Chapter 29

3.1K 102 15
                                    

DAYNE POV


               Mas masakit pala na sa bibig nya mismo nanggaling, kesa ako yung nag desisyon na tama na itigil na namin ito. Hindi ko na  tuloy napigil ang aking emosyon nang sandaling ito sa harapan ni Kelly..
Ang buong akala ko kakampi ko ang kuya ko, yun pala sya may pakana nang lahat kong bakit ako nasasaktan nang ganito. Kung bakit ko kinakamuhian si Kelly!








          Kinabig ako nito at niyakap nang mahigpit habang patuloy ang aking pag hikbi. Hindi ko naman maitatago sa kanya itong  nararamdaman ko kaya pilit nya akong inaalo.
"I'm sorry Dayne.. kung nasaktan kita sa interview ko naipit lang din ako sa sitwasyon.." Buntong hininga nitong turan habang marahang hinahagod ang likod ko nang bigla akong napa bitaw sa pag kakayakap nito.







         "Kelly..." Hikbi ko pagka tapos ay hindi ko napigilan nang kinabig ko ito sabay siniil nang halik ang kanyang labi. Miss na miss ko sya sobra. Narinig ko naman ang mahina nitong pag ungol. Maya maya pa ay tumugon na ito sa mga halik ko. Mahal na mahal ko sya hindi yun nawala, nadala lang ako sa galit ko sa kanya..
Napa awang naman ang labi ko nang bigla nitong ilayo ang kanyang labi pagka tapos ay masuyo nitong pinahid ang luha sa aking mga pisngi..







           "Dayne please..  huwag mo naman sana akong pahirapan nang ganito.." Buntong hininga nitong turan  tsaka nito pinag dikit ang aming noo.
Pinapahirapan-- anong ibig nyang sabihin!? "Nangako ako kay Rajan--"








          Marahan ko naman syang itinulak nang marinig ko ang pangalan nang kapatid ko. Sabay iling. Nang bigla na naman akong naka isip nang ikinawit ko ang dalawa kong  braso sa batok nito..
"Kelly... ayoko nga please.. Kaya ko naman kahit pa sekreto lang, sekretong relasyon basta kampante lang ako na akin ka.." Desperado na ako sa totoo lang, kaya lang anong magagawa ko mahal ko sya. Hindi ko kaya kung tuluyan lang syang mawawala sa akin.







           "Dayne..." Anas naman nito. "Hindi ganun kadali.. mahirap ang gusto mong mangyari- lalo na at mainit pa ang sitwasyon.." Turan naman nito at kita ko sa mukha nito ang lungkot na kina hikbi kong muli..







            "Please... Kelly naka handa ako." Pagsusumamo ko.. kung kainakailangang lumuhod ako sa harapan niya.. Matagal na akong handa, alam ko yun sa sarili ko noon pa man. Noong nakilala ko sya. Kaya ko namang pagsabayin  ang aking pag aaral at pagkakaroon namin nang sekretong relasyon...Hindi naman sya kumibo sa sinabi ko. Ang ginawa ay niyakap nalang ako nang mahigpit.








          "Please Kelly... Mine." Paulit ulit kong pagsusumamo sa kanya. Alam kong hindi nito ako matitiis.








         "Pag isipan mong mabuti yang sinasabi mo.." Napa hugot ito nang malalim na pag hinga.. Malapit na naman akong mainis, hindi naman ako magiging sagabal sa career nya susoportahan ko parin naman sya. "Marami pang mangyayari sa loob nang apat na taon na pag aaral mo Dayne.. Alam kong babantayan at babantayan na ni Rajan ang bawat kilos natin."





           "Sinasabi mo bang.. After nang four years may- may mag babago pa dito sa nararamdaman ko para sayo Kelly!?" Sabay turo sa dibdib ko.  "Mahal kita, na kahit paulit ulit man akong masasaktan alam ko sa sarili ko na ikaw na ang nagmamay-ari nang puso ko.."
Lalo lang nitong hinigpitan ang yakap nya sa akin..





        "Kung iniisip mo yung interview namin ni Paul. Alam mo naman sigurong hindi totoo lahat nang yun.. kinailangan ko lang din ipagtanggol ang sarili ko sa mga panahong iyon..
Magka ibigan lang kami ni Paul- isa syang mabuting kaibigan.." Paliwanag ko. Habang marahang na itong kumakalas sa mga yakap ko.





"ONE NIGHT" (gxg)Onde histórias criam vida. Descubra agora