Chapter 5

4.3K 115 0
                                    

KELLY POV



                "Damn it Margaux... Buksan mo itong pinto!!" Nanggigigil ko nang turan.. Habang patuloy parin ako sa pagbayo sa pintuan dito sa condo unit ng girlfriend ko. Yes! Inaangkin ko parin syang girlfriend dahil never akong pumayag sa walang kwentang cool off na yan. "Marg-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan..
Madilim ang awra nitong bumungad sa harapan ko na halatang na gising sa mahimbing na pagtulog at nakapa sexy nito sa suot nyang pantulog.Alam ko namang mag isa lang sya sa unit nya kaya malakas din ang loob kong tumungo dito.








         "God.. Kelly ano bang ginagawa mo alas dos ng madaling araw nambubulahaw ka.." Mahina pero may halatang galit ang boses nito. Bigla namang nanlambot ang ekspresyon ng aking mukha pagka kita ko sa kanya.  "Paano kong my press dyan sa paligid at nasundan ka... please ayoko ng eskandalo.." May pag aalala pa niyang turan.
Syempre nag iingat naman ako. Nakaya ko ngang ingatan ang relasyon namin ng dalawang taon..ni wala nang nakakahinala na may relasyon kaming dalawa.









            "Margaux please. Papasukin mo ko dyan sa loob. Mag usap tayo please lang.." Halos magmakaawa na ako sa kanya.
Mariin naman itong napa pikit bago nya ako hinila sa loob ng unit nya.









          "God Kelly your drunk.." Turan nito pagka pasok na pagka pasok ko sa loob ng unit nito naamoy nya marahil na amoy alak ako.. Actually kagagaling ko lang sa condo ni Rajan para maglabas ng sakit na nararamdaman, dala na rin sa epekto ng ininum namin bigla ko nalang naisip na sumugod dito. Pinigilan din ako ng best friend ko kaya lang ayokong paawat. Busy na naman ako sa mga susunod na araw at ngayon lang yung naisip kong pagkakataon para magka usap kami ng masinsinan..








          "Kaya ako nagkaka ganito  dahil sayo, nasasaktan ako... Hon please pag usapan natin ito..!" Wika ko at kinulong ko ang mukha niya ng dalawang palad ko. Pilit kong inaabot ang labi nito kaya lang mabilis itong nag iwas. Gosh! Nasasaktan talaga ako sobra.. Ramdam kong may nagbago na hindi lang nya masabi at ayaw din itong tanggapin ng kalooban ko. Hindi ako makakapayag, hindi ko  sya basta susukuan nalang.









            "Kelly... Hindi na mababago ang pasya ko." Iling nito. "Please bigyan muna natin ng space ang isa't isa.." Malungkot nitong sabi sabay iwas nang tingin. Kung ipagpipilitan ko naman ang gusto ko baka lalo ng lalabo ang relasyon naming dalawa. Kaya lang- bakit kailangan pa naming gawin ito.
Kusa namang kumawala ang luha sa aking mga mata ng sandaling iyon. Ang sakit lang kasi sobra! hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito.







          "Okay- kung yan na talaga ang pasya mo kahit masakit tatanggapin ko.. Basta itong tatandaan mo andito lang babe at mahal na mahal kita." Malungkot ko ding turan.. Niyakap ko ito ng mahigpit, hindi naman nag protesta kaya lang ang masakit hindi man lang ito gumanti sa yakap ko. Ilang saglit lang ay marahan na nitong tinatanggal ang mga braso kong naka yakap sa kanya.







           "Umalis ka na Kelly... Bago ka pa maabutan ng manager ko maaga kasi syang pupunta dito."
Napa hugot nalang ako ng malalim na paghinga. Pinapa alis na din nya ako kaya wala na akong nagawa kundi nagpasyang lisanin ang condo unit.  Nanlulumo akong tumungo sa aking sasakyan at sa loob ng kotse ko. Doon ko ibinuhos ang sakit na aking nararamdaman. Ang masakit ay hindi ko alam kong hanggang kailan ang space na hinihingi nya. Kung hanggang kailan ko mararansan itong sakit na naramdaman ko,kung hanggang kailan ako magtitiis at umasa na isang araw makapag isip din sya na kailangan parin nya ako sa buhay niya.







        "Mahirap yan dude.. cool off? Space.. parang nanghihingi na talaga sya ng kalayaan..."  Biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi bi Rajan sa akin habang patuloy ang aking pag hikbi
"Alam mo naisip ko lang ha! Hindi naman sa hinugusgahan ko si Margaux.. Malaki ang naitulong mo sa kanya sa career nya kung bakit sya andito sa kalagayan nya ngayon.. Tapos kong kailan umaangat na yung career nya tsaka sya nagpasyang bitawan ka." Ayokong isipin na ginamit lang nya ako.  Hindi ko din naman sinusumbat yung mga nagawa ko para sa kanya, sa lahat ng naitulong ko dahil ginusto ko din namang maka tulong. Mahal ko sya kaya nagawa ko lahat ng iyon.






  

          Three years ago.. Halos kasalukuyang angat na angat ang career ko that time.. Sabagay hanggang ngayon naman. Kasali si Margaux sa isang reality artista search dito sa network kung saan ako naka contract. Hindi man sya ang pinalad na nag champion nabigyan naman sya kaagad ng break dahil nakitaan naman sya husay sa acting. Naging extra ito sa isang movie ko kaya dun nag simula yung closeness naming dalawa. Dahil lesbian ako na sesense ko agad ang isang tao kong straight ba o baluktot din tulad ko. Hanggang isang araw, sya yung unang gumawa ng move, lagi syang nag me message sa akin. Mga sweet messages basta sobrang lambing nya tumatawag kapag free time ko.. Hanggang sa tuluyang nahulog ang loob ko sa kanya.








          Lagi nyang sinasabi na sana, maabot din nya yung estado ko ngayon. Ang lagi ko namang payo sa kanya na walang bagay na madali lahat pinag hihirapan.. Dahil sa kagustuhan kong maka tulong sa kanya, may mga offer sa akin  na commercials, TV shows.. na tinanggihan at pinasa ko lahat iyon sa kanya ng hindi nya alam. Ewan ko kung alam nya yung iba, kung nabanggit sa kanya ng manager nya. Dahil lagi itong lihim na nagpapasalamat sa akin kapag my project ang alaga nya. Katulad ngayon yung movie na pagbibidahan nya- next movie ko sanang gagawin yun pag natapos itong movie na ginagawa namin ngayon ni Rajan ngayon. Kaya lang pinasa ko na naman yun sa kanya! Parang gusto ko tuloy sisihin ang sarili ko dahil kung hindi din dahil sa akin hindi  magkaka ganito ang relasyon naming dalawa. Kaya lang ginagawa ko lahat ng ito dahil sa pagmamahal ko sa kanya.








          "Masyado ka kasing mabait.. nakakalimutan mo na tuloy ang sarili mo.." Sermon pa sa akin ng best friend ko.. Dahil sa pagmamahal kaya ko yun ginagawa. At kahit sobrang sakit pikit mata ko nalang at patuloy syang  intindihin, dahil mahal ko nga sobra..








          Babalik ka din sa akin Margaux pangako ko yan sa sarili ko.! Napa hugot ako ng malalim na paghinga.. Saka mariin kong pinahid ang luha na umagos sa aking mga pisngi.






            Binuhay ko na ang makina ng aking sasakyan nang medyo gumaan na ang aking pakiramdam at nagpasyang umalis sa lugar.. Susundin ko ang lahat ng nais ni Margaux  at  pipilitin kong mag concentrate muna ako sa trabaho sa career ko de bale magaling naman akong magtago ng aking emosyon.. Nagpasya akong dumiretso na sa next location nang ginagawa naming movie at sa tagaytay iyon.. Alam ko kasing nauna na ang team at crew namin doon para mai set ng maaga ang lugar.
Bahala na yung assistant ko sa mga gagamitin ko. Buti nalang maasahan.






              Ritz Azul as... Margaux Luna on media.

"ONE NIGHT" (gxg)Where stories live. Discover now