Chapter 27

2.9K 110 28
                                    

DAYNE POV

                Taas baba ang aking dibdib habang nakatayo at titig na titig ako sa aking repleksyon sa salamin sa loob nang comfort room.. Hindi ko kasi inaasahang makikita ko si Kelly dito sa studio ngayon araw.. Akala ko ba naka leave sya ng isang buwan! O baka naman sabi sabi lang para maka iwas lang sya sa issue na kinasasangkutan namin.. para maka iwas lang sya sa akin..
Weekend ngayon kaya ako ang kasama ni kuya  Rajan para sa shooting nang isa niyang TV commercial.






              Pilit kong pinapakalma ang puso ko dahil walang tigil ito sa pag kabog kanina pa, hindi lang yun bigla din akong nahihirapang huminga na isiping sobrang lapit lang namin sa isa't isa. I hate you!!"  Gigil kong turan sa aking isip, habang matalim akong nakipagtitigan sa mga mata ko. Hindi ko lang maiwasang magka ganito dahil alam ko din namang nakita nya ako pero magaling lang talaga syang umarte na parang invisible lang ako sa paningin nya.
Talaga lang ha! Kelly Robles--







            Biglang bumukas ang pintuan nang comfort room at dalawang babaeng nagtatawanan ang pumasok sa loob. Hindi ko na naman maiwasang mapa singhap nang makita nang peripheral vision ko na isa doon ay si Kelly at isang actress din yung kasama nya kaya lang hindi ganun ka popular.







                "Buti hindi nagalit si Manay.."   Dinig kong wika nung  kasama nyang babae na dumiretso naman sa isang bakanteng cubicle. Lalo tuloy kumabog ang dibdib ko nang kami lang ni Kelly ang naiwan at tumabi pa  talaga sya sa akin at humarap din sa salamin. Nananadya lang--







                   "May usapan na kami nang manager ko na tapusin ko lang yung huling commercial kong gagawin tsaka ako mag leave nang isang buwan. Para makapag relax, dahil sobrang stressed na ako sa totoo lang, lalo na sa mga taong walang tiwala sayo- yung tipo ba na naging totoo ka naman sa lahat nang pinakita at pinaramdam mo. Yun pala balewala lang pala sa kanya at ang masaklap pinaglaruan kalang pala!" Turan nito habang kausap ang sarili sa salamin. Narinig ko pa ang pag mura nito nang  mahina.







             Nagpaparinig ba sya-- para kanino at para saan? Napapa latak naman ako at alam kong kita nya iyon.  Ang galing nga nyang sumagot sa kanyang interview at kung tutuusin ako itong pinaglaruan nya. Napa singhap tuloy ako sa inis, gustong gusto ko syang sumbatan sa totoo lang- buti at kaya ko pang mag timpi..







          Bigla namang nagring ang aking cellphone na nasa loob nang aking bag  at agad ko itong hinagilap  na kahit nanginginig yung kamay ko sa galit pinilit kong pinapa kalma.







             Kita kong si kuya Rajan ang tumatawag. Malamang hinahanap na nito ako dahil ang paalam ko magbabanyo lang saglit. Kaya mabilis ko nang sinagot ang tawag habang naka isip ako nang magandang idea.
''Hello Paul!" Nilambingan ko pa ang himig ko. Dinig ko naman ang pag uulit nang kuya ko ang binanggit kong pangalan.. Iniinis ako nang Kelly na yan pwes marunong naman akong gumanti. Nangingiti ako sa loob loob ko.






                 "Yes babe.. I miss you too. Oo babe patapos na kami dito. Kita tayo mamaya, nagpaalam na ako kay boss. Yes babe, dinner ba! Yeah sure basta para sayo babe. Wala akong curfew noh kahit madamagan pa tayo." Napa hagikgik ko pang turan. "Iloveyou!"







              "Hoy Dayne.. ano bang pinagsasabi mo.. si kuya Rajan mo ito. Hello.. let's go uuwi na tayo. Anong magdamagan?"  Takang turan naman nang kuya ko pagka tapos ay  nagmamadali na tuloy akong humakbang palabas nang comfort room baka masermunan pa ako nang kuya ko sa mga pinagsasabi ko. Sabay silid nang phone sa aking bag.Kaya lang bago pa ako tuluyang maka labas ay biglang may malakas na kamay na humawak at humablot sa braso ko..







               "Kelly..." Tawag naman sa kanya nang kanyang kasama. Kaya lang mukhang wala itong balak na ako'y bitawan.







             "Mauna kana sa labas Aliyah, tuturuan ko lang nag leksyon itong babaeng ito." Seryoso naman nitong turan doon sa kasama.Na akala naman nya matitinag ako, lalo na nang napa ngiwi ang pinangalanan nyang Aliyah at nagmamadali nang lumabas nang confort room. Parang takot na takot din sa kayang gawin ni Kelly.







            "Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako.." Reklamo ko dahil yun naman talaga ang totoo. Masyadong mahigpit yung  pagkaka hawak niya sa kaliwang braso ko.. Pabalya naman ako nitong binitawan. Sana nga may pumasok dito sa loob para--
Nagulat ako nang muli nito akong hablutin pagka tapos ay walang sabi sabing hinila ako hanggang sa loob nang isang bakanteng cubicle. Sabagay bakante naman lahat. Ano bang binabalak--







             "So, si Paul pala ha!" Singhal nito na kina awang ang labi ko. Mabilis nitong sinara ang pinto sabay tulak sa akin,dahilan para mapa sandal ang likod ko sa may dingding.. Ouch!  Daing ko pa sa isip ko. Taas baba ang dibdib nito habang pulang pula naman ang magka bila nyang pisngi sa galit.  Sino ba kasi nauna sa parinig parinig na yan? Diba sya naman, tapos sya naman pala itong pikon at---







            Napa singhap ako nag bigla nalang akong hawakan nang mahigpit sa balakang. Habang ang isa naman nyang palad ay humaplos sa aking pisngi na kaagad ko namang kina iwas..







           "Huwag mo akong gagalitin Dayne. Iba ako magalit!" Wika nito sa pisngi ko dahil pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kanya. Magalit? Sya pa talaga ang may ganang magalit.. Naamoy ko naman ang mabango nyang hininga na lalong kina singhap ko.






          "Pakawalan mo ako..." Pagalit ko namang turan at pilit at nagmamatigas. "Hindi mo naman ako kilala diba! Kagaya nang sinabi mo sa interview-- uhmp-" Bigla nalang akong sinunggaban sabay siniil nang halik sa aking labi. Marahas ang paraan nang pag halik nito at sa totoo lang nasasaktan ako. Kaya marahas ko naman syang tinulak.  Andun yung kabog nang dibdib ko, kaya lang galit ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.







           "Talagang tumatanggi kana ngayon.. dahil ba may Paul kana..'' Kita ko ang galit sa kanyang mga mata, ganyan nga Kelly magalit ka pa.. Akmang susunggaban na naman nito ako nang halik kaya lang maagap akong nag iwas.  "FUCK!!" Mura naman nito.. "Bakit Dayne.." Napa singhap ako nang dalawang kamay na nito ang humawak bigla nang mahigpit sa balakang ko.. "Mas magaling ba sya sa akin?"  Ano??
Sa sinabi nyang yun ay bigla nalang nag panting ang tainga ko. Marahas ko uli itong naitulak pagka tapos ay dumapo nang malakas ang kanang palad ko sa kaliwang pisngi nito.





              Sa sobrang lakas ay napa biling ang kanyang ulo.. Napa singhap ako sa galit at hindi ko namalayan ang paglandas nang luha sa aking mga mata. Ganun ba talaga ang tingin nya sa akin! Mariin kong pinikit ang aking mga mata..
"Sana hindi nalang kita-- nakilala!" Hikbi ko bago ako nagmamadaling kumilos palabas nang cubicle. Walang lingon likod akong tuluyang lumabas nang comfort room.







             Alam ko namang walang wala ako, kumpara sa kanya.. pero sana naman huwag naman nya akong insultuhin nang ganito. Tang ina..   Wala syang karapatan. 
Mariin kong pinahid ang luha sa aking mga  mata at nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang parking lot. Napa sandal ang likod ko sa gilid nang kotse nang kuya ko habang walang humpay ang pag agos nang luha sa aking mga mata.
Mula sa araw na ito, kinamumuhian na  talaga kita KELLY ROBLES...

           
    

"ONE NIGHT" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon