Chapter 32

2.9K 105 9
                                    

DAYNE POV

                 "Bakit kaya hindi ko pa nakikita ang anino ni Miss Kelly Robles."Kunway pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa nang hawak kong magazine habang naka upo dito sa may waiting area. Pero ang totoo bigla akong naging interesado sa pinag uusapan nung dalawang babaeng naka sunod sa akin. Meron kasi akong sekreto, may nag offer kasi sa akin na mag audition para sa commercial nang isang body wash.






           At andito ako ngayon nang walang pahintulot  nang kuya ko, kong magsasabi kasi ako tyak hindi ako nun papayagan. Susubukan ko lang naman, baka sakali lang. Commercial naman ito hindi naman pag a-acting na mai-expose talaga yung mukha ko sa national  TV. Kung hindi ako mapipili di ayos lang, hindi ko na to uulitin. Promise ko yan sa aking sarili--







            ''Oo nga noh! Ang rinig ko kasing pinag-uusapan nang manager nya at manager ko isang buwan lang yung vacation niya. Eh, lagpas isang buwan na kaya.." Turan naman nung isa. Nakikilala ko din yung mga ibang kasama ko dito ngayon. Mga hindi pa ganun ka sikat sa larangan nang showbiz, mga pa extra extra lang sa mga movies or teleserye. "At tsaka, malapit na daw mag end yung contract nya. Hindi kaya lilipat na sya nang network--"







               "Next!!" Tawag nang bading. At kasunod nito yung babaeng nauna sa akin kanina kagaya din nang mga sampong nauna na kanina, mukhang hindi ito nakuha dahil naka simangot syang umalis..Kaagad naman  akong napa tayo mula sa aking kina-uupuan. Napa hugot muna ako nang malalim na pag hinga bago humakbang patungo sa may audition room..
"Good luck.." Rinig ko pang turan nito tsaka nya binuksan ang pintuan.







          Bahagya pa akong napa singhap nang maka pasok na ako sa loob. May dalawang lalaki at isang may edad nang babae ang seryosong naka upo sa isang mahabang table.. at iginiya naman ako nang isang babae at pinatayo sa harapan naman mga ito.
Inutusan ako nung isang lalaking mukhang bading din para magpakilala.







           "Ah- I'm Cherry Dayne Yambao, 18-years old.." Binanggit ko din kong saan ang address ko at kong saan ako nag aaral nang kolehiyo..  Pina ikot nila ako nang tatlong beses na parang nag momodelo, pagka tapos ay may lines na binigay sa akin at bahala na daw ako kong paano ko e-deliver ang linyang yun na kailangan nakaka convince daw sa mga tao. Para tangkilikin ang product na ini- endorse ko.






              Sinunod ko naman bawat detalye nang instructions na binigay nila sa akin. Ginalingan ko din ang pag acting at habang umarte  ay pumasok sa isip ko,kong gaano kagaling si Kelly na mambato nang linya sa napa nood ko noon na taping nang naging movie nila ni kuya Rajan. Medyo kabado ako pero tinaasan ko ang confidence ko nang sandaling ito.






            Narinig ko nalang ang kanilang palakpakan, ang mga taong andito. Na kina silay nang ngiti nang aking mga labi, rinig ko din ang papuri galing sa kanilang tatlo. Hanggang sa nagkumpulan sila at tila may seryosong pinag-uusapan. Maya maya ay tinawag yung bading na inuutusan para tawagin ang mga nakapila sa labas. Sinabihan na paki sabi daw sa labas tapos na ang audition.



          

          Sobrang lakas naman nang kabog nang dibdib ko nang sandaling ito.. pagka tapos nun ay tinawag nila ako at may dilaw na papel na inabot sa akin. Na kina awang naman nang labi ko.
"Contract yan miss Yambao and- by Saturday ang start nang shooting natin para sa commercial.  Dahil ayaw ka naman naming mag absent sa eskuwelahan kami na ang mag aadjust nang schedule para sayo.." Paliwanag nang isa sa dalawang lalaking nagpa audition.






         Hindi parin ako makapaniwala na ako ang natanggap para sa audition kaya napatulala nalang ako nang sandaling ito.
"Pwede mong iuwi muna yang contract  para basahing mabuti ang nilalaman and tomorrow nang ganito ding oras bumalik ka dito ha! Sana may signature na yan mula sayo. At tsaka, bukas din maibibigay yung partial payment para sayo." Wika pa nito.






           "Congrats Miss Yambao, malayo ang mararating mo." Papuri pa niya.
Binigyan pa nya ako nang kanyang calling card. "Tsaka teka pala-" Tawag nito ulit sa akin nang akmang lalabas na sana ako. "May manager ka na ba? Baka gusto mong isabak kita sa acting skills!" Turan nito na kina awang nang labi ko.







