10

76.3K 1.6K 19
                                    


      HANA NEVER FELT so happy in her entire life, except when she modeled before in her first commercial. Bukod don ay wala na siyang maalala na papantay sa saya niya ngayon.

"Hi, Pearl!" Mukhang nabigla ito ng nakita ako.

Siguro ay akala nito hindi na niya babalikan ang kanyang boss, well sorry, not happening.

"G-Good afternoon, Ma'am Hana." She smiled.

"Si Marcus?"

"Sa loob po, kayo po siguro yung sinasabi niya na pupunta." She whispered almost not audible.

"He expects me?" Pinipigil niya ang pagsilay ng ngisi sa labi. "I'm going in," paalam niya at umalis na sa harapan nito para pumasok.

Pag bukas niya ng pinto ay pamilyar na amoy kaagad ang kanyang naamoy. Hmm, I missed his scent. Nilibot niya ang mata at tumigil iyon kay Marcus na busy sa laptop niya.

He's not wearing his white lab gown, only a white button-down long sleeves that is rolled up to his elbows. Slightly disheveled hair, and also he's wearing a pair of specs like he used to. Swear to God, he's so damn sexy because of those.

Tumikhim siya.

Nag angat ito ng tingin.

I smiled sweetly. No expression from him would be the death of me. I can't even read what he thinks. Ugh.

"Lunch?" Sabay taas ko ng paper bag sa kanang kamay.

He slowly removed his specs and that almost made me gulp. Binaba niya iyon at itinabi sa gilid ng kanyang table. Sinara na rin ang laptop at binalingan ulit ako ng tingin.

Sa sobrang kakatitig ko ay hindi ko namalayan na hinihintay na pala niya akong lumapit at maghanda ng pagkain naming dalawa.

"Are you with yourself?"

Napatikhim ako at dali dali siyang nilapitan. Hindi ko alam bat ako nag kakaganito, sumobra ata ako sa kakaisip sakanya kaya hindi na siya mawala sa utak ko. Patagong kinastigo ko ang sarili.

"S-Sorry, I'm not just feeling well." I almost stuttered, ganto ba ang pakiramdam kapag tatlong araw kami hindi nag kita?

Mula sa kinauupuan ay tumayo ito, naglakad papalapit saakin. Towering over me, kumabog ng husto ang puso ko. He lift his right hand and place it on my forehead.

Pakiramdam ko nag iinit ang pisngi ko dahil doon.

"You seem fine, are you feeling tired?" He asked.

Umiling ako ng sunod sunod.

Kumunot ang noo nito at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ahhh bakit ba kailangan niyang maging sobrang gwapo?

Natigilan ako ng kunin niya ang stethoscope na nasa table lang din niya. Napaatras ako. "What are you doing?"

"I am checking you up, you said you're not feeling well." He said like it's a matter of fact.

Tumikhim ako ulit at umiling. "No need, I-I am fine. No need to use that thing." Kinakabahan kong sagot.

Bakit ba ako kinakabahan?

"Are you afraid of this?" Kunot noo parin nitong tanong.

Umiling ako.

Hindi na ito nag pumilit at napailing nalang saakin. Binalik nito ang stethoscope sa dating pwesto at bumalik sa kinauupuan kanina.

Ako naman ay dali daling inayos ang pagkain sa harapan namin. Muntik ko pang matapon ang sabaw ng Sinigang sa sobrang madali.

"Are you really okay?"

Ngumiti ako at tumango bago umupo sa kaharap niyang upuan at pinag sandok din siya ng kanin siya plato. Namiss ko ang ganto, ang pagsilbihan siya bago kumain.

Tahimik lang kami kumain. Pinapakiramdaman ko siya, pero mukhang wala talaga itong balak mag salita at patuloy lang sa pag kain. Malakas kumain si Marcus and I don't know why but I find men with big appetite attractive. Really attractive.

"Why?"

Napakurap ako ng hindi ko namalayan na nakatitig pala ako sakanya. "N-Nothing," nag iwas ako ng tingin at bumaling sa pagkain ko. "M-Masarap ba?"

Tumango ito.

Silence.

"Are you free this coming Sunday?"

Napatigil ako sa pag nguya at nalunok kaagad iyon. "W-What did you say?"

Hindi naman ito nakatingin saakin pero nagpatuloy sa pag sasalita. "I am asking you if you are free this coming Sunday, if not it is okay—"

"I am!" Nabigla ako sa bilis ng sagot ko.

Namula ang pisngi ko dahil nilingon niyako. "I mean, I-I am free. Why?"

"Akashi told me to invite you to his birthday party, want to come with me?"

Akashi? His friend? Oh my God. Is this serious? Is he asking me to go with him? Deep inside me, I am screaming. Aaaahhhhhh, this is it!

"Sure!" Napalakas na sabi ko, "I mean s-sure, why not? Does he know me?"

Tumango lang si Marcus.

Masayang tinapos ko ang pagkain saaking plato. I feel so light and happy dahil sa pag aya saakin ni Marcus. Who wouldn't? It is like a one step closer to my dream.

"It is a pool theme party, no need to wear fancy dress. Party will start at 5pm. Give me your address, I'll just fetch you—"

"No need," kaagad na putol ko. Kapag nakita siya ni Papà na sinundo ako, paniguradong malalaman na niya lahat ng plano ko. "Lets just meet up nearby the venue—"

"Not happening. I'll fetch you." He cut me off.

Mabilis na gumana ang utak ko. Instead of giving my real address, I choose to give him my condo unit address. Baka doon nalang din ako mag ayos para hindi na rin hassle.

Nag paalam nako sakanya ng bumalik na ito sa trabaho, he's really hardworking. I've never seen him on a vacation. Maybe, I can do that for him. I'll be planning a vacation one of these days.

Pakanta kanta akong lumabas ng office ni Marcus. Agad namang napalingon saakin si Pearl. Mukhang napansin na sobrang saya ko, parang kailan lang ay nawala ako dito ng ilang araw ngayon heto nanaman ako.

Kumaway pako kay Pearl bago umalis. Nalilitong kumaway din ito pabalik. I chuckled.

Maybe it's time to do my plan.

Make him fall in love with me, deeply.






—-
Anselle: Heyyyy! I'm back. Will be updating the next chapter in few hours. Keep safe everyone!

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon