Chapter 31

3.2K 106 27
                                    

KELLY POV

              "Mom!! Na miss ko po kayo.." Masaya kong salubong sa aking Ina at niyakap ko ito nang sobrang higpit. Naluha luha naman sya sa sobrang galak dahil sa wakas natupad ko din yung lagi kong pangako sa kanya, sa kanila ni Daddy na uuwi ako, magbabakasyon ako kahit isang buwan lang..







                 "Miss na miss kana din namin anak. Miss na miss na namin ang best actress nang pamilyang ito. " Si Mommy talaga, nagawa pang mambola! Napapa ngiti tuloy ako. "Naka handa na yung dinner at syempre naghihintay na ang paborito mong pagka kain sa hapag." Tila excited pa nyang sabi pagka tapos naming magyakapan nang sobrang higpit at hinahaplos haplos niya ang aking pisngi. Pagka tapos, nagbaling naman ako kay Dad, ang aking super supportive na Ama katulad din ni Mommy, niyakap ko din siya nang sobrang higpit at ang bunso kong kapatid na babae din na si Kylie. Maganda rin ang kapatid ko, magka hawig lang din kami, kaso wala itong hilig sa pag aartista at kong ako naman ang tatanungin! Huwag nalang din nitong susubukan dahil sobrang hirap, walang kalayaan, kailangan din matatag ang yung loob lalo na sa mga gustong manira kapag umangat na ang career mo.  Dalawa lang naman kaming magkapatid at malayo ang agwat nang edad namin, twelve years lang naman. Twenty-eight na ako at sixteen palang ito, nasa grade eleven sya nang señor highschool..  Kaya si Dayne- sampong taon ang agwat naming dalawa..







              At dahil namiss nila ako, ako nag lead nang prayer.., pagka tapos tsibugan na! Past muna ako sa diet ngayon. Yes! Dahil sa aking trabaho bantay sarado ako nang manager ko lalo na sa mga kinakain ko, kailangan ma- maintain ang ganito kong katawan..
"Kelly.." Biglang pag huni ni Daddy at kaagad naman akong bumaling sa kanya..







            "Mukhang in love na yata ang panganay ko ah!" Masigla  nitong wika na kina kunot naman nang aking noo. Inlove! Nainlove naman na talaga ako, dati-- kay Margaux.. pero ngayon, naka move on na ako sa kanya. "So, pwede mo bang e-kwento sa amin kung totoo ba yung kumakalat sa internet-- Dayne ba ang pangalan nun--"







             "Oo nga ate.  Infairness maganda sya, simple lang sya at mukha pang mabait.. tyak magkaka sundo kaming dalawa at excited na nga akong makilala sya.."Segunda pa nang aking kapatid. Kitang kita sa mukha nito na gustong gusto nitong makilala si Dayne, bakit naman hindi, kong gugustuhin ko nga lang pwedeng pwede ko syang itakas kay Rajan. Isasama ko talaga sya.. Kaya lang nangako ako sa best friend ko at kailangan ko yun tuparin. Syempre ginagawa ko din ito para kay Dayne.








                "Sa susunod ate isama mo na sya ah!" May balak pa ba silang pakainin ako o kukulitin lang nila ako nang kukulitin about kay Dayne! Napapa ngiti naman ako at napapa iling.. Family ko lang ang nakaka alam nang totoong Kelly, ang tungkol sa pagiging bisexual ko.. willing naman akong mag out sa publiko sa tamang panahon.








            "Mamaya na yang interrogation.. at mukhang gutom na gutom itong si Kelly.." Saway naman ni Mommy. Syempre kami yung madalas na magkakampi tapos si Dad naman at si Kylie. Napa tawa tuloy ako nang mahina tsaka pinagpatuloy  kumain.  Namiss ko talaga ang luto nang Mommy ko..  Bigla ko rin  naalala si Dayne hindi na kami nakapag usap pagka tapos.







                 * "Dayne..." Marahan akong kumilos, kinapa ko ang katabi ko sa higaan habang naka pikit pa ang aking mga mata. Kaya lang mukhang mag isa ko nalang sa kama. Tuluyan na akong nagising at napa kurap kurap ang aking mga mata..
Tsaka napapa ngiti at napapa kagat labi nang maalala ko ang mga kaganapan nang buong magdamag na kasama ko si Dayne, halos buong gabi kaming nag niig. Sa may sala hanggang dito sa may kuwarto ko. Syempre hindi naman ako pumayag na ako lang ang papaligayahin..
Kaya lang bigla ding naglaho ang ngiting iyon nang sumagi sa isip ko ang mga katagang sinabi nito.







