buhok at bukas ang unang tatlong butones ng suot nitong polo. May suot padin itong salamin at mapupungay ang mga mata.

"Hana.."

"Nakainom ka ba?" Kaagad na tanong ko.

Umiling ito at hinawi ang buhok. "Can I talk to you n-now?"

Lumunok ako at umiling. "May pupuntahan pa ako, sa susunod nalang-"

Natigil ako sa pag sasalita ng bigla nitong hubarin ang suot na salamin at itapon iyon sa sahig.

"M-Marcus.."

"Hana," he called my name almost like begging. "What's this? Tell me.." he whispered. "Damn it, I can't even do work properly.. aren't you going to tell me what's going on?" Nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang braso.

"M-Marcus bitiwan moko.." nanghihinang sabi ko.

"Tell me, please... I'm begging you.."

Nag iwas ako ng tingin sa mga nag susumamo niyang mga mata. Kahit kailan ay hindi pa niya nakita sa ganoong sitwasyon ang binata at para iyong kutsilyo na humihiwa sakanyang pagkatao.

"Tell me... you don't like me anymore," pahina ng pahina ang boses ng lalaki. "Don't you?"

Kinagat ko ang labi para pigilan ang luha na gustong pumatak mula sa mga mata ko. Pinipigilan kong bumigay at umiyak sa harap nito. Hindi ko pwedeng gawin ang bagay na iyon.

"It's killing me, Hana.." he sounds so frustrated. "I never felt this way b-before," dinala nito ang kanyang kamay sa sariling dibdib at kinabog iyon ng ilang beses. "You hear me? I never felt this way before.."

"M-Marcus.."

"Bullshit, stop calling my name." He said angrily. "Tell it to my face straight. Don't you like me anymore? Did you.. did you found someone else?"

Punong puno ng paghihirap ang boses nito. Alam niyang darating sila sa puntong 'to pero hindi niya alam na ganoon pala kasakit iyon.

Pinatatag ko ang sarili at pinilit ang sariling sumagot. "Hindi pa ba malinaw sayo?"

Nakatiim ang bagang na nakatitig sakanya si Marcus habang nag hihintay sa susunod na sasabihin niya.

Tumikhim ako para palisin ang bikig sa lalamunan ko at nag patuloy, "G-Ginamit lang kita para mapalapit kay Marco.." there I said it.

"No, stop." Umiiling ito at ayaw maniwala sa sinasabi niya. "Stop.."

May tumulong luha sa mata ko pero kaagad ko iyong pinalis para hindi niya makita. "Ngayon nakabalik na ako sa pag momodelo.. wala n-nakong kailangan sayo.."

Bumagsak ang kamay nito na nasa braso ko kasabay ng pagtalikod nito saakin. Muntik pakong mapasigaw ng paluin nito ang sasakyan at mag mura ng malakas na para bang kaya niyong alisin ang sakit na nararamdaman nito.

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pag hikbi. Mabuti nalang at nakatalikod ito kaya hindi niya kita ang mga luha niyang nag uunahan sa pagpatak. Ayos lang 'to, Hana. Tama lang 'tong ginagawa mo.

Nag simula na ito sa paglalakad at pasuray suray pa ang lakad nito na sapat ng ebidensya na nakainom nga ito. Nakayuko ang lalaki at hindi nakatingin sa dinadaanan. Gusto ko itong tawagin pero walang salita ang lumabas sa mga labi niya.

Tuluyan na siyang humikbi, hanggang sa ang hikbi ay maging iyak. Gusto niyang umiyak ng umiyak hanggang sa maubos ang luha pero hindi iyon nangyari.

Hanggang makauwi sakanila ay hindi natigil ang iyak niya. Nakita siya ng kanyang ina pag pasok niya kaya agad siya nitong nilapitan.

"Hana, what happened?" Mabilis na tanong nito ng makalapit. "Why are you crying?"

Mas lalong tumulo ang mga luha sa mata ko at niyakap ang ina. Sobrang sakit pala. Para siyang pinapatay sa sakit na nararamdaman.

"Mamà," tawag niya sa ina habang umiiyak.

"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ng ina.

"Ayoko na rito," umiiyak na sabi ko. "Dalhin niyo na ulit ako sa Pampanga.."

"Shh, tahan na," alam niyang naguguluhan ang ina pero hindi na ito nagtanong. "Andito lang si Mamà para sayo. Tumahan kana."

Tumango ako at umiyak lang ng umiyak sa bisig nito.

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon