Chapter 25

3.1K 96 4
                                    

DAYNE POV


              Wala kaming kibuan ni Kelly habang lulan nang kanyang sasakyan at binabagtas ang daan pauwi. Mag mula nang matapos silang mag usap sa cellphone ni kuya Rajan kanina parang biglang nag bago ang  kanyang awra. Pansin ko ang kanyang panana himik pagka tapos ay bigla nalang syang nag ayang ihatid na ako pauwi.






             Tapos naalala ko pa na sinabi  nyang  wala daw syang phone nasira, kaya hindi ko sya ma kontak, tapos kitang kita ko namang may bago na syang cellphone at may contact sila nang kuya ko. Alam ko namang mag best friend silang dalawa, kaya lang. Paano ako! Sino ba ako sa buhay nya. Medyo nakaka tampo lang din.







           "Mine.." Basag ko sa katahimikan at pilit kong pinasigla ang himig ko. Marahan kong ipinatong ang isang palad ko sa kanyang  hita.  "O- okay ka lang ba?" Tanong ko pa. Nahihiya din kasi akong mag usisa kong ano bang sinabi sa kanya ni kuya kung bakit ito napa tawag kanina. Bakit ba wala akong lakas nang loob ngayon! Dahil siguro ayoko nang away.. hayy!






           "Ahm- yeah, I'm fine."  Tugon naman nito na para bang may kulang.. Ewan ko pero pakiramdam ko sobrang lalim nang kanyang iniisip. Bakit ganun! Nasasaktan ako nang wala naman basehan.
Parang kailan lang ang saya saya naming dalawa na magka sama, pero ngayon ilang saglit na lang magkaka layo na naman kaming dalawa. Nalulungkot na naman ako.







         "I love you Kelly..." Wika ko sabay hilig nang ulo ko sa balikat nito. Sana kahit anong mangyari walang bibitaw sa aming dalawa. Dahil ako sigurado na ako sa sarili ko, mahal na mahal ko sya at makakaya ko lahat nang kahit anumang pag subok  na dumating. Handa akong mag hintay..
Kaya nga, pinagkaloob ko na ang sarili ko sa kanyang nang buong buo at walang alinlangan..






          Narinig ko na napa hugot sya nang malalim na pag hinga.. Gusto ko din sanang hingiin yung bagong phone number nito. Kaso argh!! Gusto kong syang mismo ang mag sabi at mabigay sa akin.







          ''Andito na tayo Dayne.." Matamlay nyang turan. Ni hindi ko namalayang naka rating na pala kami at naka hinto na ang sasakyan.
Nagbaling ako nang tingin sa mukha nito, gusto ko lang syang titigan dahil mamimiss ko na naman sya sobra..







            "Mine.." pag huni ko. Kinuha ko ang kanyang pisngi sabay lapit sa mukha ko. Pagka tapos ay masuyo kong hinagkan  ang kanyang labi.. Hindi naman sya komontra at kaagad pa syang tumugon. Gusto ko lang nang pabaon dahil ngayon magkaka layo na naman kami. Ilang saglit pa ako na din ang kusang tumapos sa halik naming dalawa.







          "A-alis na ako.." Malungkot kong wika. Kahit masakit pero kailangan na naman naming magka layo. Marahan ko nang tinulak yung pinto sa tabi ko. Rinig kong sunod sunod naman itong napa hugot nang malalim na pag hinga..





            Lalabas na sana ako nang bigla nitong hawakan ang isang braso ko.
"Dayne.." Buntong hininga nito.. Kaya muli akong nagbaling sa kanya. Tila may gusto syang sabihin kaya lang wala namang lumalabas sa kanyang bibig. Kaya lakas loob na akong tuluyang lumabas nang kanyang sasakyan. Kung gusto nya akong makita, alam naman nya kung saan nya ako pupuntahan. 






        Hirap mang humakbang, pikit mata na akong naglakad palayo. Ni hindi ko sya nilingon pa at tumuloy na ako sa labi nang building pagka tapos ay diretso na akong sumakay sa loob nang elevator. Mariin akong napa pikit habang paakyat na ang elevator at nararamdaman ko na yung kabog nang dibdib ko nang malapit ako sa floor kung saan ako lalabas.  Panay ang hugot ko nang malalim na pag hinga, kailangan ko nang paghandaan ang pag harap ko kay kuya.







"ONE NIGHT" (gxg)Where stories live. Discover now