Chapter 1

12.9K 177 3
                                    

DAYNE POV



            

             Magka halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas nakarating na rin ako ng Maynila. Andito na ako sa terminal ng bus at matyagang naghihihintay sa sundo ko ang kuya ko mismo.. Sya ay si Rajan del Mundo isa sya sa pinaka sikat ngayon na actor ng bansa.. Mana lang naman sya sa Papa namin na dati ring sikat na artista nung kapanahunan daw nya. Kaya lang pumanaw na ito noong sampong taong gulang pa lamang ako dahil sa cardiac arrest. At yun lang ang una at huli ko syang nasilayan. Tama.. dahil ang totoo ay anak nya ako sa naging P.A nya noon at ang nanay ko yun. At itinago ako sa publiko dahil sobrang sikat noon ang Papa ko ayaw daw nyang masira ang image nito sa mga mata tao.








            Hanggang ngayon naman nakatago parin ako sa publiko na anak ako ng dating actor na si Robin del Mundo dahil ang gamit ko namang apelyedo ay sa nanay ko. At itong si kuya Rajan ko na kapatid ko sa ama gusto daw nito akong tulungan na makapa aral ng kolehiyo. Kaka graduate ko lang kasi ng señor high school at kakatapos lang din ng 18th birthday ko. At titira ako sa bahay nya. Super excited na akong makapag aral sa isa sa mga sikat na eskwelahan dito sa Maynila..








             Para lang akong tangang naka ngiting mag isa habang naka upo dito sa mahabang bench dito sa terminal. Maiinggit si bading sa akin kapag malaman nitong andito na ako sa Maynila at dito ako mag aaral. Hindi na kasi ako nakapag paalam sa kanya dahil nawala na sa isip ko dahil sobrang excited ako.
Sinipat ko ang orasan ng aking cellphone. Mag isang oras na ako dito wala pa rin si kuya. Kumakalam na din ang sikmura ko, halos walong oras kaya ang beyahe ko mag mula Abra hanggang dito. Kumain naman ako sa stop over kaninang lunch pero hapon na kasi. Tawagan ko na kaya sya.. Habang kinakalikot ko ang phone ko ay bigla naman tumunog ito at bigla akong nataranta ng si kuya Rajan ang tumatawag.







                 "He-hello kuya andito na ako sa may cubao." Wika ko. CUBAO ba? Oo tama..








         "May taping pa ako eh.. mga dalawang oras pa kami dito, hindi ako makapag paalam kay direk. Mainit ang ulo!'' Turan nito.. Ano? Ibig sabihin dalawang oras pa akong tutunganga dito. " Kung gusto mo  sumakay ka nalang ng taxi at sabihin mong China Town. Alam na ng cab yan.." Hindi naman ako kaagad naka kibo sa sinabi nito. First time ko lang kasing pumunta dito medyo natatakot ako. "Dayne!" Untag nya. "Sige na at may gagawin na ako hintayin na lang kita dito. Itext ko nalang yung exact address bye." At nawala na ito sa linya. Diyos ko Lord. Turan ko nalang sa sarili ko.
Maya maya pa ay tumunog ulit ang phone ko yung address na sinasabi ng kuya ko. 










             Napa hugot nalang ako nang malalim na pag hinga bago nagpasyang tumayo.  Hila ang maleta ko at naglakad na ako palabas ng terminal at nag hanap ng masasakyan kong taxi.. Hindi naman ako nabigo dahil isang sasakyan ang huminto mismo sa tapat ko. Tinulungan pa ako ni mamang driver na nilagay ang gamit ko sa may compartment ng sasakyan. Pinag buksan pa ako ng pintuan sa may likuran..







           "Thank you.." Wika ko naman. Dahil napaka bait naman niya. may itsura naman ito at mukhang mas matanda lang sya ng ilang taon sa akin.
"Kuya sa may tondo po.." Turan ko at sinabi ko din ang exact address na sinabi ng kuya ko.








           ''Dayo ka dito no miss?'' Biglang taong nito na agad naman akong tumugon ng oo..
"Pareho lang pala tayo pero nasa apat na taon na din ako dito. Andito ka ba para mag trabaho?"









