Chapter 14

3.4K 104 1
                                    

DAYNE POV

           Nagising ako sa sunod sunod na katok sa may pinto.
"Dayne gising na.  Maaga tayong aalis ngayon.." Si kuya!  Nanlaki bigla ang mga mata ko at bigla akong napa balikwas nang bangon. Nang sinipat ko ang kasuotan ko buo naman at walang bawas nang bigla kong naalala si Kelly yung nangyari sa amin kagabi. Gosh!
"Dayne!" Tawag ulit nang aking kuya.






          "Gising na ko kuya.." Tugon ko naman at medyo nilakasan ko pa ang  boses ko para marinig nya sa labas..






        "Sige na bilisan mo na dyan!" Dinig ko pa nyang turan. Hindi na ako tumugon. Pagka tapos muli kong inalala yung nangyari kagabi. Sigurado akong hindi iyon isang panaginip. Yung nangyari sa may sofa- gosh!! mariin kong pinikit ang aking mga mata.
"KELLY... Hindi pa ako handa.."   Hinihingal kong turan nang akmang ibababa na sana nito ang suot kong pajama. Agad naman itong huminto pagka tapos ay marahang umakyat muli at pinag pantay ang aming mukha.





         Kahit naka bukas ang aircon ay pareho na kaming pawisan nang sandaling yun, hinihingal at pareho kaming walang pang itaas na saplot. Hindi ko naman maiwasang tumingin sa kanyang dibdib, gusto ko yung hawakan kaso nahihiya ako.








            "It's okay hindi kita pipilitin.." Turan nito habang naka ngiti bago dumukwang at siniil muli nang halik ang mga labi ko. Medyo natututo na rin ako at marahan akong  gumanti sa bawat halik niya. Iniyakap ko pa ang mga braso ko sa likod nito kaya lang ilang saglit lang bigla din itong tumigil sa pag halik sa akin.





        "Tulog na tayo.." Malambing nitong wika pagka tapos ay dahan dahan na itong umalis sa ibabaw ko. Bigla nalang nya akong pinangko na parang sobrang gaan ko lang.. pagka tapos ay humakbang na ito papasok sa naka bukas na pinto nang kuwarto. Understood naman na yun ang kuwarto ko. Marahan nito akong hiniga sa kama, pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos niya. Sinara niya ang pintuan pagka tapos ay in off ang ilaw. Ako na ang nag bukas nang lampshade sa gilid ko. Mabilis na nitong dinaluhan ang kama at muling puma ibabaw sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapa ngiti nang sandaling yun.






            Masuyo nitong hinaplos ang pisngi ko habang naka tunghay sa aking mukha,muli naman akong yumakap sa likod nito at marahan ko ding hinihimas ang kanyang makinis at malambot na balat. Habang titig na titig kami sa isat isa. 
"Ang ganda ganda mo.." Bigkas nito..Bigla namang tumalon  ang puso ko sa sobrang kilig dahil bukod sa nanay ko at kay Mimi sya palang nasabing maganda ako.Dumukwang ito at mariing hinalikan ang pawisan kong noo na kina dagdag nang kilig kong nararamdaman. Pagka tapos ay umalis na sya sa ibabaw ko at marahang humiga sa tabi ko.






        "I love you Kelly.." Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon dahil yun ang nararamdaman ko nang sandaling ito, bago ako sumiksik sa kanya at iniyakap ang isang braso ko. Hindi man sya gumanti sa sinabi ko ayos lang sa akin alam ko namang hindi ganun kadali at kabilis ang lahat. Masaya na ako dahil kasama ko sya ngayon kayakap at  gusto nya akong maging girlfriend.. At kahit hindi ko sabihin sa kanya sinasagot ko na sya.
Si Kelly Robles girlfriend ko na. Ipinikit ko na ang aking mga mata na may ngiti sa mga labi.Habang ang mukha ko ay siniksik ko sa kanyang leeg. Hmnn ang bango naman.






         Anong oras kaya syang umalis! At tsaka hindi ko namalayan na sinuot nya sa akin yung pang itaas ko. Nangingiti naman ako mag isa bago tuluyang bumangon at nagmamadaling tumungo nang banyo  para maligo.
Excited na akong tumungo sa set para makita ang girlfriend ko. Miss miss ko na sya at gusto ko na syang makita..






             Sa tagaytay parin ang location nila ngayon at medyo natrapik pa kami sa daan kaya late na kaming naka rating.. Sobrang kabog nang dibdib ko nang hindi ko maintindihan kanina pa ito nung nasa daan kami at parang lumala pa nang tuluyan na kaming naka rating.
Todo hingi naman ni kuya ng pasensya lalo na sa manager nito. Hindi ko pa nakikita si Kelly, nag concentrate muna ako sa pag assist sa kailangan nang kuya ko habang nilalagyan sya ng light make up habang nasa loob kami nang tent namin. Nere review naman ni kuya ang mga lines nito.






        Hanggang sa tinawag na sya at sinimulan na ang take.. Nagmamadali na din akong sumusunod at parang naging slow motion ang lahat nang sandaling makita ko na ang babaeng nagpapa tibok nang puso ko. Hindi man ako ganun kasigurado dito sa nararamdaman ko wala kung iba na itong nararamdaman ko sa kanya. Hindi na lang basta simpleng paghanga. Seryoso kaming lahat sa panonood, sobrang gagaling na talaga nilang actors natural na natural lang ang bawat banat nila ng lines.





          Nag nag sabi si direk nang break muna ay mabilis kong binalingan nang tingin si Kelly kaya lang dismayado ako nang hindi man lang nito ako nito pinansin at dumiretso kaagad sa loob nang tent nya. Medyo nasaktan ako pero pilit kong binale wala iyon. Mahaba pa naman ang araw at marami pang pagkakataon kaya muli ko nalang inabala ang sarili ko sa pag assist sa kuya ko.





         Kaya lang nang nag take ulit mas pinili ko munang manatili dito sa loob.  Medyo nakaka tampo lang kasi kaya inaalo ko muna ang sarili ko. Hanggang sumapit na ang lunch break na hindi parin kami nagkaka usap ni Kelly. Hindi ko alam kong sinasadya ba nya ang pag iwas sa akin dahil baka nabigla lang sya sa nangyari kagabi.  Or maaring ayaw lang nyang may makaalam tungkol sa relasyong meron kami. Dahil katulad nga sa kanila ni Margaux dati pa sekreto lang.. Pero sana kahit pansinin man lang nya ako katulad dati.







           Wala man akong ganang kumain pinilit ko paring kumain nang pina deliver na pagkain. Galing sa isang fast food. Baka mapansin nang kuya ko masermunan pa ako.
"Knock knock.." Napapitlag pa ako nang marinig ko ang boses ni Kelly. "Pwedeng makisalo?" Dugtong pa nito. Marahan akong nagbaling nang tingin sa kanya. Heto na naman yung pag kabog nang dibdib ko. May hawak hawak din itong paper box na may lamang pagkain.








       "Sure.. upo ka!" Mabilis namang alok nang kuya ko at binigay ang isang mono block chair.. Masaya na ako kahit hindi kami nag uusap at least magka salo kami nang lunch.






        

         "Hi Dayne.." Bati nito sa akin. Biglang tumalon ang puso ko. Ngumiti naman ako bilang tugon at pinag patuloy na naming kumain. Bigla namang naglahong parang bula yung tampo ko kanina. Hayy Kelly Robles mahal na talaga kita. At pinapangako ko sayo lahat gagawin ko mapasaya lang kita at never kong gagawin ang ginawa sayo ng ex girlfriend mong si Margaux Luna..

"ONE NIGHT" (gxg)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora