Special Chapter

5.2K 135 42
                                    

DAYNE POV

                    "CUT!!! Good take.." Sigaw nang may edad nang babaeng director. Matapos kong mai deliver nang maayos ang aking lines, pagka tapos nun ay napa buga ako nang hangin.  Rinig ko naman ang mga papuri sa akin nang mga tao sa paligid ko ..You can do it Dayne! Cheer ko pa sa aking sarili.  "Break muna at lunch time na.." Rinig ko pang turan ni direk..






             Extra lang naman ako sa ginagawang movie na ito  at laking pasalamat ko  at pinayagan ako nang kuya ko. Gusto ko lang naman na kahit papaano, ma explore ko naman yung pinaka tago tago kong talento.






             Kaya lang, pagka tapos nito-  kailangan ko ding tuparin yung promise ko sa kuya ko, na huli na ito at kailangang magpo- focus na ako sa aking pag aaral.
"Dayne!" Nagulat pa ako nang may tumawag sa pangalan ko. Na kina baling ako sa aking kaliwa at awtomatikong kina silay nang matamis na ngiti sa aking mga labi at kina bilis nang tibok nang aking puso.
Kelly? Turan nang isip ko.







             Pagka tapos nang nangyaring setup sa hospital, naging maayos na ang pagsasama naming  dalawa. Kung pwede nga lang tumira na kami sa iisang bubong. Kaso-- ayaw pa nang parents ko  lalong lalo na si Mimi. Nagagalak ang puso ko dahil wala na kaming kailangang itago. Alam na din  nang karamihan ang tungkol sa relasyon naming dalawa at ang pagiging magkapatid namin ni kuya Rajan.






               "Tara.. lunch tayo mine!" Ngiting ngiti din nitong turan nang tuluyan na syang naka lapit sa akin. Hindi naman ako napag salita, nakatitig lang ako sa napaka ganda nyang mukha.  Ang hindi ko inasahan nang nang bigla nalang nito akong  hapitin sa baywang.. Di alintana ang mga matang alam kong naka tutok nang sandaling ito sa aming dalawa. "Who cares!" Bulong pa ni Kelly sa aking kaliwang tainga, na tila nababasa ang nasa isip ko. Na kina bilis lalo nang pintig nang aking puso at sigurado akong kina pula nang husto nang magkabila kong pisngi nang sandaling ito. Di pa sya na kontento, nang bigla syang humarap sa akin sabay hawak sa aking baba, dumukwang at basta nalang akong masuyong hinagkan sa labi. Na kin ungol ko pa nang mahina..







             Kahit saglit lang iyon, ay  ramdam kong may mga nag flash na mga camera sa paligid.. Napa awang nalang ang labi ko nang, isa isang kinawayan ni Kelly ang mga taong andirito at ngiting ngiti pa sya.  Kaya lalo tuloy nagka lakas loob ang mga ito na kuhanan kami nang larawan.





             Pasimple pa nyang hinawakan nang mahigpit ang kanang palad ko. "Let's go mine!'' Malambing nyang  wika sabay kindat  pa sa akin pagka tapos.  Basta nalang nya akong hinila . Parang wala tuloy ako sarili na  napa sunod  nalang sa kanya, hila hila ako patungo sa naka parada nyang sasakyan.






   
                Alam naman nito ang tungkol dito, sa pagiging extra ko at sa location ko ngayon. Ang hindi ko lang inasahan ay ang pag punta nya--  basta hindi ko ma explain yung kilig kong nararamdaman. Hanggang ngayon kasi parang isang panaginip parin ang lahat.  Na ako si Cherry Dayne Yambao isang ordinaryong taga hanga ay pag aari ko na ang isang pinakamahusay na actress sa bansa. Si Kelly Robles at mahal na mahal pa nya ako.







                  Ngayon palang, nasisiguro kong wala na kaming maitatago pa, wala naman na talaga. Dahil alam na nang parents namin ang lahat, ang tungkol sa relasyon namin. Tutol man si nanay noong una, lalo na si Mimi napatunayan naman ni Kelly na totoo ang hangarin nito sa akin.







             Pinag buksan pa nito ako nang sasakyan, pagka tapos ay mabilis umikot sa may driver seat. Hindi pa nya kaagad pina usad ang kotse, nagbaling sya sa akin at pinaka titigan nito ako.  "Mine.." Malambing nitong bigkas. Pagka tapos ay ginagap nito ang palad ko. "Nag quit na ako nang showbiz.." Seryosong wika nito na kina singhap ko. So, tinotoo nga nya ang sinabi nito.






            "Kelly-- hindi mo naman kailangang gawin--" Bigla nya akong dinampian nang mabilis nang halik sa labi. Alam kong pangarap nya ito at hindi nya basta basta binitawan nalang--






             "Gusto ko at nakapag desisyon na ako.Hindi naman habang buhay ganito ang trabaho ko Dayne.. gusto kong maging mas maayos ang pagsasama nating dalawa. Magpapa tayo ako nang sarili nating negosyo.'' Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa akin. Hindi ko naman napigilan na masuyong haplusin ang kanyang pisngi. "Mahal na mahal kita Dayne at magmula nang minahal kita, ikaw na ang pangarap ko. Makasama at bumuo nang masayang pamilya." Wika nito.






         Pamilya?  Hindi ko naman maintindihan ang nararamdaman ko nang sandaling ito. Napapa kagat labi nalang ako..







            Gustong gusto ko yung idea na yun.. Hindi ko tuloy napigilang halikan sya nang mariin sa labi. Na kaagad naman nitong tinugon.. Mahal na mahal din kita Kelly. At sa aksidenteng halik na nangyari nang gabing iyon sa boracay. Alam kong doon nagsimula ang lahat..





End...

               

     AN..
Short chapter na lang po..😄😄😥✌️✌️✌️

            Maraming maraming salamat po sa pagsubaybay ninyo nang One Night.. at sa iba ko pang stories. Salamat po sa lahat nang suporta ninyo, kayo po ang inspirasyon ko sa aking pagsusulat.
At sa nag request po nang  Juliantina 😄😄😄   Uumpisahan ko na po syang gawin, one of this days po ipapa publish ko na po..😉😉






         ...Sa  YHABS KO...😘😘😘
Mahal na mahal po kita😍😍😍
Ayyiehh😘😘

"ONE NIGHT" (gxg)Where stories live. Discover now