               "Ah..." Sasabihin ko ba na mag aaral ako dito? Pinilig ko bigla ang ulo ko. ''Oo dun ko kasi kikitain ang magiging amo ko.." Mas pinili ko nalang hindi sabihin ang totoo, dahil bago pa ako tumungo dito nag usap na kami ng masinsinan ng kuya ko na huwag na huwag kong sasabihin ang tungkol sa pagiging magkapatid namin.







          "Ako nga pala si Paul, taga Batangas ako. Pwedeng pwede mo akong maging kaibigan at pagkatiwalaan.." Mukhang sincere naman ang sinasabi nito. 
Wala naman sigurong masama.







             "Ako si Dayne.. tubong Abra ako. At first time ko lang pumunta dito sa Maynila." Tugon ko naman. Kinuha nito ang phone number ko incase daw na kailangan ko ng tulong na pumunta sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Willing daw nya akong samahan. Wow ang bait naman nya.






           

              Nag kwentuhan din kami ng mga buhay buhay. 24 years old pala sya at single pa.. nakapag aral naman daw sya ng automotive sa tesda. Kaya ito ang trabaho nya ngayon. Stay in daw sya sa kanyang amo na nag mamay ari ng ilang taxi dito sa Maynila. Hanggang sa hindi ko namalayang huminto na pala ang  sinasakyan kong taxi.







         "Dayne andito na tayo sa sinabi mong address... Ang daming tao dito ah. Parang may sine yata!" Turan nito bago ito umibis ng sasakyan at agad na din akong bumaba ng kitang kita ko nga ang kumpulan ng mga tao. Anong meron bakit ang dami ngang tao dito? Kunot noo ko..






            "Dayne halika na. Ihatid kita mismo sa pupuntahan mo ang daming tao baka maligaw ka pa dito." Wika ni Paul at hila hila na nito ang maleta. Hala nakakahiya naman kaya lang tama naman kasi sya ang dami kasing tao. Teka pala naka limutan ko palang magbayad.







           ''Paul magkano pala yung babayaran ko sayo?" Tanong ko. Narinig ko naman itong napa tawa nang mahina.







         "Ayos na yun! Nakuha ko na yung phone number mo kaya bayad kana dun. May sukli ka pa nga eh itong pag hatid ko sayo." Tugon nito. Ako naman tuloy ang napa tawa. Kanina lang kami nagkakilala pero komportable na ako sa kanya.









         "Baka naman malugi ka nyan-"






         "Uy si idol..." Biglang turan ni Paul.. napa baling tuloy ako ng tingin sa tinutukoy nito. Sya na ba ang kuya ko? Napaka guwapo nya. Wika ko sa sarili ko habang titig na titig kay Rajan del Mundo na abala sa pag deliver ng lines nya.  Halatang bihasa na ito sa acting skills. Sabagay sabi ni nanay bata palang sya noong nag umpisa itong mag artista. Huling kita ko palang sa kanya noong burol ni Papa at nasa 15years old palang sya that time. At alam nitong magkapatid kami at lingid yun sa kaalaman ng lahat. Akala isa lang si nanay sa mga die hard fans ni Robin del Mundo.







              Napa baling naman nang tingin sa amin ang kuya ko pagka tapos ng take. Pero pormal lang itong tumingin sa amin.
"Ah- Paul okay na ako dito.." Turan ko naman dito sa kasama ko. Gusto pa naman sana daw nyang manood ng taping kaya lang kailangan pa nyang mamasada. Mag tetext or tatawagan nalang daw nya ako kung sakali. Nag oo nalang ako.









                Nang naka alis na si Paul tsaka lang ako nilapitan ng kuya ko. Halatang ilag ito sa mga tao.
"Sino yun?" Yun pa ang unang bungad nito sa akin ng tuluyang nakalapit.. Sabay hatak sa maleta ko.





                 "Ah siya yung nasakyan kong driver ng cab kuya.'' Paliwanag ko naman.






      "Okay. Let's go sa tent ko. And Dayne huwag mong kakalimutan yung bilin ko sayo walang pwedeng makaalam na magkapatid tayo." Bulong nito. Alam ko naman yun kaya lang kahit na ganun masakit parin ito para sa akin.





              End of chapter one..

Gabbi Garcia on media..as  Cherry Dayne Yambao

"ONE NIGHT" (gxg)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora