23

70.2K 1.7K 32
                                    


       MABILIS NIYANG INIWASAN ang tubig na dapat tatama sa mukha niya at tumawa. Siya naman ang nagsaboy ng tubig na mabilis niyang ginawa para hindi makailag ang mga ito.

Napatili si Missy marahil ay natamaan ito ng tubig habang tumatawa naman si Kalem.

Medyo mainit na ang sikat ng araw at kasalukuyan silang nakababad sa tubig kasama niya si Marcus, Kalem at Missy para mag swimming. Nasa cottage ang iba at nagkukwentuhan.

Muli sana siyang sasabuyan ng tubig ng dalawa ng pumulupot ang kamay ni Marcus sa bewang niya at iniwas siya nito sa tubig. Natawa naman siya ng malakas dahil doon.

"Ayoko na," awat ni Missy. "Madaya si Marcus. Ayaw niyang nababasa si Hana, basaan nga 'tong laro natin e." Naka nguso na sabi nito.

"Ang sabihin mo naiinggit kalang sakanila.." palatak ni Kalem na nakapagpatawa sakanya.

"Hindi ako naiinggit no," tanggi nito at sinamaan ng tingin si Kalem.

Nagbangayan ang mga ito at hindi na natigil hanggang sa pag ahon nila sa tubig. Naiiling nalang siya habang nakikinig sa dalawa.

"Are you hungry?" Tanong sakanya ni Marcus.

Naglalakad na sila pabalik sa cottage. Hindi nakaligtas sakanya ang kamay nito na umakyat sa bewang niya. Kinikilig siya pero hindi lang niya pinapahalata.

Tumango ako at matamis na ngumiti. "How about you?"

"Kinda," nilingon siya nito at muling binalik ang tingin sa nilalakaran nila.

Hindi mapalis ang ngiti niya sa labi habang kumakain silang lahat sa isang boodle fight na hinanda ng iilan sa mga kaklase ni Marcus kanina.

Nakakamay silang lahat pati narin ang lalaking katabi niya. Pero gusto niyang matawa dahil mukhang nahihirapan talaga ito, sanay kasi sa mga kubyertos.

Kinuha niya ang hinimay niyang isda at tinutok sa bibig nito. Natigil ito sa pagbabalat ng hipon at nilingon ang kamay niya papunta sa mukha niya.

"Ahhh," turo pa niya rito.

Hindi na ito tumutol at sinubo ang piraso ng isda na nasa kamay niya. Nginitian niya ito ng matamis bago pinagpatuloy ang pagkain. Pinag himay pa niya ito hanggang sa matapos silang kumain.

"Sayang at wala na sina Rashid," sabi ni Kalem matapos kumain. "Marami pa sana tayong pwedeng gawin rito. Lalo na kung kumpleto tayo."

Natigil siya sa pag inom sa buko juice niya at nilingon ang paligid. Wala nga pala si Rashid doon, pero pati si Micaela ay wala din.

"Wala na sina?" Hindi ko mapigilang itanong.

Nilingon siya ni Kalem. "Bumalik na ng Manila si Rashid kasama si Micaela, may emergency daw. Hindi naman sinabi kung ano."

Napatango siya sa sagot nito. Kaya pala wala ang mga ito mula kanina. Hindi niya alam na umuwi na pala sila.

"You want to do something today?"

Nilingon niya si Marcus sa tabi niya. Basa parin ang buhok nito ng tubig at wala paring suot na pantaas. Kanina pa niya iniiwasan na mapatingin sa katawan nito pero hindi talaga maiwasan.

Pinilit niyang itutok ang mata sa mga mata nito. Tumikhim ako, "I want to go surfing.."

Tinaguan siya ni Marcus. "Surfing then."

Iyon nga ang ginawa nila ni Marcus nung araw na iyon, nag surf sila at hindi niya inasahan na marunong pala ang binata. He's quite good, actually.

"Steady your legs," tinapik nito ang mga binti niya.

Tinuturuan siya nito dahil gusto niya rin iyong subukan. Pero taliwas sa inaasahan niya ay mahirap pala iyon, akala niya ay tatayo ka lang at pwede ka ng mag surf.

"I can do it now." Sabi ko ng ayaw paring pakawalan ni Marcus ang surf board.

Seryoso ang tingin sakanya ng lalaki. "Remember those things I told you, Hana."

"Yes, sir!" Pabiro niyang sabi.

Nang sa wakas ay pakawalan nito ang surf board niya ay sinagwan niya kaagad ang mga braso sa tubig para umabante. Nang makita niya ang maliit na alon ay nag ready na siya sa pagtayo.

Nagtagumpay siya sa pagtayo pero nawalan agad siya ng balanse at bumagsak sa tubig. Wala pang ilang segundo ay may braso na agad ang nakapulupot sa kanyang bewang at inaahon siya sa tubig.

"I told you to steady your legs." Sabi kaagad ni Marcus sakanya pag ahon.

Natawa siya at pinulupot ang kamay sa leeg nito para hindi lumubog sa tubig. Sobrang seryoso ng mukha nito kaya dumukwang siya para halikan ito sa labi.

"Ang sungit kase ng nagtuturo.." nakanguso kong sabi.

Tumaas ang kilay nito sakanya kaya mas natawa siya. Hindi ko alam na may ganito palang tinatagong ekspresyon ang mukha ng lalaki, akala niya ay puro seryoso lang ang kaya nito.

"What's funny?"

Umiling ako bago muling hinalikan ito sa labi. "Isa pa?"

"Nope. You're not listening—"

"Nakikinig ako!" Mabilis na putol ko rito.

Mula sa bewang niya ay tumaas ang isang kamay nito sa kanyang mukha at inalis ang mga dumikit na basang buhok malapit sa kanyang mata.

Tumikhim siya para pakalmahin ang tibok ng kanyang puso. Lumalala na talaga ang nararamdaman niya at parang iba na ang kahulugan ng lahat para sakanya.

"You look beautiful.." mahina nitong sabi pero dinig na dinig niya.

Domoble ang lakas ng tibok ng kanyang puso na para bang iyon nalang ang tangi niyang naririnig.

"M-Marcus.."

Tinititigan siya ni Marcus at pakiramdam niya ay malulusaw na siya. Ngumiti pa ito sakanya.

"Do you want to build another sandcastle?"

Kinagat ko ang labi at tumango bilang pag sagot.

Nginitian ulit siya ni Marcus bago sila umahon. Pag ahon nila ay agad siyang inakbayan ni Marcus na kanyang ikinatigil. Nilingon niya ito at nakatingin din ito sakanya.

"Why?" Takang tanong ni Marcus.

Mabilis na umiling ako at nagpatuloy sa balak na paglalakad. Umupo sila sa buhanginan at nagsimula ng gumawa ng sand castle gaya ng ginawa nila noon.

Napangiti siya dahil sobrang seryoso ng mukha ng lalaki habang ginagawa nito ang pinapagawa niya ritong parte ng castle. Napansin ata ito na tinitignan niya ito kaya nagtaas ito ng tingin sakanya.

"Pakiss.." nguso niya rito.

Napangiti ang lalaki at napailing sakanya. Pero lumapit din ito at binigyan siya ng isang halik sa labi.

"Come on, finish this." Sabi nito at muling tinuloy ang ginagawa.

Malapad ang ngiting tinuloy niya ang pag gawa ng sand castle.

Sapalagay niya ay kahit papaano maganda ang naidulot ng bakasyon nilang ito.

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon