Chapter 3

5.3K 141 0
                                    

DAYNE POV


"So-sorry...'' Nauutal ko paring wika tsaka marahang pumagilid upang bigyan ng space si Kelly para maka daan sa naharangan kong pinto. Pagka tapos ay mabilis ko nang binalingan ang naka awang na pintuan at marahan ko itong sinarado.. Anong ginagawa nya dito sa condo ng kuya ko? Diyos ko Lord.. sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa kilig! Si Kelly Robles ang bisita namin ngayon. Parang gusto kong mapatili kaya lang kinalma ko ang sarili ko bago humarap sa gawi nila kuya at naririnig kong tila may seryosong pinag uusapan ang dalawa. Kita kong naka upo si Kelly sa may single couch naka suot ito ng denim jacket at rip jeans at white rubber shoes. Ang ganda talaga nya! Napa kagat tuloy ako nang pang ibabang labi ko pigilan ang aking ngiti. Napansin nya yatang naka tingin ako sa kanya kaya biglang napa baling ang tingin nito sa akin. Huling huli nya tuloy ako sa akto
.. Gosh nakaka hiya.. Biglang kumabog ang dibdib ko ng sandaling iyon nang makita ko na naman ang pag ngisi nito.. Mabilis tuloy akong napa yuko ng bigla ding napa baling si kuya ko sa gawi ko.






Ano nang gagawin ko.. Nakaka hiya, hindi ko lang kasi mapigilang humanga ng husto sa taglay nyang ganda. Pupunta nalang yata ako sa kuwarto nahihiya na talaga ako.
"Dayne.." Napa pitlag pa ako ng biglang pag tawag ni kuya sa pangalan ko dahilan para mag angat muli ako ng mukha. "Tapusin mo munang kumain.." Wika nito.. Hindi din lang ako maka concentrate kumain dahil kaharap ko yung idol ko I mean dalawang celebrity ang kasalo ko ngayon. Kaya lang gusto ko din malapitan ng husto si Kelly kaya kahit pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko marahan parin akong humakbang patungo sa gawi nila at umupo sa bakanteng upuan.






Dun ko lang napansin ang hawak hawak nilang tig isang in can beer. Wala naman yun kanina sa lamesa, marahil bitbit iyon ni Kelly patungo dito. Nakaka tuwa lang dahil para lang syang ordinaryong tao habang kaharap ko.
"Beer?" Biglang alok pa nito sa akin. Si Kelly Robles inalok ako ng inumin! Gosh.. Ewan bakit bigla akong naman akong kinilig. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon para matitigan ng husto ang mukha nito sa malapitan.





"No-" Saway kaagad ng kuya ko. "I mean hindi sya umiinum at ayoko ng umiinum na maid dito sa bahay.." Dagdag pa nitong turan. Nakaramdam man ako ng kirot sa dibdib sa pagtawag nya sa akin ng maid pero pilit ko nalang itong inignora.. Hindi man lang nya ako pwedeng ipakilala na kapatid nya kaya lang wala naman akong magagawa. Kasunduan na namin ito.. Lihim nalang akong napa buntong hininga at inabala ang sarili ko sa pagkain ng pasta..Ganun talaga! Wika ko pa sa isip ko.




Pagka tapos ay dumampot ulit ako ng isang slice ng pizza tsaka marahang kumagat ng kapiraso. Napansin ko na naman ang pares ng matang naka tingin sa akin, nang magbaling ako ng tingin sa kaharap ko bigla na namang napa ngisi si Kelly. Nahihiya man pinilit ko paring ngumiti sa kanya.





"Pagka tapos mong kumain pasok ka na sa kuwarto mo ha!" Wika naman ng kuya ko. Dahilan upang mapahinto ako sa pag nguya ng pagkain.





"Ang hard mo dude.. hayaan mo lang sya dito..'' Sabat naman Kelly. Hindi ko naman maiwasang pasimpleng napa ngiti, kahit simpleng bagay lang na sinabi nya pakiramdam ko pinag tanggol nya ako ng sandaling iyon. Kaya lang natuon din sa atensyon ko ay ang pagtawag nito ng dude sa kuya ko. Mukhang close na close yata ang dalawa. "It's okay Dayne?" Patanong nyang bigkas sa pangalan ko tila naniniguro. "Kumain ka lang dyan huwag mong pansinin itong amo mong may saltik." Dagdag pa nitong turan sabay tawa pa ng mahina.. Yung kuya ko tinawag nyang may saltik! Nakaka tuwa sya sa totoo lang. Hindi ako makapaniwala na ang iniidolo ko na dati nakikita ko lang sa television, dyaryo at magazine ay kaharap ko na ngayon. At pinagtatanggol pa nya ako.



"Oh what the f___k!!'' Nagulat pa ako ng biglang napa mura ito at nanlaki pa ang mga mata ko. "Sorry my bad." Sabay hingi ng paumanhin ng makita ang naging reaksyon ko, sabay dukot sa bulsa ng jeans nito ang nagba vibrate nyang cellphone. Nagulat siguro sa pag vibrate nang phone nya kaya sa napa mura.. hindi ko alam pero kusang sumilay ang ngiti sa mga labi ko ng nag echo sa isip ko ang pag mura nito. Si Kelly Robles nagmumura! Pero infairness sa paraan ng pag bigkas nito kanina parang ang sarap sa pandinig.




"Hulaan ko kung sino yang tumatawag sayo-" Tila may halong pang aasar na sabi ng kuya ko.






"Dude..."Bigkas naman ni Kelly sabay irap sa kuya ko. Tawa lang naman ng tawa si kuya. Hanggang sa tuluyan ng huminto ang pag vibrate ng kanyang phone. Alam kong sila lang dalawa ang nagkaka intindihan at natutuwa ako sa closeness nilang dalawa.
"F___k" Mura na naman nito ng muling nag vibrate ang hawak nyang phone. Hindi ko tuloy napigilang nakitawa ng sandaling yun. Feeling close lang!





"Bakit hindi mo nalang kasi sagutin!" Natatawa paring turan ng kuya ko. "Na iimagine ko na naman kong paano mag hysterical yang-"





"Shut up-" Saway nito na tila napipikon na ang itsura.Sa kuya ko ba o sa tumatawag sa kanya. "Quite na okay sasagutin ko na.." Pasya nito sabay tayo nito at humakbang patungo sa direksyon ng kitchen, akala ko tuloy tuloy ito paghakbang nang bigla din namang huminto sa di kalayuan.
"Hello Ma.. yes Mang! Ahm- Andito ako sa may condo ko. Don't worry alam ko noted na yun! Okay maaga bukas. Nag alarm na ako.. Yeah! Bye bye..'' Rinig kong wika nito sa kausap sa phone.. "Damn.." Dagdag pa nitong sabi ng tapos na yata sila mag usap ng nanay nya. Nanay ba nya yun? Dinig kong bumuntong hininga ito bago humakbang pabalik sa kinaroroonan namin. Naka sunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa pasalampak itong umupo sa may sofa sabay hilot ng kanyang sentido na parang problemado. Samantalang si kuya ko ay naririnig ko patuloy parin sa pag tawa nito na parang nang aasar pa.






"Akala mo naman kasi nawawala ako.." Tila kausap ang sarili nito. Ang istrikto naman ng nanay nya! Istrikto naman si nanay pero hindi naman as in ganun, kabilin bilinan lang nyang wala munang boyfriend.. Wala pa naman sa isip ko yun! At tsaka wala ngang nanliligaw sa akin.






"Ikaw ba naman takasan ang assistant.. tyak nagpanic na naman at sumbong agad kay mamang Vicki.." Turan ni kuya.. buti naman at huminto na ito sa pang aasar.






"Pag ako tinupak bigla 12 hours akong hindi magparamdam sa kanila.. Ewan ko lang kong hindi ma praning ang assistant ko at manager ko sa paghahanap sa akin!" Wika ni Kelly sabay tungga sa hawak nitong in can beer.. So, manager pala nya yung kausap kanina hindi na nanay. Yan yung sinasabi sakin ni nanay, na sa ganitong trabaho hawak ka nila sa leeg, kontrolado ang buhay mo. Bigla tuloy akong nalungkot nang maisip ang sitwasyon nya habang naka titig sa kanyang mukha.
"Dayne mukhang problemado ka pa sakin.." Natatawa nyang sabi sabay salubong sa titig ito..





Gosh... kumulo ang tyan ko bigla habang naka focus parin ang mga mata nito sa mukha ko. Sumama' yata ang tyan ko sa kinain ko.. Pasimple tuloy akong napa ngiwi sabay marahang hinimas ang sikmura ko.






"Gawin mo nalang kayang 24 hours.. Huwag kang mag alala kakampi mo ako.." Biglang wika ng kuya ko dahilan para pareho kaming nagbaling ng tingin sa kanya. Nakapag tataka dahil bigla ding nawala yung hilab ng tyan ko ng nagawi ang tingin ko sa kuya ko.






"Sabi mo yan dude ah... Ngayon palang mag iisip na ako kung sang lugar ako pupunta. Yung hindi kaagad maghahanap!!" Wikang muli ni Kelly at nag baling akong muli sa kanya. Yung tawa nya yung mga ngiti nya sobrang nakaka dala..
Bigla na naman akong napa hawak sa aking sikmura ng kumulo na naman bigla habang titig na titig ako sa mukha nya..
Malala na yata ito.
"I think I should go..!" Biglang paalam ni Kelly, di ko mawari pero bigla nalang ako nakaramdam ng lungkot dahil aalis na ito.







"Na stressed ka ba bigla!" Turan ni kuya. Hindi na kumibo si Kelly at bigla nalang napa tayo sabay nag inat ng mga braso..

"ONE NIGHT" (gxg)Where stories live. Discover now