           "Talaga bang kakalimutan mo na ako." Buntong hininga kong bigkas tsaka ako napa titig sa kesame.. Pagka tapos ay nagpasya na akong bumangon mula sa pagkaka higa. Iyon naman talaga ang tama diba! Pag sang-ayon naman nang aking isip kaya lang nakaramdam parin ako na parang may kumurot sa puso ko nang sandaling ito. Kaya lang kasi-- kong iisipin ko yung kapakanan ni Dayne.. Ito talaga yung tama, ito yung dapat! Pag uulit nang isip ko. Tsaka ako napapa hugot nang malalim na paghinga.







                Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga.. Napagpasyahan kong maaga nalang akong pupuntang  studio para sa rehearsal  nang aking sing and dance number. Bigla ko din naalala na mamaya na din pala ang alis ko, naka impake na lahat nang dadalhin ko. Hiling ko na sana makita  ko man lang  si Dayne bago ako umalis-








             Hindi naman ako nabigo dahil, nakita ko sya. Sa may back stage at nagtama ang aming mga mata kaya lang mabilis itong nagbawi nang tingin. Hanggang sa lumapit na sya kay Rajan halatang umiiwas sya sa akin, iniiwasan nya na pati mga titig ko.. *







            Napa buga nalang ako nang hangin at muling inabala ang sarili ko sa pag kain. Gusto ko munang ilaan ang buong isang buwang bakasyon ko sa pamilya ko, dahil pagka tapos nang isang buwan marami na naman akong projects na nag aabang. May tele serye akong gagawin at  sa nalalapit ko na namang contract signing sa nasabing network.. Three years ulit, yun kasi ang gusto nang manager ko. Ayaw nya sa pa isa- isang taon lang.






                "Saan tayo gagala habang andito si panganay.." Wika ni Dad habang nasa may living room na kami at nanonood nang palabas sa TV. Naka higa ako sa mahabang couch habang naka unan sa dalawang hita nang Mommy.  Marahan naman nitong hinahaplos ang aking buhok. Namiss ko talaga ang ganito.. Gala! Parang tinatamad naman ako sa ideang yan, mas gusto ko lang dito sa bahay. Kaya lang syempre gusto din nila akong naka sama mag out of town.







           "Bohol nalang Dad!" Mukhang excited namang wika ni bunso."Diba ate?" Pagka tapos ay bumaling ito sa akin.








            "Kayo..." Kibit balikat ko naman. "Kahit saan game ako." Dagdag ko pa na lalong kina liwanag nang mukha nang kapatid ko. Tahimik lang naman si Mommy, alam ko din naman na sapat na sa kanya na umuwi ako. Na andito ako ngayon kasama ko sila..







          "Pero bukas ate.. after nang class ko malling tayo ha--"








        "Malling! Kita mo ngang sikat yang ate mo. Gusto mo bang dumugin sya nang mga tao.." Kontra kaagad ni Mommy na kina simangot nitong si Kylie..






            "Okay lang Mommy..  Hindi naman siguro as in dudumugin at isa pa may mga security naman sa mall.." Napa yes! kaagad ang kapatid ko. Dalawa na nga lang kaming magkapatid, kaya kailangan magkaroon din naman kami nang bonding kung minsan. Hindi nalang komontra si Mommy, pero kita ko parin  ang pagka bahala sa kanyang mukha.







          Maya maya ay nagpasya na kaming pumanik sa ikalawang palapag nang bahay,para matulog at pagod din kasi ako sa beyahe. Syempre namiss ko din itong kuwarto ko dito sa bahay namin.
Kaya lang inabot na ako nang isang oras, hirap ko paring dalawin nang antok. Kaya nagpa biling biling ako sa higaan at napapa buga nang hangin..namahay yata ako sa sarili naming bahay!
Isang taon mahigit ba naman nung huli akong umuwi.







           Pinilit ko nalang na pinikit ang aking mga mata.  Dahil gusto ko ding maagang bumangon bukas at tutulong ako sa paghahanda nang breakfast...










           Kung kelan namang nakukuha ko na ang tulog ko tsaka naman may narinig akong marahang kumakatok sa may pinto..
Hindi ko na sana papansinin kaya lang- mukhang wala yatang balak huminto.
"Sandali!" Medyo iritado kong wika.  Tsaka marahan akong bumangon mula sa pagkaka higa, pipikit pikit pa ang aking mga mata nang tumungo ako sa may pinto.






           "Kylie.. istorbo ka ha! Humanda ka--" Pag bukas ko nang pinto ay natigilan ako. Dahil naka ngiti si Dayne at prenteng naka tayo ngayon sa harapan ko. "Dayne..." Anas ko. At sobrang kabog nang dibdib ko nang sandaling ito. Lalong lumapad ang pagkaka ngiti niya, hanggang sa tuluyan na nitong tinawid ang pagitan naming dalawa nang masuyo niya akong hinagkan sa labi..

"ONE NIGHT" (gxg)Where stories live. Discover now