           "Oh, hindi sa pene- pressure kita. Pwede mong pag isipan ang mga sinabi ko." Dugtong pa niyang wika.




______


             

             "Anong kalokohan yan Dayne!!"  Singhal kaagad nang kuya ko. Makaraan kong ipinaliwanag sa kanya na ako ang nakuha sa audition na maging model nang isang body wash.. "Diba kabilin bilinan ko sayo na huwag na huwag mong susubukang sumabak nang trabahong katulad nang trabaho ko." Halata ang galit nito dahil namumula ang kanyang mukha.







          "Kuya- magkaiba naman ito sa trabaho mo.. Hindi naman mai-expose yung mukha ko dito. Hindi- hindi naman ako makikilala nila nanay--"





          "Ano bang nakain mo at bigla ka nalang naka isip nang  ganyan. Hindi pa ba sapat ang perang binibigay ko sayo!?" Napa ngiwi tuloy ako. Hindi naman sa ganun.  Sobra sobra pa nga yung binibigay nyang allowance ko, gusto ko lang gawin ito. Napa hugot nalang ako nang malalim na pag hinga.







          "Sige na kuya.. please!" Paki usap ko at sinabayan ko pa nang pag arte. Noong bata ako mahilig din talaga akong umarte pero tinatago ko yun kila nanay kasi nga ayaw nila. Tinatak nila sa isip ko na ang pag aartista ay hindi magandang trabaho dahil ginagawa ka lang daw na oto-oto, dahil kung anong pinapagawa sayo nang director  manager mo kailangan mong sumunod..
"Last na to' susubukan ko lang naman. Kuya please..." Mangiyak ngiyak ko nang turan..






            Sunod sunod naman itong napa hugot nang malalim na paghinga..
"Siguraduhin mo lang na hindi daring ang ipapagawa nila sayo.." Malumanay na himig na nitong turan. Ibig sabihin ba nun pumapayag na sya?  "Tsaka, siguraduhin mo din na hindi ka nga makikilala nang nanay at Mimi mo. Dahil ako ang malilintikan dito kong nagkataon."







              Nagliwanag ang aking mukha, pagka tapos ay bigla ko nalang syang dinaluhan nang mahigpit na yakap sa sobrang saya..
"Thank you kuya.." Sincere ko pang wika.







              "Okay! Basta huwag mo lang pabayaan ang pag aaral mo.." Turan nito. Syempre naman.. hinding hindi ko pababayaan ang aking pag aaral kahit na. Halos gabi gabing hindi ako pinapa tulog kakaisip ko kay Kelly.







            Yung nangyari sa amin, yung naging relasyon namin- talagang hanggang doon nalang ba? Ni wala akong lakas nang loob na magtanong sa kuya ko kong kamusta na nga ba sya! Dahil halos magdalawang buwan na mula nang umalis ito.







            Katulad ngayon, malalim na ang gabi pero dilat na dilat parin ang aking mga mata. Samantalang ilang oras nalang ay kailangan ko na namang gumising para paghandaan ang pagpasok ko sa eskuwela.
Hay Kelly.. kamusta kana kaya! Sana, huwag mo naman sana akong tuluyang makalimutan. Hugot ko nang malalim na pag hinga.







           Sana bumalik ka na.. Dalangin ko pa.  Pumapayag na din ako sa gusto nyang tapusin ko muna ang pag aaral ko. Baka sakali kapag dumating yung araw na yun ay pwede na ulit kami.  Basta bumalik lang sya. Yung makikita ko lang sya o matanaw sa malayo, masaya na ako.. Dahil yung huling gabing nagsama kami, yun ang pinaka masayang nangyari ngayon sa buhay ko.. napapa ngiti nalang ako bago ko pinikit ang aking mga mata.






              Pakiramdam ko, kakapikit lang nang aking mga mata nang tumunog na ang alarm clock ko. Hihikab hikab pa ako sabay kusot nang aking mga mata. Bago ako nagpasyang bumangon, kailangan ko din kasing gumising nang mas maaga ngayon dahil dito natulog ang kuya ko. Maghahanda pa ako nang breakfast naming dalawa. 






               Dinampot ko ang aking towel, na makasabit sa likod nang pintuan. Maghilamos muna ako at mag toothbrush syempre bago ako mag luluto..







          Pagka tapos ay marahan ko nang pinihit ang doorknob nang bigla akong napa hinto nang  maulinigan kong tila may kausap ang kuya ko sa labas nang pintuan. Sa may salas? Naririnig ko pa silang nag tatawanan dahilan nang awtomatikong pag kabog nang dibdib ko..






         Kelly!!  Turan nang isip ko. Bumalik na si Kelly.. Gosh! Sana tama ang hinala ko. Miss na miss ko na sya--

"ONE NIGHT" (gxg)Where stories live. Discover now