Chapter 37

3.3K 117 19
                                    

DAYNE POV

                  "Anong nangyayari?" Takang tanong ni kuya Rajan. Pagka tapos ay maagap nya akong pina distansya sa babaeng bigla nalang sumampal sa akin. Habang hawak hawak naman nang isang palad ko ang pisngi kong nasaktan.






              "Hi-hindi ko alam.." Todo iling kong tugon. "Wala akong idea na bigla nalang nya akong sinugod nang sampal--"






                  "Ikaw!!" Duro nito sa mukha ko at kitang kita ang galit sa kanyang mga mata. Mabilis din syang nahawakan sa magkabilang balikat, nang tinawag na Manay ni kuya Rajan. "Ikaw ang may kasalanan kong bakit nag aagaw buhay ngayon ang ate ko.." Nanggigigil nyang turan na kina awang naman nang aking labi. "Kung may mangyari sa kanya, hindi lang sampal ang aabutin mo!"






              Todo iling parin ako nang sandaling ito, upang depensahan ang sarili ko.  Hindi ko talaga alam kong anong pinagsasabi niya, ni hindi ko pa nga alam kong anong totoong nangyari kay Kelly--




            "Tama na yan, walang mangyayari kong mag sisihan tayo.. Ang isipin natin ay kapag lumabas na yung doctor..  Ipanalangin natin na ligtas si Kelly.." Litanya nang may edad nang babae. Pagka tapos ay marahan na nyang binitawan ang dalawang balikat nang kapatid ni Kelly..


           

               
              Pasimple pa akong inirapan, tsaka marahang tumungo ang babae sa may sulok at naupo sa isang bakanteng bench. Pagka tapos ay napapa hilot ito sa kanyang sentido.
"Kalma ka lang dyan Dayne, kakausapin ko lang si Kylie!" Seryoso namang turan nang kuya ko. Hindi nalang ako kumibo nang lumapit ito sa kinaroroonan nang kapatid ni Kelly..






                "Ano ba kasing nangyari?" May simpatyang himig nang aking kuya. Umupo sya sa tabi at marahang hinagod ang likod nang kapatid ni Kelly.






           "Car accident..." Tipid nyang tugon na kina singhap ko at kina baling nito sa akin. "Sobrang depressed na sya, dahil sa kanya.." Diretso lang ang tingin nito sa akin na kina angat din nang mukha nang aking kuya. Nagtatanong ang mga mata nang kuya kong napapa titig sa akin.
Papaanong---





              "You broke my ate's heart! Ang kapal nang pagmumukha mo." Dun ako biglang nag iwas nang tingin.. "Alam mong bang na depress sya nang husto sa ginawa mo..dapat magkikita kami ngayon-- magka usap pa kami sa phone nang biglang--" Napa hinto sya sa pagsasalita sabay takip nang mukha gamit ang kanyang dalawang palad..






           Hindi ko naman mabasa ang ekspresyon nang mukha nang kuya ko nang sandaling naka titig lang sya sa aking mukha. "I swear, magising lang ang ate ko hindi na namin sya papayagang mag showbiz!!"






          "Kylie...si Kelly parin ang mag de-desisyon sa bagay na yan." Kontra naman nang may edad nang babae. Sya ang may handle kay Kelly--






           "Dapat talaga, hindi na namin syang pinayagan bumalik. Kung alam lang naming ganito ang mangyayari.." Muling nagbaling ang tingin nito sa akin. "You..  minahal mo ba ang ate ko o katulad ka din ni Margaux na bandang huli iiwan nalang nang ganun nalang ang kapatid ko." Todo iling naman ako nang sandaling ito. Hindi ako- katulad nang Margaux na yun! Ang gusto ko lang naman sana, magiging maayos ang lahat!






           Kung alam ko lang-- hindi ko din naman ginusto ang nangyari kay Kelly--
Biglang bumukas ang pintuan nang ICU at halos sabay sabay kaming napa baling doon. Awtomatiko na naman ang pagkabog nang dibdib ko, sobrang kaba ang nararamdaman ko.
"Doc.. kamusta ang kalagayan nang ate ko. Ayos lang po sya diba?"






"ONE NIGHT" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon