Chapter 12

3.5K 103 8
                                    

KELLY POV


               Hindi ko na kailangan pang kumatok dahil may sarili naman akong duplicate nang susi. Ang kinailangan ko nalang gawin ay mag disguise, walang sinuman ang pwedeng makakilala sa akin. Kaya nag suot ako ng itim na jacket na may hood at nag suot nang malaking eye glasses na wala namang grado. Kailangan doble ingat! Andito na kaya si Margaux! Hindi na kasi ito muling nag text.  Sinusian ko na ang pintuan ng apartment at kaagad naman itong bumukas. Ano naman kaya ang sasabihin ni Margaux, basta ako buo na ang desisyon kong tuluyan nang  tapusin  ang ugnayan naming dalawa.






         Tama si Rajan, tama na ang pag papaka tanga- "uhhmmpp-" Agad akong sinunggaban nang halik sa labi pagka pasok ko palang.. "Margaux-hmmnn-" Pilit kong iniiwasan ang labi ko kaya lang mukhang nakaabang na ito sa pag dating ko. Hindi ako pwedeng magpa dala. Napa pikit ako habang patuloy ang pag sibasib nang halik sa labi ko. Pilit kong inaalala sa isip ko ang mga narinig ko at nakita ko nung gabing yun.





          "Margaux- stop it!" Kapwa kami hinihingal ng sandaling maitulak ko ito.. Napaka sexy nito sa kanyang suot halatang inaakit nya ako. Pero hindi ako magpapa tinag..






         "Babe..." Malambing nitong turan at mabilis na pinulupot ang mga braso nito sa batok ko. Kaya lang agad kung tinanggal ang mga yun!







           "Ano bang gusto mong sabihin dahil hindi ako pwedeng mag tagal Margaux!" Cold kung turan.







        "Binabawi ko na yung pakikipag cool off sayo.  Hindi ko pala... Kaya." Napa yuko nitong turan. What? Ano na namang drama ito! Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Kailangan kung makapag isip kaagad, hindi ako maaring magpa dala sa drama nya. Hindi nya ako mahal at ginagamit lang nya ako para sa career nya.






         "Margaux ano ito!! Yung gusto mo na lang ba lagi ang nasusunod? Nung humingi ka ng space nag makaawa ako sayo.. Pero iginiit mo lang yung gusto mo, hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan sa nangyari. Tapos ngayon-" Mariin kong naisabunot ang mga daliri ko sa aking buhok. "Ayoko na Margaux nakikipag hiwalay na ako..." Napa singhap ito nang marinig ang sinabi ko.






         "Kelly..." Anas nitong turan at parang nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata. Pero pilit kong tinigasan ang aking damdamin hindi ako pwedeng bumigay sa pagkakataong ito.. "Kelly please.. promise babawi ako-"






           "Tama na Margaux.." Mahinahon kong turan. Tuluyan ng bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Argh!! Hindi ko pwedeng bale walain yung nakita ko yung mga narinig ko. Namin ni Dayne...





        "Please... Huwag mo kong hihiwalayan Kelly.." Hikbi nito.  Gosh!! Hindi ko na alam ang gagawin ko, nakaka ramdam ako nang awa sa itsura niya ngayon.






         "Bahala ka.." Yun lang ang nasabi ko. Inayos kong muli ang suot ko at tuluyan nang umalis nang apartment. Bahala na sya kung ano mang gusto niyang isipin. Pag dating sa loob nang sasakyan nanggigigil kong pinag susuntok ang manibela. Damn it!!  Gusto kong umiyak kaya lang nanaig yung galit ko yung inis ko. Mabilis kong in start ang makina nang kotse ko pagka tapos ay pinaharurot ko na ito. At namalayan ko nalang ang sarili ko nasa harapan na ako ng pintuan ng apartment ni Rajan. Siya lang ang nag iisang taong nakaka intindi sa akin bukod sa magulang ko.







          Nag doorbell ako nang tatlong beses.. bahala na kung nakaka istorbo man ako kailangan ko nang makaka usap. Hinihintay kong may mag bukas ng pintuan.  Narinig kong tumunog ang un lock sa loob at marahan nang bumukas ang pintuan.  Agad na akong pumasok sa loob at sinara ang pinto, pagka tapos sinunggaban ng mahigpit na yakap ang nag bukas nang pinto. Ito lang ang kailangan ko ngayon, mariin kong pinikit ang aking mga mata habang mahigpit na niyakap si Rajan kaya lang...
Parang nanibago ako sa niyakap ko ngayon hindi sya matipuno  kaya agad kong binitawan.






         "Dayne?" Patanong kong turan. Ang cute naman nya sa kanyang suot na ternong pajamang pantulog. At halatang nabulabog ko ang mahimbing nitong pag tulog dahil medyo gulo gulo ang naka lugay nitong buhok.







          "Kelly..." Hinihikab pa nyang turan. Ang ganda rin ng boses nya pag bagong gising. "Wala si kuya umuwi sa mommy nya.. may problema ba?" Turan nito. Ni hindi man lang nakitaan nang pag tataray kahit alam kong naistorbo ang tulog nito. Wala din pala ang best friend ko. Sabagay sinabi ko kasing hindi ako uuwi sa unit ko.






        Naalala ko na naman si Margaux ang pag uusap namin kanina.





        
          Muli kong dinaluhan nang mahigpit na yakap si Dayne.. I need comfort right now and-  naramdaman kong marahan itong gumanti sa yakap ko at naramdaman ko ang mga palad nitong hinahagod ang likod ko.
"Hmmnn.. okay ka lang?" Malambing nitong bigkas.. Kusang sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko habang naka pikit ang aking mga mata. Bakit ang sarap nyang yakapin? Bakit higit pa sa pag comfort ang nararamdaman ko ngayon.
"Kelly..." Anas nito.  Oh gosh! Ang sarap sa pandinig ang pag tawag niya sa pangalan ko.







         Marahan akong kumalas mula sa pag kakayakap pero hindi ko nilayo ang katawan ko konteng distansya lang ang pagitan naming dalawa.  Hindi ko napigilang tumitig sa mukha nito na kasalukuyan ding naka titig sa akin. Umangat ang kanang palad ko at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Hindi ko napigilang mapalunok nang dumako ang dalawang mata ko sa labi nitong katamtaman ang kapal. Nilapat ko ang thumb ko sa labi nito.






         Paano ko makakalimutan ang labing ito. Nung gabing yun.. Hindi ko naman sinsadya na sya yung mahalikan ko dahil ang buong akala ko si Margaux ang hinahalikan ko dahil sobrang dilim nung time na yun dahil sinadya kong bunutin ang saksakan ng extension.. Ang labing yun ang pinaka masarap na labing natikman ko buong buhay ko. 
At wala akong idea na si Dayne pala yun kung hindi lang nito sinabi na may manyak na nagnakaw nang halik sa kanya sa tent ni Margaux.






           I'm sorry Dayne kaya lang gusto ko ulit matikman ang mga labi mo. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong mabilis na tinawid ang pagitan naming dalawa. At nang sandaling maglapat ang labi naming dalawa biglang kumabog ang dibdib ko. Naging banayad lang ang aking paggalaw. Hindi man sya tumutugon pero ayos lang, sobrang nagdiwang parin ang loob ko dahil hindi naman nya ako sinaway ni tinulak man lang. Nagsawa ang labi kong halikan ang mga labi niya nang nagpasya na akong ihinto ang aking ginagawa.






          Grabe yung kabog nang dibdib ko. Napa ngiti ako nang makita kong naka pikit ang mga mata nito. Nagkaroon tuloy ako nang pagkakataon na matitigan ang kanyang mukha. Ang ganda ganda nya at sya yung tipong kailangang ingatan at iwasang masaktan. Napaka inosente at- Dahan dahan na itong nag mulat ng mata..
Muling nagtama ang aming mga mata.





           "I-ikaw-" Tila nahulaan ko na ang sinasabi nito kaya napa ngiti ako at marahang napa tango.. "Paanong---"






            "Sshhh..." Mabilis kong tinakpan ang bibig nito gamit ang hintuturo ko. "Pwede ba akong mag explain kung iyong mamarapatin!" Nahihiya naman itong napa ngiti at marahang napa tango. Bakit ba ang bait bait nya! expect ko talaga magagalit sya oras na malaman nyang ako yung nagnakaw nang halik. Hinuli nito ang kamay ko at marahang hinawakan.







         "A-anong nangyari dito?" Hindi ko din napansin na namumula pala yung kamao ko sa pag suntok ko sa manibela kanina. "Te-teka gagamutin natin..." Tarantang sabi nito pagka tapos ay iginiya ako nito na maupo sa mahabang couch. Nang paupo na ako ay hinila ko ito dahilan para ma out of balance ito at mapa upo sa kandungan ko.  "Ayy!!'' Tili nito na kina tawa ko naman ng malakas..
Kaya lang  napa hinto ako sa pag tawa ng maisip na presence lang pala ni Dayne ang kailangan para pansamantalang mabura sa isip ko si Margaux.

"ONE NIGHT" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon